ANG MISTERYO NG “THE ALLIGATOR MAN”

Kagila-gilalas na inihayag ng mga researchers sa naturang pook ang kanilang natuklasan sa isang kakatwang nilalang sa isang swamp noon sa Miami, Florida. Bakit aniya? Kasi naman, ang kanilang natuklasan ay isang nilalang na kalahating-tao at kalahating buwaya. Ito’y may mukha ng tao at katawan gaya ng sa tao.

Ngunit, pagdating sa ibaba, o kalahati nito ay kagaya sa katawan ng buwaya. Ito umano ay pambihirang pagkatuklas sa larangan ng Zoology sa nakalipas na 200 taon. Ayon nga sa ibang mananaliksik, ito aniya ay isang patunay ng ‘Reptilian Hybrids’.Pinaniniwalaang naninirahan sa Everglades ang nasabing nilalang— na kung saan ay may kauri pa umano ito na nakita na noong ika-17 dantaon.

Ito ay may habang walong na talampakan ayon kay Dr. Gregory Hickens ng Miami based marine Biologist, na gumugol na ng 48 taon sa naturang field. Nadiskubre ng Australian zoologist sa isang infected swamp kasama ang 6 sa kanyang anim na graduate students.

Katulad aniya ito kay “Jake the Alligator Man” sa Longbeach, Washington na sa ngayon, ito ay naka-display sa museum. Ayon sa ulat, iisa ang alligator man na natuklasan sa Miami at si Jake ay iisa na binili sa halahang $750 dollars ni Wellington March Sr. noong 1967. Pagkatapos, dinala niya ito sa Washington ay doon mina-mummyfied o priniserba upang pagkaperahan. Kaya naman, dinalaw ito ng mga miron sa pinaglagakan niyang museum ang de gator man.

Hindi nila akalaing totoo ang alamat tungkol sa taong buwaya na bukambibig na ng mga ‘Natchez Indians’ ilang siglo na ang nakakalipas. Ito umano ang kinatatakutan ng mga mandirigmang Indians na sumisira ng kanilang sasakyang pantubig na canoe.

Maging ang mga runaway slaves noong ika-18 dantaon, na pumirmi o nanirahan malapit sa sapa, kung saan naninirahan ang naturang kakatwang nilalang; ay pinagbabawalan ang kanilang mga anak o apo. Sinasabi nila, na kapag naglunoy sila roon o naligo, kakainin sila ng “De Gator Man”.

May napaulat ding mayroon pang mas malaki rito na tinatawag na ‘Crocodile Man’ mula sa bansang Australia. Nang isagawa ang naturang pananaliksik dahil sa kuryusidad, nakita ng mga estudyante ni Dr. Henry Blythe ang naturang nilalang at mapalad namang nakunan nila ito ng litrato. Nang makita sila ng naturang nilalang na nagpapahinga sa gilid ng swamp, dali-dali itong kumaripas ng usad patungo sa tubig. Anila, mahina na at payat ang naturang alligator man.

Kaya umano naglalabas sa lungga niya ang naturang nilalang ay dahil sa polluted na ang tinatahanan nito at marumi na rin ang tubig. Nang malaman ang balita, maigting ang paghahangan ng mga opisyales sa Louisiana Wildlife Officials na mahuli ito. Ngunit, hindi na nila ito nakita.

May ilan naman naming nagsasabi na peke o huwad ang istorya sa ‘The Alligator Man’. Anila, isa lamang itong kwentong barber. Gayunman, may ilang nagsasabi na ito’y totoo.

SHARE
Previous articleBATAS NG IKATLO (LAW OF THREE), SUSI UPANG MAKAMIT ANG MGA HANGARIN SA BUHAY
Next articleSuwerteng bahay, huwag pawalan para di malasin
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here