ANG MISTERYO SA ‘ZONE OF SILENCE’ SA MEXICO

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Batid ng karamihan sa atin ang tungkol sa hiwaga at misteryong napapaloob sa ‘Bermuda Triangle’ o tinatawag ding “The Devil’s Triangle” na isang area sa North Atlantic Ocean. Na rito, ang mga eroplano at ang mga barko ay kataka-takang nawawala at naglalaho nang walang anumang naiiwang bakas.

Gayunman, ang mga kakatwang pangyayari sa nasabing pook ay sa karagatan nagaganap. May ganyan ding insidenteng nangyayari sa ‘Mapimi Silent Zone’ na matatagpuan sa Chihuahua Desert sa northern Mexico. Ayon sa mga talang nakalap, may ilang kababalaghan, mga kamangha-manghang kwento at mga urban legends sa nasabing lugar.

Sinasabing ang signal ng radyo, TV at mobile phones sa ‘Zona del Silencio’ o Silent Zone ay di umuubra, gayundin ang compass. May ilan ding nakikitang kakatwang bolang apoy na gumuguhit at nakikita sa himpapawid. Gayundin ang malimit na UFO sightings. Bagama’t tumigol na ang ilang mapagkakatiwalaan at sikat nga sources ng nasabing mga insidente, may ilan pa ring hindi tumitigil sa pagpapakalat ng mga nabanggit na kakatwa at mga misteryosong pangyayari.

Noong July 11, 1970, naglunsad ang United States Air Force ng Athena V-123-D test rocket, kung saan nagdadala ito ng 2 containers ng radioactive element na tinawatag na ‘ Cobalt 57’  sa Green River Launch Complex sa Utah. Bagama’t ang puntirya nito ay ang New Mexico’s White Sand Missile Range, ang rocket ay nawalan ng kontrol at aksidenteng pumailanlang sa Mexican airspace.

Pagkatapos, bumagsak ito sa Durango desert, isang area na kilala bilang ‘Zone of Silence’. Pagkatapos nito, nagtungo ang mga dalubhasa o covert experts sa lugar na bunagsakan ng rocket upang hanapin ito. Gayunman, lumipas na ang 3 linggo ay hindi nila nahanap ang pakay. Kalaunan, isang kalsada ang pinagawa roon upang madaanan ng sasakyan na magdadala sa mga debris ng rocket, kasama na ang kontaminadong topsoil. Bagama’t lihim ang ikinasang operasyon sa Mapimi, umupa ang U.S. government ng ilang tao upang bantayan ang crash site.

Ang pagiging lihim ng nasabing insidente ay nakapagbigay ng interes at kuryusidad sa mga tao; lalo na nang gatungan o magkuwento ang mga guwardiya roon ng mga kakatwang pangyayari.

Hanggang sa ngayon, nananatili ang sabi-sabi at balita tungkol sa mga kakatwang nangyayari sa Mapimi Silent Zone—kung saan, nakitaan ito ng mga hotel builders at landowners ng oportunidad upang mapalakas ang ekonomiya sa nasabing pook. May ilang siyentipiko ang bumisita sa nasabing area at kinumpirma ang phenomena. Subalit, ang mga dokumento na may kaugnayan sa nasabing research ay mahirap matagpuan.

Napag-alaman na ang nasabing pook ay dating nakalubog sa tubig, kung saan matatagpuan ang ilang labi ng mga marine life roon. Kung kaya, tinatawag ito ng mga scientist na ‘Sea of Thetys’.May ilang malalaking meteorites din ang bumagsak  malapit sa lugay sa nakalipas na mga siglo. Nung una, hindi ito binansagang ‘Zone of Silence’ hanggang 1966, nang ang engineer na nagtratrabaho sa Pemex oil company ay nagsagawa ng paggalugad dito. Kung saan, nagkaroon siya ng problema dahil walang signal ang kanyang radyo. Kung kaya, binansagan niya ang lugar na “Zone of Silence’ na sinasabi ng ilang theorist na isang alien portal.

SHARE
Previous articleMaagang Pamamaalam Ni Kobe Bryant At Anak Na Si Giana
Next articlePamahiin Hakbang: Mga Dapat Tandaan
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here