ANG MISTERYO NG ‘DANCING MANIA’ (Ang Sayaw ng Kamatayan) Part 1

0
390
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Atin pong tatalakayin naman ngayon ang tungkol sa misteryo at hiwaga ng ‘Dancing Mania’. Kilala rin ang naturang kaganapan sa bansag na Dancing Plague, Chroreomania, St. John’s Dance, at St. Vitus Dance. Ito’y isang social phenomenon na naganap noon sa mainland Europe sa pagitan ng ika-14 at ika-17 siglo. Sangkot dito ang ilang pangkat ng mga tao, kung minsan ay libo pa nga na kung saan ay kakatwang sumasayaw ng walang humpay.

Habang sumasayaw ay sumisigaw ang mga tao at umaawit at sinasabing nagkakaroon ng bisyon at halusinasyon. Apektado sa kaganapang Dancing Mania ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan na sumasayaw ng pagkatagal-tagal hanggang sa makadama ng matinding pagod at hanggang sa mawalan ng malay.  Ang unang tala ng naturang kaganapang ito ay sa Aachen, Germany na kumalat sa buong Europa. Isa sa markadong tala nga nito ay ang nangyari sa Strasbourg noong taong 1518.

Hindi lamang iisang beses nangyari ang kaganapang ito. Ang nakapagtataka, hindiu matukoy ng ilan kung ano ang sanhi nito at kung ano ang lunas. Kalaunan, ang mga musikero ay sinasamahan ang mga kakatwang sumasayaw upang makatulong na masugpo ang Dancing Mania.

Subalit, ang ganoong uri ng taktika ay nagbunsod lamang ng ilang katao na sumali sa kakatwang pagsasayaw. Ilan sa sinasabing rason at mga teorya ng pangyayaring ito ay may kaugnayan umano sa religious cults. Na ginagawa ang pagsasayaw upang malunasan kahit paano ang nadaramang stress at iwaksi muna pansamantala ang nadaramang hirap sa buhay dulot ng kahirapan.

Ano-ano pa nga ang sinasabiong mga kadahilanan sa kakatwang sayaw na Dancing Mania? Ito umano ay isang sumpa na kagagawan ng mga santo lalo na ni St. John the baptist o kaya ni St. Vitus. Ang mga biktima ng naturang sayaw ay nagsasagawa ng panalangin sa isang sagradong pook na inialay sa naturang santo. Nananalangin sila upang matapos na ang walang humapay na pagsasayaw.

Ayon naman sa medikal na paliwanag, ang sanhi ng kakatwang pagsasayaw ay dahil sa sakit sa nervous system dahil ang mga nakitang sintomas ay kagaya ng mga sangkot sa Dancing Mania. Sinasabing ang sintomas ay gaya sa kondisyon ng may epilepsy. Sa paliwanag naman ng mga siyentipiko, ang Dancing Mania ay isa umanong collective mental disorder, collective hysterical disorder at mass madness.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here