ANG MISTERYO NG ‘DANCING MANIA’ (Ang Sayaw ng Kamatayan) Part 3

0
148
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Atin pong ipagpatuloy ang talakayin kaugnay pa sa misteryo ng ‘Dancing Mania’. Ating hihimayin ang mga posibilidad o mga sinasabing sanhi ng naturang kakatwang kaganapan.

Ilang hypotheses ang inilatag ng sanhi ng ‘Dancing Mania’ at nananatiling hindi malinaw kung dulot iyon ng real illness o isang social phenomenon. Isa sa mga inilatag na teorya tungkol dito ay nagdurusa umano ang mga biktima sa ‘ergot poisoning’ na kilala rin sa bansag na St. Anthony’s Fire noong Edad Medya.

Kapag may nangyaring pagbaha o kaya ng matinding paghamog, ang mga ergots o isang uri ng grupo ng fungi ay lumalaki at nakaaapekto sa rye at iba pang bungang pananim. Ang pagkalason sa ergot o ‘Ergotism’ ay nagdudulot ng halusinasyon, ngunit hindi masasabi ng ilan na ito ay siya ngang sanhi ng ‘Dancing Mania’.

Isa pang teorya na nagsasabing sanhi ng naturang pangyayari ay mga sintomas na kahalintulad sa kondisyon ng enecephalitis, epilypse, at tipus. Ang ilan pang datus at paliwanag tungkol sa Dancing Mania ay konektado sa ‘tarantism’ na sinasabing maaaring sanhi ng stress at tensiyon. Maharil umano ay dulot ng kalamidad noong kapanahunang usong-uso ang ‘Choreomania’. Ilan sa halimbawa nito ay ang salot at mga pagbaha.

Ipinaliwanag ni British photojournalist at writer na si Timothy Alistair T. Hetherington at ni Sir Hugh Munro, na ang ‘Dancing Mania’ ay dulot ng shared stress. Na kung saan, sumasayaw ang mga tao upang malampatan ng lunas sa nadaramang stress at kahirapan sa buhay. Habang ginagawa iyon, ang sobrang katuwaan at nadaramang pagkapagod ay nagdudulot ng hindi sinasadyang halusinasyon.

Isa pa sa pamosong teorya rito ay dulot ng seremonyang panrelihiyon o ng kulto na nagsasagawa ng kakatwang pagsasayaw. Na ito ay kahalintulad ng kaugalian ng mga ancient Greek at Roman rituals.

Ayon naman kay Julius Hecker, isang manunulat tungkol sa medisina noong ika- 19 siglo, ang naturang kaganapan ay isang piyesta, kung saan ang tradisyon na iyon ay tinatawag na “The Kindling of the Nodfyr”. Na ang sangkot sa naturang okasyon ay tumatalon sa  apoy mula sa pinarikit na kahoy at baga, sa paniniwalang mapagagaling ang mga taglay na karamdaman. Ginagawa ng mga tao ang paglundag sa apoy hanggang sa matupok ito o mawala.

Subalit, ang mga sangkot din dito ay pawang mga psychologically disturbed. Sumasang-ayon ang karamihan sa mga sikologo na ang ‘Dancing Mania’ ay isa sa naitalang kaso o masasabing kakatwang insidente ng kaso ng ‘mass hysteria’. Ayon naman kay religious history professor Ernesto de Martino, ang kaso ng Dancing Mania ay hindi nakaligtas sa kanyang pag-aaral noong 1959. Aniya, karamihan sa kaso ay may kaugnayan sa ‘tarantism’ dahil ang mga biktima ay nalason dahil sa nakagat ng makamandag na gagambang tarantula. O kaya’y nalason sa buntot ng alakdan. Dala ng paniniwalang espirituwal, ang pagsayaw ay makagagaling sa pasyente at maitaboy ang mga galit na espiritu. Para naman sa iba, ginagawa nila iyon para mapatawad sila ng Diyos sa kanilang mga nagawang kasalanan at bigyan sila ng biyaya. Naniniwala ang ilan na ang pagsayaw ng walang humpay ay magdudulot ng kapatawaran kaakibat ng magandang ani, pagpapagaling sa karamdaman, pagwakas ng tagtuyot, salot at mapaghiganti sa mga kaaway.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here