ANG MISTERYO NG COTTINGLEY FAIRIES

0
429
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Naniniwala ba kayo sa mga diwata o mga fairies? Karaniwang nababasa natin sila o kaya ay nakikita ang mga larawan sa mga istoryang ‘Fairy Tales’. May mga pelikula rin na tungkol sa mga fairies ang tema. Nababasa rin natin ang tungkol sa kanila sa komiks na pantasya ang tema.

Subalit, may isang kaso tungkol ditto na tila nagpapatunay na totoo sila o kaya ay eksistido. Ang Cottingley Fairies ay lumabas sa serye ng 5 larawan na nakunan ni Elsie Wright at ni Frances Griffiths. Ang dalawang ito ay magpinsan na nakatira sa Cottingley malapit sa Bradford, England. Noong taong 1917, ang unang serye ng 2 larawan ng naturang mga diwata ay nakunan ni Elsie noong siya ay 16-taong gulang noon. Ang kanyang pinsan naman niyang si Frances ay 10-taong gulang noon. Madalas umanong nagpapakita sa kanila ang mga diwata sa batis ng Cottingley Beck.

Ang mga nakunang larawan ay nakapagbigay ng atensiyon sa manunulat na si Sir Arthur Conan Doyle na ginamit ang imahe sa kanyang artikulo tungkol sa mga diwata. Ito ay kaugnay na rin sa Christmas 1920 edition ng ‘The Strand Magazine’. Bilang espiritista, si Doyle ay lubhang nahumaling at humanga sa naturang larawan ng mga fairies. Aniya, isa umano itong malinaw na ebidensiya ng psychic phenomena. Hati naman ang reaksiyon ng publiko tungkol dito.

Tinanggap ng ilan na ang larawan ay totoo at ang ilan naman ay sinasabing huwad ang mga iyon. Ang pagkakahumaling o ang init ng usapin tungkol sa Cottingley Fairies ay lubos na tumamlay noong taong 1921. Lumaki na ang 2 magpinsan, nag-asawa at nanirahan sa ibayong dagat. Subalit, ang larawang kuha sa mga iyon ay nanatiling nagbibigay ng imahinasyon sa publiko. Noong taong 1966, isang reporter sa Daily Express ang nahanap si Elsie na bumalik na pala sa United Kingdom.

Batay sa isinagawang panayam nito kay Elsie, naniniwala ito na nakuhanan niya ng larawan ang kanyang imahinasyon. Kung kaya, naging interesado uli ang media sa pahayag ni Elsie. Noong kaagahan ng taong 1980, sina Elsie at Frances ay umamin na ang kuhang larawan ng mga diwata ay pawang huwad. Gumamit lamang sila ng cardboard cutouts ng pigura ng mga diwata na kinopya sa bantog na kuwentong pambata. Subalit, sa panayam naman kay Frances ay sinabi nitong totoo ang naturang mga larawan.

Sa ngayon, ang 2 larawan ng mga diwata at ang camerang ginamit dito ay naka-display sa National Media Museum sa Bradford, England. Ang 2 pelikula noong taong 1997 na Fairy Tale: ‘A True Story at ang Photographing Fairies ‘ay pawang at ideya tungkol sa Cottingley Fairies.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here