ANG MISTERYO NG TRIANGULAR SHAPE U.F.O. SA RUSSIA

Noong Oktubre 2010, ilang residente sa lungsod sa St. Petersburg sa bansang Russia ang nakakita umano ng UFO, na paikot-ikot lang sa ere habang nakatunghay sila sa kanilang apartment buildings sa naturang inner city.

Ang naturang UFO ay namataan o nakita sa pormang hugis tatsulok o triangular form na kumikislap.

Ang kulay ng kislap mula rito ay neon at blue lights na naka-ayos ng sixty degree angles. Ang naturang spacecraft ay lumitaw sa hindi malamang direksiyon na lumulutang-lutang sa St. Petersburg na nawala naman sa himpapawid. Ang dalawang hindi pinangalanang saksi ang kinapanayam sa ganitong clip ay sigurado sila sa kanilang nakita at ang kanilang na-recorde na kuha ng mga larawan at video ay hindi basta pangkaraniwang nakikita lang sa planetang earth. Ang isa sa mga saksi’y ay nagawan ng film ang UFO gamit ang kanyang phone camera.

Ang mamamahayag na si Michael Cohen na nakatuon sa ganitong larangan, ay nananatiling pinag-uusapan ang isyu— na ang naturang UFO sightings sa St. Petersburg ay isang uri umano ng milagro.

Tungkol dito, siya ang taong huling naniniwala na bumibisita ang mga alien sa planet earth. Naging mainit na isyu ang UFO sighting sa Russia nang inihayag doon ng pamosong geologist na si Professor Alexander Portnov na ang human beings ay malamang na nagmula o katutubo sa planet Mars at dinala ng mga aliens sa earth na 10,000 taon na umano ang nakakaraan. Ito ay naganap pagkatapos umano ng catastrophic climate shift na nagdulot sa Mars ng isang planetang inutil o hindi na maaaring tirhan.

Ibinase ng naturang propesor ang naturang teorya sa isang imahe o larawan na nakuhanan ng NASA’s exploration rover na “Spirit”; na nagpapakita ng posibleng ebidensiya o labi ng artificial structures ng isang malagong ecosystem o kalikasan sa gayung planeta, na isa na lamang ngayong malungkot na kapaligiran.

May ilan ding mananaliksik na naniniwala sa UFO na talaga aniyang eksistido ang mga alien. Ang mga namataan o nasaksihan noong mga UFO sightings at landing sa Russia ay hindi umano isang kathang-isip lang o kuwento lang. Kundi, ito aniya ay totoong nangyari. Iginiit ng mga residente sa Voronezh noong Oktubre 11, 1989 na nakakita sila ng lanky three-eyed extra-terrestrial creatures na lumapag sa local park sakay ng UFO. Pagdaka’y bigla ring nawala. Ang nasabing pangyayari ay napaulat sa official press agency na Tass. Ang nilalang aniya ay may taas na 9 na talampakan at nakasuot ng pawang pilak (silver) at tanso naman ang suot nitong boots.

May disk din ito sa dibdib na biglang nawawala. May kasama rin aniya itong robot. Mayroon umanong pakikipagtalastasan ang dalawa na lumilikha ng misteryosong appearance ng kumikislap na tatsulok o triangle. Kapag hinahawakan ng nilalang ang robot, gumagalaw ito ay nagkakaroon ng buhay.

Napaulat din na isang bata ang nakakita sa kanila. Nagsisisigaw ito sa takot. Nang titigan ito ng kumikislap na mata ng alien, natahimik ang bata at naparalisa, ayon sa ulat ng Tass.

”It was not an optical illusion,” pahayag ni Lieut. Sergei A. Matveyev ng Voronezh district police station sa isang panayam sa telepono. Aniya, nakakita siya ng UFO landing noong Setyembre 27, 1989. Ipinagtapat rin niya na hindi niya aktuwal na nakita ang mga aliens na sakay ng UFO. Subalit, pinatotohanan niya na nakita niya ang spaceship sa himpapawid, na lumilikha ng ingay habang lumilipad nang mabilis sa ere.

”I thought I must be really tired. But I rubbed my eyes and it didn’t go away. Then I figured, in this day and age, anything is possible,” aniya. Bilang patunay na totoo ang UFO landings na nakita nila noon pa, naglabas ang Tass agency ng detalye ng UFO landing sa Voronezh, isang siyudad na may layong 300 milya sa Moscow.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Pebrero 17
Next articleFemale and Lovers Palmistry Isyu # 2
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here