ANG MISTERYO NG TIME TRAVELER NA SI JOHN TITOR

0
119
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Ang pangalang John Titor ay siyang pangalang ginagamit ng ilang internet bulletin boards noong taong 2000 at 2001. Anila, si Titor ay isang taong nagpapahayag sa internet na siya’y isang time traveler mula sa taong 2036. Mula aniya sa taong iyon, bumalik siya sa kasalukuyan. Sa gayung kaganapan, marami siyang ipinahayag na prediksiyon na mangyayari sa hinaharap na nagsimula umano noong 2004. Kaya, binansagan siyang  ‘The Time Traveler’.

Ang naturang persona ay tinukoy ang masaklap na pagbabago sa hinaharap. Kung saan ang Estados Unidos ay mahahati umano sa 5 maliliit narehiyon. Ang ekonomiya aniya nito at ang mga inprastraktura’y sisirain ng nuclear attack. Karagdagan pa, ang ilang nasa kapangyarihang pandaigdig ay masisira at babagsak gaya ng U.S at Britanya.

Ang mga unang post ng mga paghayag ni Titor tungkol sa hinaharap ay lumabas sa Time Travel Institue forums noong ika-2 ng Nobyembre taong 2000 sa ilalim ng pangalang TimeTravel_0.

Ang mga orihinal na post ay tumalakay sa kabuuan tungkol sa time travel. Ang unang bahagi ay binubuo ng 6 na yugto, na kung papaanong ang time machine ay gumagana at tumutugon sa mga katanungan at kung papaano ito ginawa. Ang mga ibinigay na impormasyon ay sadyang detalyado.

Sinasabing ang Time Machine ay isang stationary mass, temporal displacement unit na pinapagana ng 2 stop spin, dual positive singularities na lumilikha ng standard off-set Tipler sinusoid o Tipler Cylinder. Ang Tipler Cylinder ay gawa ni Frank J. Tipler, isang kontrobersiyal na siyentipiko na naglathala ng mga teorya sa human reanimation at ng pagggawa ng time machine.

Ang pangalang John Titor ay hindi ipinakikilala hanggang Enero 2001. Hanggang ang TimeTravel_0 ay nagsimulang maglagay ng mensahe sa Art Bell BBS Forums. Nagsimulang sumagot sa mga katanungan si Titor at naglahad ng mga tala tala tungkol sa pangyayari at larawan ng kanyang panahon.

Sa kanyang online postings, sinabi ni Titor na siya ay isang American soldier na nagmula sa taong 2036 na naka-base sa Hillsborough County, Florida. Siya ay inasayn sa governmental time-travel project. Kaugnay dito, siya ay ibinalik sa taong 1975 (ng Time Machine) upang ibalik ang IBM 5100 computer na kung saan ay sinabi niyang kinakailangang itama ang ilang legacy computer programs sa taong 2036.

Ito ay malinaw umano na reperensiya sa UNIX 2038 timeout error. Kasi, sa year 2038, ang problema kagaya ng Y2K bug noong taong 2000 ay magdudulot umano ng pagtengga o pagkasira ng mga computer softwares. Pagkatapos aniyang makabalik sa taong 1975 ay bumalik siya sa taong 2000 upang bisitahin ang kanyang pamilya at mabatid ang epekto ng Millennium Bug kahit na siya’y 2-anyos pa lamang noong panahong iyon.


Pinahayag din ni Titor na bilang 13-anyos noong taong 2011, lumaban siya sampu ng Fighting Diamondbacks na isang shotgun infantry unit sa Florida sa loob aniya ng 4 taon. Aniya, ang resulta ng giyera ay magdudulot ng pagkakahati sa Amerika ng 5 rehiyon. Ang Civil War aniya na magaganap aniya noong 2011 at magwawakas sa taong 2015. Susundan naman aniya iyon ng World War III.

Sa lumipas na taong 2015 aniya ay magsasagawa ang Russia ng nuclear strike laban sa ilang major cities sa US, China, at sa Europa. Gaganti naman aniya ang US ng counter attacks. Subalit, ang ilang mga lungsod kasama ang American Federal Empire. Ang European Union aniya at ang China ay mawawasak din.

Ayon pa kay Titor, ang estado ng Washington D.C, at Jacksonville sa Florida ang lubhang napinsala sa nucleat strikes. Pagkatapos aniya ng WWIII, ang Omaha, Nebraska ang siya umanong idedeklarang bagong nation’s capital.

Sinasabi ng kelot na ang kanyang time machine ay isang C204 time distortion gravity displacement machine na gawa umano ng General Electric o GE noong taong 2034. Ito ay tumitimbang aniya ng 500 pounds. Kapag naglalakbay sa ibang panahon ay dala-dala aniya ng 1966 Chevrolet Corvette Convertible kung saan dito sumasakay si Titor.

Ang naturang behikulo ay hindi naman talaga raw umaalis ng silid kung saan ito nakalagak. At hindi din gumagalaw kapag naka-switched off ang engine. Kalauna’y inalis ang naturang makina sa Corvette at nilagay naman ito sa 1987 four wheel drive truck. Ang Corvette naman ay naibenta at palaisipian sa ilan kung nasaan na ito ngayon at kung sino ang bumili. Ayon kay Titor, may 6 components ang kanyang time machine.

  • May 2 magnetic housing units para sa dual micro singularities.
  • Isang electron injection upang baguhin ang mass at gravity ng micro singularities.
  • Isang cooling sensors at variable gravity lock (VGL).
  • Isang cooling at X-ray venting system.
  • 4 main cesium clocks.
  • 3 main computer units.

At dahil nga sa sinasabi niya na nakapaglakbay na siya sa taong 2000 hanggang 2036, alam na niya ang magaganap kahit di pa pumapalo ang pag-inog ng araw at mga buwan noong panahong iyon. Samakatuwid, taong 2000 pa lang ay alam na ni Titor ng mangyayari sa taong 2004 (na nakalipas na). Kung kaya nagbigay siya ng prediksiyon.

Gayunman, sa pangkalahatan, sumablay ang kanyang propesiya na nagbigay lang ng daan upang siya ay maging tanyag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here