ANG MISTERYO NI KING XERXES I AT ANG BINHI NG MGA ANNUNAKI NG PERSIA

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Si Xerxes I ay kilalang hari ng Persia na ang tala tungkol sa kanya ay nakatala sa aklat kaysaysayan at maging sa Banal Na Kasulatan. Siya ang ikalimang hari ng Achaemenid dynasty ng Persia. Nakita ng naturang hari ang pagpapasinaya ng ilang proyektong pang-imprastraktura sa Susa at Persepolis.

Sinasabi ng ibang iskolar sa history (lalo na si Herodotus) na siya ang tinutukoy sa aklat ni Esther ng Matandang Tipan ng Biblia na “Assuero’ (Ahasuerus) na nakatira sa palasyo ng Susan. Nakapag-asawa si Xerxes ng dalagang Hebrea nang paalisin niya sa trono bilang reyna ang asawa niyang si Vashti. Ang lawak ng imperyo ng Persian noong kanyang kapanahunan ay mula sa Ethiopia hanggang India.

Gayunman, si Xerxes ay nakapag-iwan ng misteryosong tala kaugnay sa kanyang pagkatao. Na siya ay kabilang sa tinatawag na ‘third sex’. Kung kaya, sa pelikulang ‘300’ kung saan ay tampok ang Persina-Greek war, pinakikita roon na siya ay isang malaking tao na may taas umano na 10 feet, ngunit may pusong babae na nahumaling sa kakisigan ni haring Leonidas ng Sparta.

Papaano nagkaroon ng ganoong tsismis ng gayun tungkol sa kanya? Sa talang nakasaad sa aklat na ‘The Wars of God’s and Men ni Zecharia Sitchin, nakasaad doon na si Xerxes ay may genes ng ‘Adapite Annunaki’. Ano ba itong naturang lahi?Sila ang sinasabi ni Sitchin na kabilang sa ancient astronaut na may pusong binabae.

Dumating ang panahon na ang supling nga ng mga Adapite ay napabilang sa angkan na dakila ng tao. Sa angkan nga ng hari. Si Cyrus I nga ay nakapag-asawa ng isang adapite na may pusong babae. Naging anak nga nito si Atossa na kalauna’y naging asawa naman ni Darius I. Sila ay makapangyarihang tao o mga hari sa pinagsamang kaharian ng Medo at Persia.

Naging anak nila si Xerxes na isinilang noong 519 B.C. Noong palitan niya ang kanyang amang hari sa trono noong 486 B.C, ang Egipto noon ay naghimagsik at ang kaguluhan ay umabot sa Babylonia. Bago siya nailukluk sa trono. Nagkaroon naman ng sigalot ang Persia sa Gresya. Natalo ng Gresya sa labanan sa Marathon ang kanyang hukbo na pinangungunahan ng kanyang ama at naghangad siya ng paghihiganti.

Pagkatapos ng 10 taon, bumuo ng malakas na kawal si Xerxes upang digmain ang Gresya at upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama. Bagamat taglay umano ang dugo ng Nephilim o Annunaki na dumadaloy sa kanyang ugat, siya ay mahinhin kumilos kahit siya’y may tinig na dumadagundong at nakakatakot.

Samakatuwid, sa kabila na siya’y may taas na 8 talampakan (ayon sa tala ni Herodotus), siya ay binabae bagamat napakakisig na lalake na pinatutunayan din ng historyador na si Herodotus. Hindi nga lamang halata ito dahil siya ay nagmumukhang barako dahil sa kanyang balbas. Nariyang nag-asawa rin siya upang paktakpan ang lihim ng kanyang pagkatao. (May tala rin sa Histories book ni Herodotus 7:117).

Batay sa pananaliksik ni Sitchin, walang dudang may dugo nga ng Nephilim si Xerxes na mula sa angkan ng mga higante. Hindi lamang iyon, bukod sa kanya ay may mga higante rin sa Persia ng kanyang kapanahunan na patunay nga na nahaluan ang mga ordinaryong tao ng Persia ng dugo ng Annunaki. Marahil, ito rin aniya ang sinasbaing dahilan kung bakit matatangkad halos ang karamihan sa  mga Persiano ( O Iranian sa ngayon)  hanggang sa panahong ito.

Ang aklat ni Sitchin ‘The Wars of God’s and Men at ni Herodotus (Histories) ay magkaugnay ang tala tungkol sa Nephilim sa Persia (Iran). Bukod nga kay Xerxes, nariyan din si Acanthosat Artachaiesna namatay sa sakit. Sinabi nga ni Xerxes na ang huli ay mula sa Achaimenid family na pinakamatangkad sa buong lalaki ng Persia sunod kay Xerxes. Siya ang ikatlong hari sa ika-27 dinastiya ng kahariang Persia.

Si Artachaies ay may tig- apat lamang na daliri sa kamay at may taas na halos 7’5 feet ay may malakas na boses na gaya ng leon sa buong kaharian. Ikinalungkot ni Xerxes ang pagkamatay nito. Binuhat siya nito at inilibing ng buong karangalan kasama ang hukbong Persiano.

Ang superiority ng Greek infantry sa mano-manong laban ay talagang di maikakaila. Ngunit, dahil sa tulong ni Ninurta (pamangkin ni Enlil) na dumating sa earth ay tinulungan nito ang hukbo ng Persia upang lagasin ang hukbo ng Gresya.

Dahil dito, ninais niyang sakupin ang lupa na nasa dulong hilagaan ng Aegean. Ayon kay Herodotus, ang bilang ng army ni Xerxes ay nasa milyon. Ngunit, sinabi ng modernong historians na nasa 300,000 lang ito. May binuo siyang 10,000 army na pawing elite troops na tinatawag niyang Immortals.

Noong tag-sibol noong 480 B.C, ang mga Greeks ay nagpadala ng 10,000 katao sa ilalim ng hari ng Sparta na si Leonidas para harangin ang pagdaan nina Xerxes sa Thermopyle. Ang hukbo ay ipinadala sa Artemisium sa northeastern tip ng Euboa para hindi makatawid ang hukbo ng Persia sa dalamapasigan.

Pagkatapos ng ilang araw ng heroic resistance, ang Greeks ay natalo sa labanan dahil sa isang taksil na nagbigay ng abiso sa Persia na dumaan sa mountain track na rito’y matutugis nila ang kawal Gresya sa patalikod na atake. Dahil sa natalo ang Gresya, nakatuntong ang Persia sa Athens ay sinunog ito sa utos ng hari. Subalit, sa isang labanan sa salamis na pinangungunahan ng Athenian naval leader na si Themistocles, natalo sina Xerxes sa labanan sa look ng Salamis.

Bumalik si Xerxes sa Asya, sa kanyang palasyo sa Persepolis. Iniwan niya ang kanyang heneral na si Mardonius kaakibat ang malaking bilang ng puwersa ng hukbo para ipagpatuloy ang pananakop. Noong 479 B.C, natalo sina Mardonius at napatay sa Platea. Ang Persian army ay nagkawatak-watak, kung kaya ang Gresya ay nakalaya. Pagkalipas ng 15 taon, noong 465 B.C, si Xerxes ay sinasaksak hanggang sa mamatay ng kanyang kanang kamay na si Artabanus. Pumalit sa kanyang trono ang kanyang anak na si Artaxerxes.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here