ANG MISTERYO SA NUCLEAR WEAPON NOONG UNANG PANAHON

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Marami ang nahuhumaling sa tala o kaganapan tungkol sa misteryo ng sinaunang daigdig, partikular na sa ancient nuclear weapons. Na ayon kay Zecharia Sitchin (July 11,1920-October 9, 2010), isang  manunulat na markado sa pagsusulat tungkol sa misteryo ng ating daigdig. Aniya, eksistido na noong unang panahon ang mga nukleyar na mga sandata.

Bagama’t tanyag na awtor si Sitchin dahil sa paglalahad niya ng ibang bersyon ng pinagmulan ng sangkatauhan at mga sinaunang astronauts, hindi tanggap ng ibang siyentipiko at mga dalubhasa kanyang mga pahayag at teorya. Gayunman, hindi naligilan ng mga ito ang pagsikat ng manunulat lalo na nang isulat niya ang tungkol sa mga Annunaki na siyang lahi umano ng mga extra terrestrials. Katunayan, milyon-milyon ang nabentang kopya ng kanyang mga akda na isinalin pa sa 25 wika.

Pero, kung ikaw ay nabuhay sa ika-20 siglo hanggang sa ngayon, ikagugulat mo ang teorya ni Sitchin— na ang mga bagay na nakikita natin ngayon, gaya ng mga modernong teknolohiya, umiral na aniya ito noong unang panahon. Isa na nga rito ang atomic bomb o nuclear weapon. Hindi ba’t isa itong misteryo? Kung totoo man, sino ang may gawa at saan ginawa?

Marami ang yumakap sa paglalahad na ito ni Sitchin, sapagkat ang mga tala na nasa Sumerial Clay tablets ay sinusuhayan naman ng ilang tala ng aklat. Halimbawa na lang ay ang nakasulat sa ancient Indian book na Mahabharata. Na ito’y kinikilala ng mga Hindu na isang sagradong epikong aklat.

Kasi, may nakasulat ding mga paglalarawan, na kung lilimiing mabuti sa literal na pakahulugan ay tumutukoy sa bomba atomika. Lumalabas, na nakita pareho ng mga Sumerian at mga Indian ang pagbagsak ng bomba atomika,  kung kaya isinulat nila ito. Gayun nga kaya o isang manipulasyon o sa iisang grupo lang nagmula? Ang Illuminati kaya? Pero, yun daw ang totoo. Pinapakita lang kasi sa mga akdang ito na ang sinumang mayroong sandatang nuclear ay dapat katakutan, dahil sa tindi ng magiging pinsala nito sa paligid at sangkatauhan.

Gaya ng giit ni Sitchin, ang may kagagawan ng naturang sandatang pamuksa ay ang mga Annunaki. Tandaan, ang mga nilalang na ito ay hindi talaga mga diyos. Sila ay tao rin sa kalagayan na nagtataglay ng adbantaheng karunungan at teknolohiya. Kung kaya, naging mas makapangyarihan sila sa iba. Isang kathang isip na mga nilalang na pinalalabas na naging eksistido at totoo ng mga ateyistang gustong bulabugin ang katotohanan sa Banal Na Kasulatan.

Batay sa mga alamat, ang mga advance race raw na ito pagdating sa karunungan ay sadyang hinangaan ng mga primitibong tao. Kung kaya, inakala ng ilan na sila ay mga ‘diyos’. At ating pakatandaan, ang mga diyos na ito o mga ancient gods ay peke. Sila ay bunga lamang ng imahinasyon. Kung kaya, sadyang may mga karunungan (Forbidden Knowledge) na dapat itago aniya para hindi na magulumihanan ang sangkatauhan.

Ang mga ‘diyos’ na ito o mga ancients gods ay bunga ng malikhaing kuwento ng mga marurunong noon na  naniniwalang may Diyos. Pinapalabas ng mga manunulat ng ilang aklat gaya ng Mahabharata na sila ay umiiral. Kung susundan ang teoryang umiiral na ang nuclear weapon noon, ito ang masasabing dahilan ng pagbagsak ng ilang dakilang sibilisasyon.

Sa isang linya ng tula sa Indian book ay sinasabi ang kaisipang, “All the foodstuffs were infected” na ngangahulugang ay na-infected na ng nuclear radiation. Maging ang balat ay nasunog din. “Rose in all it’s splendor” na ang ibig sabihin naman ay lumilikha ng higanteng kabote o giant mushroom  ang usok galing sa sumabog na bomba atomika.

May binabanggit din ang naturang aklat na “An iron thunderbolt, a gigantic messenger of death” na ang ibig sabihin ay sa isang atake o gamitan lamang ng naturang armas, libo o milyong tao ang maaaring mamatay. Nang dahil sa maayos na napabigyan ng pakahulugan ito ng mga marurunong ay nabuo sa kanilang kaisipan na umiiral na nga noon ang bomba atomika. Na mas nauna pa sa paglagapak nito noong World War II sa Hiroshima at Nagasaki noong Agosto 1945.

Ang isa sa inilalatag na ebidensiya ng mga taga-hanga at naniniwala kay Sitchin ay ang pagkakatuklas umano ng radioactive ash sa sinaunang pook ng Mohenjo Daro at Harappa. Na siyang naging dahilan upang lisanin ng mga sinaunang Indian ang naturang lugar. Ang isang Lunar Crater malapit sa Bombay ang bakas umano nang ginamit na bomba atomika noong sinaunang panahon. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here