ANG MISTERYO SA BRIDGEWATER TRIANGLE

0
102
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Batid ng ilan o pamilyar tungkol sa hiwaga ng ‘Bermuda Triangle’ kung saan ang mga dumaraan na mga barko o eroplano sa nasabing rehiyon ito ay misteryosong nawawala. Ang ‘Bridgewater Triangle’ ay mayroong 200 square miles o 520 kilometro na nasa sa southeastern Massachusetts sa Estados Unidos. Ang naturang pook ay natuklasan ng paranormal researcher at cryptozoolist na si Loren Coleman at inilahad niya ang mga kakatwang bagay tungkol dito sa kanyang librong ‘Mysterious America’. Siya rin ang nagbugay ng termino sa nasabing historical landmark.

Noong colonial times,  ang naturang erya ay naging matunog o naging usap-usapan tungkol sa mga kaganapang paranormal, UFO ay Black helicopter sightings, poltergeist, hugis bilog na bagay, bolang apoy o kaya ng santilmo, spectral phenomena, mga ilang bigfoot sightings, mga dambuhalang sawa, thunder birds o nagliliyab na mga ibon, at pagkakapinsala ng mga baka at iba pang livestock.

Subalit,ang nakatawag-pansin sa mga pangyayari sa naturang pook ay ang sinasabing pagpapakita ng mga kakatwang nilalang sa misteryosong ‘Hockomock Swamp’. Kung saan, sinasabing ito ay tinitirhan umano ng mga espiritung ligaw. Tinawatag ito ng mga sinaunang taong nanirahan (mga native Americans o mga Indians noong ika-16 dantaon) sa naturang pook na ‘The Devil’s Swamp’.

Sa naturang swamp nakikita ng mga Indians ang isang Bigfoot type-creature na tinatawag ding ‘Hockomock Swamp Monster’ na mayroong 10 hanggang 12 talampakang pakpak gaya ng ibong Pterodactyl.Isang pulis ang napaulat na nakakita sa kakatwang nilalang May nakikita rin ditong giant snakes, higanteng  mga pagong at mga  buwaya. Kakatwa ring pasalubong ang hangin sa naturang pook, na waring sinasadyang itulak ang mga nagdaraang tao sa batis para mahulog at pagpiyestahan ng mga dambuhalang nabanggit. Bukod dito, matatagpuan din sa nasabing rehiyon ang Dighton Rock, Freetown-Fall River State Forest, Profile Rock at Solitude Stone.

Ang Triangle o hugis tatsulok na pook, kung saan nakahimlay ang mahiwagang sapa ay naging Indian burial grounds. Isa sa karaniwang pangyayaring naiulat sa naturang pook ay spooklights o tinatawag ng ilan na ghostlights.

Ang naturang pangyayari ay nasasaksihan noon ng mga taga-roon tuwing buwan ng Enero, na nakikita sa mga sapa at riles ng tren. Sinasabing ang kakatwang kaganapan sa naturang pook ay bunga ng sumpa ng mga elderly Indians upang pagsakluban ng takot ang bagong nakatira o mga colonist na nagtaboy sa kanila mula sa kinagisnan at tinirhang lupa na kinamkam sa kanila.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here