ANG MISTERYO TUNGKOL KAY ‘SPRING HEELED JACK’ ( Part 1)

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Ang kuwento tungkol sa misteryosong nilalang na si ‘Spring Heeled Jack’ ay isang pamosong urban legend at naging bukambibig sa England.  Hindi lang batid ng karamihan kung san nagmula ang katutubong kuwento tungkol sa kanya.

Na kahit na sa Estados Unidos ay may mga taong nagsasabing nakakita sila o naka-engkuwentro si Spring Heeled Jack, ang tunay na Batman sa totoong buhay. Na hindi man nakakalipad ay napakataas naming tumalon at sobrang bilis kung kumilos. Akala nga noon ng mga tao ay isa siyang demonyo.

Kumalat noong una ang tsismis na totoo nga siya noong panahon ng Victorian Era na kung saan ay si Queen Victoria ang reyna noon sa United Kingdom. Kumalat ang balita sa misteryosong nilalang noong taong 1837 hanggang taong 1901 na taong kung kalian pumanaw si Queen Victoria. Noong mga panahong ito, ang mga Briton ay nakakaranas na ng paglago at pag-unlad ng kanilang pamumuhay, mataas na uri ng edukasyon kung kaya umunlad ang kaalaman ng bawat indibidwal. Ngunit, naging kontrabida sa kanilang payapang pamumuhay si Spring Heeled Jack.

Balikan natin ang mga kaganapan noong taong 1837, nang panahong iyon, excited ang mga miron nang maluklok sa trono si Queen Victoria. Nagagalak ang mga tao dahil sa pag-aakalang uunlad ang kanilang pamumuhay sa pamumuno ng reyna sa United Kingdom ng Britanya at Ireland. Naluklok siya sa trono noong pumanaw ang kanyang tiyuhin na si William IV isang buwan pagkatapos ng ika-18 kaarawan niya.

Nirerespeto ng mga tao ang hari ngunit gusto nilang ang mamuno na sa kanila ay bata at matalinong babae na pumalit sa trono nito. Kalaunan, naging markado’t tanyag si Queen Victoria sa buong rehiyon  bilang pinaka-successful ruler dahil sa pag-unlad ng siyensiya, pulitika, edukasyon, at iba pang mahahahalagang salik sa pamumuhay.

Ang kanya lang problema ay hindi niya mapahuli at mailabas ang tunay na identidad ng perwisyong si Spring Heeled Jack.

Lumilikha ng katatakutan ang naturang nilalang sa London at nagpakita ito una sa isang lalaki na papauwi na ng bahay mula sa pinapasukan nito. Nang mapadaan ang businessman kelot sa isang sementeryo’y nagsimula na siyang kabahan.

At ang nangyari, nasaksihan niya ang isang kakatwang nilalang na tumalon sa gate ng sementeryo at bumagsak mismo sa kanyang harapan. Hindi naman siya sinaktan nito ngunit nalambot siya sa takot. Nang ipagsabi niya ang kanyang karanasan sa kakatwang nilalang, hndi pa aniya siya nakakita ng ganun. Lalaki umano ang kasarian nito at ang mga mata ay nagniningas at parang mata umano ng isang demonyo at may gayak at mukha ng isang demonyo.

Ang sumunod na nagpatotoo tungkol sa kakatwang nilalang ay ang dalagang si Mary Stevens. Siya ay isang servant na ngatratrabaho sa rehiyon ng Lavender Hill. Habang siya ay naglalakad noon upang pumasok na ay napadaan siya sa isang alley na masyadong madilim. Habang dumadaan siya s aisang madilim na kalsada ay biglang tumalon si Spring Heeld Jack at hiila ang kanyang kamay. Takot na takot ang dalaga at doon lang siya nakadama ng matinding takot sa buong buhay niya. Hinalikan ng salot ang kanyang buong mukha at tinangkang hubarin ang kanyang kasuotan. Kahit na nahihintakutan at na –shocked sa pangyayari ay nagawang sumigaw ni Mary.

Dahil dito, kumalas sa pagkakayapos sa kanya si Jack at tumalo-talon na papalayo. Rumesponde naman ang ilang katao nang marinig ang sigaw ng dalaga upang tulungan siya. Hinabol pa nila ang salot na si Jack  nguit hindi sila nagtagumpay na masukol ito.

SHARE
Previous articleBakit pagkain ang pangunahing pangangailangan ng tao?
Next articleMga Uri Ng Tao Na Dapat Mong Makasama
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here