ANG MISTERYO SA UMIIYAK NA GLACIER SA AUSTFONNA ICE CAP

Ravenson Biason

Sadyang may mga bagay sa mundo ang kakatwa at misteryong nangyayari na hindi natin inaasahan. Ang kalikasan sa isang tingin ay payak lamang at hindi mo iisiping magbibigay sa atin ng isang mensahe. Subalit, saka natin mababatid na ang mga anyong lupa man o tubig na salik ng kalikasa’y nagpapahiwatig na sa sangkatauhan.

At dahil sa may may mga salik o gawain ang tao na tunay na nakasisira sa Inang Kalikasan ay waring nagdadalamhati ito anupa’t may kakatwang imaheng nabubuo para ang tao ay paalalahanan. Isa sa mga nakakagulantang na imaheng nabuo ay ang Austfonna ice cap na matatagpuan sa Nordaustlandet sa bayan ng Svalbard archipelago sa bansang Norway. Ang naturang pigura ng Mother Nature ay tila dumadaing sa pagbabagong nagaganap sa kalikasan at tila nagproprotesta sa climate change.

Isang glacier expert ang nagkumpirma na ang naturang iced cap ay humulma ng imahe ng Inang Kalikasan na umiiyak, kung saan ay patuloy na nababawasan ng halos 160 feet kada taon sa maraming dekada nang lumipas. Si Jon Ove Hagen, 59-anyos na miyembro ng World Glacier Monitoring Service (WGMS) at isang propesor sa Geoscience sa Oslo University ay pinag-aaralan ang Austfonna ice-shelf sapol pa noong 1988.

Ang naturang ice-cap ay siyang pinakamalaki sa Norway at maging sa Artic region namay sukat na 3,000 milya. Aniya, ang geometry ng ice cap ay nagbago at ang harapan nito’y gumagalaw pabalik at ang bahaging nasa ilalim ay numinipis na. Ang pagnipis nito ay nasa 3 talampakan kada taon. Sa kabuuan, natutunaw ito 1.6 cubic miles ng yelo kada taon.

Ang dramatic na larawan ay nakunan ni Michael Nolan, (isang Marine photographer at Environmental lecturer)   kung saan ay tila umiiyak ang Mother Nature sa isang canvas ng natutunaw na yelo na nasa isang dumadaloy na tubig naman sa naturang Norwegian Glacier.

Ito rin ang napansin ni Randy Schutt na kung saan ay mangha niyang nakita ang na-developed na larawan kung saan ang ice-cap ay may ‘crying face’. Kalaunan, naging karaniwan na ang tagpong iyon kapag magtutungo ang isang tao sa nasabing pook.

Aniya, ang pagluha ng kalikasan ay isang natural sculpture na likha ng waterfall of glacial water kung saan ay babala sa sangkatauhan tungkol sa lumalanang global warming. Aniya, sa kanyang taunang paglalakbay para obserbahan ang glacier ay sinabi niya na isang paraan umano ng Inang Kalikasan ang porma niya sa ice -cap para ipahayag ang kanyang sentimental dahil sa ating hindi pagtuon ng pansin at pagwawalang bahala para bawasan ang Global Warming.

Siya (Inang Kalikasan) ay umiiyak dahil sa pagmamalabis ng tao sa kalikasan na sa bandang huli’y sangkatauhan din ang magdurusa,” pahayag ni Nolan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here