ANG MISTERYO NG LOVE LAND FROG

0
263
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Ang misteryo ng Loveland Frog ay sinasabing nagsimula sa siyudad ng Loveland sa Ohio state noong taong 1955.

Marami ang nagsasabi na nakakakita sila ng isang nilalang na kalahating butiki at kalahating palaka. Ang iba naman ay nagsasabing ang naturang nilalang ay may katawan ng tao, ngunit ang mukha ay gaya ng sa palaka. Dahil hati ang paniniwala at opinyon ng iba, tinatawag din ang Loveland Frog na ‘Loveland Lizard’.

Ayon sa mga nakasaksi sa kakatwang nilalang, mahigit sa 4 na talampakan ang taas at makintab ang katawan na kulay berde sa araw at mamula-mula na kulay dalandan naman sa gabi. Nakakatayo ito gaya ng tao dahil sa mayroong itong 2 paa at kamay.Ngunit, magkadikit ang mga daliri.

Noong buwan ng Mayo 1955, isang negosyante ang nakakita sa naturang nilalang sa ilalim ng tulay malapit sa siyudad ng Loveland. Ang kanya pang ikinagulat, hindi lamang isa ang kanyang nakita, kundi marami pa ang gaya nito sa gilid ng ilog. Nang makita niya ang mga kakatwang nilalang, isa sa mga ito ang nagtaas ng isang devices na gaya ng isang bara at kumislap-kislap ito.

Kung kaya, ang mga tao malapit sa naturang ilog ay nag-ulat sa kinauukulan. Nakaka-amoy umano sila ng kakaibang kombinasyon ng almonds at natural na alfalfa; pagkatapos na mapaulat na may nakakita sa mga naturang nilalang. Ang unang ulat tungkol sa may nakakita sa mga naturang nilalang ay naitala noong taong 1955. Subalit, pagkatapos ng nasabing taon, wala nang napaulat na nakakita ng ilan ng Loveland frog. Subalit, noong Marso 1972, isang local enforcement officers ang nakakita ng isang Loveland frog sa ilog o ng Miami River na malapit sa riles ng tren.

Napaulat ito sa mga kinauukulan. Subalit walang ginawang hakbang ang mga ito sa loob ng 2 linggo upang obserbahan ang kinaroronan ng mga kakatwang nilalang. Isang police officer ang naka-obserba’t nakakita sa isang palaka na halos kasinlaki ng tao na nakatayo na isang kalsada noong siya’y nagpa-patrolya noon. Tinangka niyang patayin iyon ng dala niyang baril ngunit hindi nagtagumpay ang pulis. Kalaunan, noong buwan pa rin ng Marso 1972, isang iginagalang na magsasaka ang nakakitang muli sa Loveland Frog.

Marami pang tala at mga ulat ang nagpapatunay ng mga nagpapatotoong mga saksi tungkol sa kanilang pagkakatuklas at pagkakakita sa misteryosong nilalang. Sabin g iba, marahil ang palaka ay lumai ng todo dahil sa mutation. Ang ilan ay nagsasabing isa itong alien. Hanggang ngayon, isa pa rin sa hindi malutas-lutas na misteryo tungkol sa Cryptozoology ang tungkol sa Loveland Frog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here