ANG MISTERYO SA LAKE NATRON SA TANZANIA

Noong  taong 2011, habang naglalakbay siya upang kumuha ng mga larawan para sa isang ginagawang bagong libro sa tungkol naglalahong wildlife sa East Africa na may pamagat na ‘Across the Ravaged Land’, natuklasan ng photographer na si Nick Brandt ng isang kakatwang pook na labis na napamangha sa kanya. Ano ang pook na ito at anong misteryo ang bumabalot sa nasabing lugar? Ito ay isang natural lake na pinapagpaging isang matigas na bato ang mga hayop na namatay sa dakong iyon.

“When I saw those creatures for the first time alongside the lake, I was completely blown away,” pahayag ni Brandt.

“The idea for me, instantly, was to take portraits of them as if they were alive.”

Ang nakakamangha subalit nakatatakot na lawa ng Natron sa Mondulin nasa sa hilagang Tanzania ay isang salt lake, kung saan ang tubig roon na nagkukulay dugo ay umaagos, ngunit hindi makawala gaya ng sa ilog. Naaalis lamang ang tubig roon sa pamamagitan ng ebaporasyon.

Ang pambihirang epekto ng prosesong iyon ay nag-iiwan ito ng high concentrations ng asin at ilan pang minerals gaya ng sa Dead Sea at Great Salt Lake sa Utah. Gayunman, hindi naman talaga delikado ang naturang lawa sa mga naglalakbay na buhay doon.

Di tulas sa karaniwang lawa, ang Lake Natron ang lubhang mataas ang antas ng alkaline dahil sa mataas na taglay nito ng kemikal na ‘natron’— kombinasyon ng sodium carbonate at baking soda sa tubig.

Ang taglay na pH ng tubig roon ay mga nasa 10.5, malapit-lapit o kasingsukat ng ammonia at 60 degree naman ang temperatura. Sapat na ang temperaturang ito para makasunog ng balat at makakitil ng buhay gaya ng maliliit na hayop. Ito rin aniya ang rason kung bakit kapag namamatay ang mga hayop sa paligid ng lawa— nahahalintulad ang proseso ng pagpreserba sa kanila gaya ng mga Egyptian mummies.

Gayunman, sa paniniwalang pinapagpaging bato ng lawa ang anumang bagay o hayop doon, iyon umano ay depende sa kalikasan. Nangangailangan aniya ng mahabang panahon para mangyari ang gayung proseso. At dahil sa himlayan o santuwaryo ng mga flamingo sa North Africa ang nasabing dako, sila ang karaniwang biktima na tila nakulong doon at nagiging masalimuot ang kapalaran sa oras na lumusong sa tubig ng lawa. Bukod sa mga flamingo, makikita rin na tila estatwang bato ang ilang hayop na namatay doon kabilang ang paniki, lawin at iba pang uri ng kinapal na lumilipad.

Kaya tinatawag rin ang lawa na ‘Alkaline Lake’.Marahil o pinaniniwalaan na ang taglay nitong kemikal ay nakuha o nagmula sa volcanic ashes ng Great Rift Valley.

 “It’s so high that it would strip the ink off my Kodak film boxes within a few seconds,” dagdag pa ni Brandt.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here