ANG MISTERYO SA ABRAHAM LINCOLN AT JOHN F. KENNEDY CONNECTION

0
84

Ang mga dating naging pangulo ng Estados Unidos na sina Abraham Lincoln at John F.  Kennedy ay pawang nababalutan ng mga kaganapang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Nagkataon lang ba ang ilang mga coincidence sa kanilang dalawa o sadyang itinadhana na nakalihim sa misteryo at hiwaga?

Atin pong iisa-isahin ngayon ang tungkol sa mga kakatwang coincidence o mga pangyayaring di sinasadya na tumugma o may koneksiyon sa dalawang nabanggit na Pangulo, na sinusuportahan ng ilang ebidensiya at historical documents. Narito ang mga sumusunod:

  • Ang nangyaring asasinasyon sa dating Presidente ng Estados Unidos na si John F. Kennedy, na sinasabing may kaugnayan sa asasinasyon sa dati ring presidente na si Abraham Lincoln. Ang dalawang nabanggit na lider ng Amerika ay pawang itinaguyod ang Civil Rights.
  • Kapwa nahalal sa lucky number na 60. Nahalal sa pagiging pangulo ng U.S si Lincoln noong taong 1860. Pagkalipas ng 100 taon, nahalal naman si Kennedy sa pagiging pangulo noong taong 1960.
  • Kung kukuwentahin o bibilangin ang letra ng kanilang apelyido ay pumapalo kapwa sa 7 letra. Ang secretaty noon ni Kennedy ay may apelyidong Lincoln.
  • Ang pagkasawi ng buhay ng dalawa ay pawang magkaugnay din. Sila ay kapwa binaril sa araw mismo ng Biyernes. Si Lincoln ay binira sa sentido sa Ford’s Theatre habang si Kennedy ay binaril habang lulan ng kotseng Lincoln na gawa ng Ford Motor Company.
  • Isang linggo bago ang asasinasyon sa dalawa, si Lincoln ay nasa Monroe, Maryland habang si Kennedy ay kapiling ang pamosong aktres na si Marilyn Monroe.
  • Ang asasin o responsable sa pagbaril kay Lincoln ay may kabuuang 15 letra sa kanyang buong pangalan. Katulad din ito sa asasin ni JFK na si Lee Harvey Oswald na nagtataglay ng kabuuang 15 letra sa kanyang buong pangalan o full name.
  • Ang dalawa ay kapwa nahalal sa pagka-Presidente na may less than 50 percent ng popular vote.
  • Parehong ikinasal noong sila’y nasa edad 30’s sa babaeng ang edad lamang ay 24-anyos. Kapwa pangalawang anak ng kanilang pamilya.
  • Parehong nahalal sa House of Representatives. Si Lincoln ay nahalal noong taong 1846 samantalang si Kennedy ay noong taong 1946.
  • Parehong sumemplang sa pagkapanalo sa Vice Presidential bid, si Lincoln noong taong 1856 at si Kennedy noong taong 1956.
  • Tinalo ni Lincoln si Stephen Douglas na ipinanganak noong taong 1813. Tinalo naman ni Kennedy si Richard Nixon na ipinanganak naman noong taong 1913.
  • Ang pangalan ng mga anak na lalaki ni Lincoln ay Robert at Edward. Ang pangalan naman ng mga kapatid ni Kennedy ay sina Robert at Edward din.
  • Naging sangkot ang dalawa sa historical public political debates. Ang Lincoln-Douglas debates at Kennedy-Nixon debates.
  • Pareho silang may apat na anak at dalawa sa mga ito ang namatay ng una bago pa sila pumanaw.
  • Parehong boat captains. Si Lincoln ay isang skipper (kapitan) ng Talisman na isang Bangka sa Mississippi river. Si Kenndy naman ay skipper ng PT-109.
  • Kapwa naging Presidente sa kasagsagan ng kontrobersiyal na mga giyera sa U.S.
  • Ang kani-kanilang mga asawa ay namatayan ng dalawang anak habang nasa White House. Na Kapwa maging magsalita o fluent sa pagsasalita ng wikang Pranses.
  • Kapwa naroron ang kani-kanilang mga asawa noong sandaling ang dalawa (Lincoln at Kennedy) ay nabaril. Pero,hindi naman nasaktan ang kanilang mga misis, sila lamang.

D

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here