ANG MISTERYO SA CLAPHAM WOOD

0
86
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Ang ‘The Clapham Wood Mystery’ ay siya lamang pangalang ibinigay sa naturang pook dahil sa mga tala ng mga kakatwang pangyayaririto. Ang naturang kakahuyan ay matatagpuan sa West Sussex, England na naging tanyag dahil sa unusual events.

May ilang pangyayari mahiwaga sa naturang pook ang napaulat, kung saan, nakakakita’t nakararanas ang mga tao roon ng kakatwang tanawin at pangyayari, pagkakasakit at paglaho ng mga alagang hayop ng mga tao gaya ng aso, pusa, at iba pa.

May napaulat din na kapag nagawi sa kakahuyan ang isang tao’y hindi na ito nakakabalik ng buhay habang nagsasagawa ng ghost hunt. Sapol pa noong taong 1960, ang naturang kakahuyan ay pinagpapakitaan na umano ng UFO. Pagkatapos nun, ipinagtataka ng mga tao ang pagkakaroon sila ng pantal sa balat, pagsusuka, na kung may anong puwersa silang nararamdaman, at nakakakita ng kakatwang kulay abong hamog na lumilikha ng isang daan patungo sa mismong kakahuyan.

Iniulat din ng ilang katao ang isang malakas na sense na kanilang sinusundan. Ang pag-aaral tungkol sa gieger counter ay naglahad na may umaangat na lupa sa kakahuyan kung saan ay nabatid na mayroong radiation doon. Ang mga unang kuhang larawan ng naturang kakahuyan ay nakitaan ng malaking crater o uka ng lupa. Subalit, sa kasalukuyang panahon ay napuno na ito ng mga kahoy.Kung kaya ang bakas nito ay hindi na matagpuan o kaya mahirap nang matuklasan.

Naitala rin na may apat katao ang namatay nang subukan nilang galugarin ang crater sa kakahuyan ng Clapham. Ang unang naitalang insidente ng pagkamatay ay noong Hunyo taong 1972 nang mawala ang police officer na si Peter Goldsmith habang naglalakad sa  kakahuyan. Ang mga labi ni Goldsmith ay natagpuan anim na buwan ang nakalipas pagkatapos na napaulat siyang nawawala. Ang ikalawang naitalang namatay sa naturang kakahuyan ay si Leon Foster, kung saan ang kanyang labi ay natagpuan noong Agosto 1975 sa loob ng tatlong linggong pagkawala.

Ang ikatlong nasawi ay si Reverend Harry Neil Snelling na dating vicar o pari ng Clapham. Siya’y nawala noong Oktubre 1978. Tatlong taon pa ang nakalipas bago natagpuan ang kanyang katawan. Isa sa bantog na tumuklas ng hiwaga ng Clapham Wood ay si Charles Walker, Aniya, ang misteryo tungkol dito ay iniuugnay sa isang satanic cult na tinatawag na ‘The Friends of Hecate’.

Noong 1978, inimbestigahan ni Walker ang mga kakatwang pagkawala ng mga aso sa naturang pook at siya’y nakatanggap ng isang tawag sa telepono mula sa taong hindi niya kilala. Sinabi ng caller na kung gusto niyang malaman ang tungkol dito ay pumunta siya sa ‘Clapham Wood’. Ano ang kanyang natuklasan? Nang pumunta siya sa naturang pook  isang gabi, tinawag siya ng isang boses habang naglalakad siya sa kakahuyan. Doon niya nabatid na ang tumawag sa kanya ay siya rin niyang kausap sa telepono. Doon din niya nalaman na ang occult group ay nag-aalay ng mga aso sa Greek Goddess na si Hecate. Ang mga miyembro ng naturang kulto ay pawang may mga koneksiyon sa pulitika at malayang nagagawa ang kanilang ritwal.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here