ANG MISTERYO NG ‘DANCING MANIA’ (Ang Sayaw ng Kamatayan) Part 2

0
121
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Atin pong ipagpapatuloy ang naiwang paksa tungkol sa hiwaga ng isang kakatwang kaganapan sa kasaysayan na ‘Dancing Mania’ at kung anu-anong mga insidente ang inuugnay sa nasabing sayaw ng kamatayan.

Ang unang kaso ng naturang pangyayari ay naganap noong ika-7 A.D siglo at muling naganap ng ilang beses sa buong Europa hanggang noong ika-17 siglo. Isa sa kauna-unahang markadong insidente nito ay nangyari noong taong 1020 A.D sa Bernburg, na kung saan ay 18 obrero ang nagsimulang kumanta at sumayaw sa isang simbahan at nagsagawa Chrismas Eve service noong ika-24 ng Disyembre taong 1020.

Noong taong 1237, isang malaking grupo ng mga kabataan ang naglakbay mula sa Erfurt hanggang sa Arnstadt sa Alemanya kung saan ay naglululundag at nagsasayaw ng walang humpay. Hawig ito sa isang alamat ng ‘Pied Piper of Hamelin’. Isa pang insidente ay naganap noong taong 1278 kung saan ay sangkot ang 200 katao na nagsasayaw  sa tulay ng Ilog Meuse sa Germany. Naging resulta ito ng pagkaguho ng tulay. Karamihan sa mga survivors ay nagpagaling sa malapit na chapel na inaalay kay St. Vitus.

Noong ika-24 ng Hunyo 1374, ang Dancing Mania ay kumalat sa Aachen, Cologne, Flanders, Franconia, Hainaut, Metz, Strasbourg, Tongeren, at Utrecht. Umabot din ito sa bansang Italy at Luxemburg. Noong mga taong 1375 hanggang 1376, naganap muli ang Dancing Mania sa bansang France, Germany, at Holland. Noong taong 1418 naman sa Strasbourg na kung saan ay nag-ayuno ang mga tao ng ilang araw dahil sa matinding nadaramang pagkapagod. Noong taong 1428 naman sa Schaffhausen, isang monghe ang nagsasayaw hanggang sa siya’y mamatay.

Noong taong ding iyon, isang grupo ng mga kababaihan sa Zurich ang napaulat na nagsasasayaw. Noong Hulyo taong 1518 sa Strasbourg, isang babae ang nangangalang ‘Frau Troffea’ ang nagsimulang magsasayaw sa isang kalye. Sa loob ng 4 na araw niyang pagsasayaw, sinamahan siya ng 33 katao. At pagkalipas ng isang buwan, ay nasa 400 katao na ang sumama sa kanya. Kung saan, karamihan sa mga ito ay inatake sa puso at namatay.

Noong taong 1536 naman sa Basel, isang bata ang sumayaw ng walang tigil. Noong taong 1551 naman, isang kelot ang naitalang naging biktima ng Dancing Mania sa Anhalt.At noong ika-17 siglo, ang mga tala ng ilang kaganapan ng Dancing Mania ay itinala ng propesor sa medisina na si Gregor Horst.Aniya, may isang tala na kung saan, ilang kababaihan ang taun-taong bumibisita sa St.Vitus sa Drefelhausen, Germany.Kung saan, kakatwang nagsasasayaw ng buong araw at buong gabi hanggang sa sila ay mawalan ng  malay. Nang sumunod na mga araw ay nanumbalik ang kanilang ulirat at naging normal uli. Nang sumunod na buwan ay muli silang nagsasayaw na nation sa St. Vitus Day. At nang humupa na, naging panata na nila ang magtungo sa chapel ng St. Vitus.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here