ANG MISTERYO NG HIGANTENG SANGGOL SA MILFORD SOUND

Noon pa man at magpahanggang noong 1940’s, may haka-haka at kuwento ang mga tao, lalo na ang mga matatanda sa Wellington, New Zealand tungkol sa kakatwang pagpapakita ng mga engkanto sa lambak o valley ng Milford Sound.

Ang nasabing lugar ay nasa gawing timugang rehiyon ng New Zealand. Ayon sa legend of Maoris, mga aboriginal people ng bansa, may nakikita silang higanteng bata o sanggol doon na naupo sa batuhan ng batis doon na dumadaloy sa lambak. Kapag kanila aniyang lalapitan ay biglang nawawala ang misteryosong sanggol.

Ang hugis titik- U na valley o lambak ay nasa pusod ng dalampasigan at nababalutan ng yelo. Naniniwala ang mga Maoris na ang kanilang diyos ang gumawa sa lambak— sa pamamagitan ng pagbuka ng malaking umbok ng lupa na nasa siping ng dagat.

Noong 1899, may nakita ang isang Maoris elder ng isang higanteng babae na nanghuhuli ng isda sa lawa, habang ang kanyang sanggol ay nakaupo sa kakahuyan. Aniya, pinananahan ng mga engkantong Maortni o mga higante ang Milford Sound, kagaya ng sa akdang “Guillever’s Travel”.

Noong 1973, isang edukadong Maoris at botanist na si Kemet Akamema ang nakasaksi uli ng giant baby na natutulog aniya sa kakahuyan sa lambak. Aniya, nakita niya ang sanggol habang ginagalugad ang lambak upang maghanap ng ilang uri o variety ng mga halaman, kasama  ang isang guro’t photographer. Habang nandoon ay gumawa sila ng tent. Nang matapos na, nagpasyang magtungo sa batis ang lalaki nang makarinig ng malakas at kakatwang tawa ng isang sanggol.

Dala ng kuryusidad, pinuntahan niya kung saan nanggagaling ang tinig at gayun na lamang ang kanyang pagkamangha ng makita ang higanteng sanggol; habang kinakawkaw ang tubig sa batis. Pagdaka’y bigla itong nawala nang lumitaw ang napakakapal na hamog doon.

Nang siya’y kapanayamin ng isang press sa Wellington noong Setyembre 1973, sinabi niya na mga nasa 8 hanggang 9 na talampakan ang sanggol gayung nakaupo lang ito; at tinatayang nasa 8 buwan ang gulang ang katumbas na edad sa ordinaryong sanggol. Aniya, malamang na anak ng engkanto ang sanggol. Buhat nang pahayag ni Kemet ang kanyang nakita, maraming tao ang nagtungo sa Milford Sound sa pagbabakasakaling makita ang sanggol at makuhanan ng larawan. Ngunit, hindi na ito nagpakita pa.

Noong June 27, 2008, isang realistic sculpture ang ginawa na inspirasyon ng giant baby sa Milford Sound. Ito ay ginawa ni Aussie sculptor na si Ron Mueck upang i-display sa isang gallery. Maraming tao ang namangha dahil sa inakala nilang totoong sanggol ang kanilang nakita habang binubuhat ng mga crew at security personnel upang ilagak sa gallery.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here