ANG MISTERYO NG ‘BLACK RAIN’ SA HASUDA SA BANSANG JAPAN

Ravenson Biason

Nagulantang ang kinauukulan at otoridad sa Central Japan, partikular sa Saitama sa isang kakatwang pag-ulan sa kanilang lugar. Papaano ba naman kasi, sa halip na colorless ang kulay ng ulan, ito ay kulay itim na ikinabahala ng mga residente.

Kaya naman, sinikap nang siyasatin at inalam ng otoridad kung ano ang naging dahilan sa pagiging kulay itim ng ulan o tinatawag na Rain Black” (Black Rain).

Ang totoo, may mga pangyayari na rin sa Japan na ang kulay ng ulan ay iba sa kulay ng tubig doon na colorless. May mga naitalang kaso o phenomena na ang naging kulay blue, green, red at yellow ang naging kulay ng ulan. Pero, bibihirang mangyari.

Noong taong 1919, nakapagtala ng ilang dokumento sa iba’t-ibang klase ng kulay ng ulan si famed researcher Charles Fort, kung saan ay gumugol siya ng mahabang panahon sa pagre-record ng mga unexplained ( o Fortean) phenomena. Gayunman, wala siyang paliwanag kung bakit nangyari ang gayung uri ng kulay ng ulan.

Ang pinakabagong eksampol ng kakatwang colored rain ay naiulat nga ng itim sa central Japan sa kaagahan ng buwan ng Marso. Kung kaya, nagulat ang mga residente sa buong siyudad ng Hasuda, pati ang kapalit na lugar sa kulay itim na patak ng ulan.

Dahil dito, kumalat ang kakatwang pag-ulan at may ilang nagpost nito sa social media.

Hindi biro ang Black Rain sa Japan dahil itinuturing na masamang pangitain (bad omen). Ito aniya ay dahil sa kahalintulad nito ang ulan na bumagsak noon, kasunod nang pagbagsak ng nuclear bombs sa Hiroshima at Nagasaki noong Agosto 1945 noong World War II.

Kaugnay dito, pinahayag ng mga opisyal sa Hasuda City na magsasagawa sila ng pagsisiyasat— at pinagsususpetsahan ng ilang news outlets doon na ang sunog na nangyari sa isang plastic factory ang maaaring naging rason sa pagkakaroon ng “Black Rain’.

May ilang espekulasyon o inuugnay ng iilan— na ang black rain ay may halong coronavirus 2019 (COVID-19) mula sa na-cremated na labi sa crematorium ng mga naging biktima ng sakit.



Hasuda City officials have since issued a statement announcing that an investigation is underway, however some news outlets have speculted that a fire at a plastics factory could be to blame.

Whatever the case, it’s not something residents will want to see happen again anytime soon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here