ANG MISTERYO SA ALIEN ENCOUNTER NI PAMELA STONEBROOKE

May ilang tao ang nagsasabing nagkaroon sila ng kakatwang pakikipaglove-making. Ngunit, mas kakatwa ang karanasan ni Pamela Stonebrooke na isang jazz singer. Sinabi ng naturang bebot  noon na nag-enjoy siya sa kakatwang pakikipagtalik sa 6-footer na reptilian sa loob ng tatlong taon. Ang kanyang istorya’y kabilang lamang sa “World’s Strangest UFO Stories na naipalabas sa Discovery Channel.

Sa panayam ng Sun Online kay Pamela, inihayag niya na ang kanyang unang sexual encounter sa isang alien, kakaibang lovemaking na kanyang naranasan. Aniya, ang alien ay mas malaki umano sa sinopamang kalalakihan. Naaalala pa niya ang kanyang naramdaman noong unang beses silang magtagpo ng kakatwang nilalang. Kaya naman, tinawag siyang “Intergalactic Diva at Queen of Reptilians”.

Aniya, nagising siya sa pagkakatulog at kakatwang nagisnan na lamang ang sarili na nakikipagtalik sa isang lalaki na mala-Greek god ang dating at ayos. Inakala niya na isa lamang iyong panaginip. Ngunit, ang kaniyang pakikiniig rito ay matindi, kung kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil sa tindi ng sensayong nadarama sa isang lalaki na hindi niya alam kng saan nanggaling.

At nang muli niyang imulat ang kanyang mata’y nagulantang siya na ang umaangkin sa kanyang mala-Adonis na lalaki ay nagbago ang anyo at naging isang reptilian. Ang kutis ay parang ahas at doon niya nalaman na nakikiniig siya sa isang shape-shifting alien. Matindi ang nararama niyang takot, ngunit bumulong ang alien sa kanya ng 

‘We’ve always been together, we love each other.”

Aniya, ang kanyang unang contact dito ay nangyari noong taong 1994, kung saan ay nangyari nang siya’y managinip na siya’y nasa spacecraft, kung saan ay naka-puwesto siya sa isang pyramid. Doon ay tinawag siya ng mga small grey beings na inakala niya nung una na mga babae at tinawag siyang Mummy.

Dahil sa napamangha ang ilang UFOlogist at psychologist sa kanya, siya’y sumailalim sa isang hypnosis upang malaman kung mayroon pa siyang makikita sa nangyari sa kanya. Aniya, may grupo ng ilang tao na nakaranas na ng gayung bagay. Anila, hindi nasisiraan ng bait ang bebot o gumagawa ng kuwento para pag-usapan.

May nagpahayag naman na ang kaso ng babae ay isang Sumerian Program ng Nephilim gods, na kung saan ay galing sa kalawakan para makipagniig at gumawa ng bagong lahi. Aniya, malamang iyon ang nakaniig ng mang-aawit.

Ayon naman sa Raelian spokesman sa Quebec, Canada na si Jocelyn Chabot, hindi posibleng mangyari iyon dahil eksistido na ang alien DNA sa human equation. Aniya, may reptilian lider o god figure na si Dilumn kung saan ay nakaniig nito si Alea at Louise Compton. Ang naturang nilalang na si Solux ay matangkad na insectoid gray alien na isa rin sa pinapalagay na alien lover ni Pamela.

Ayon pa kay Jocelyn, hindi na iba ang nangyari sa bebot dahil marami na ang nagpapahayag mapa-lalaki man o babae ay nagkaroon na pakikipagniig sa mga alien. Ang pangyayari kay Pamela ay pinaniwalaan ng COHRA (Council on Human Reptilian Alliance) na isang UFO fanatics community. Sa naturang grupo’y sumulat si Pamela tungkol sa kanyang alien encounter.

Ayon naman sa mga kritiko, ang pahayag ni singer ay isang publicity stunt upang mapag-usapan pang lalo ang mga alien at patingkarin ang kanyang career. Higit sa lahat, upang mapukaw lalo ang kamalayan ng tao tungkol sa pananabik na makakita ng alien. Gayunman, lahat ng sinasabi ng singer  ay pawang ilusyon lamang at kathang-isip.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here