ANG MISTERYO NG “ANGELS OF MONS”

Ang “Angels of Mons” ay isang tanyag na alamat o kuwento tungkol sa pangkat ng mga di umano’y mga anghel na kabilang sa British army. Sinasabing pinagsasanggalang at pinoprotektahan ng mga anghel ang mga sundalong Briton sa “Battle of Mons” nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914.

Gayunman, pinanindigan ng mga kaanak at pamilya ng mga sundalo— na ang sinasabing alamat o sabi-sabi lamang ay talagang nangyari. Totoo aniya ang “Angels of Mons”. Ano nga ba ang misteryong nakapaloob sa mga nabanggit na mga anghel?

Kumalat ang balita tungkol dito dahil sa dahil sa epekto ng ginawang makabayang maikling kuwento ng awtor na si Arthur Machen. Aniya, ang anumang aktuwal na bisyon o pangitain tungkol sa mga anghel na naging sundalo ay may halo nang propaganda.

Kumalat ang hinuha ng ilan tungkol sa “Angels of Mons” nang magkaroon ng major engagement ang British Expiditionary Force noong Agosto 22 at 23 taong 1914. Ito ay tungkol sa “Battle of Mons”, kung saan ang puwersa ng Alemanya ay naitaboy ng tropang Briton. Gayunman, batid ng British Troops na hindi madaling talunin ang Germany dahil sa kakaunti lamang ang kanilang bilang. Kaya, hirap silang gapihin ang hukbo nito.

Noong ika-14 ng Abril 1915, inulat ng isang British spiritualist magazine na mayroong naganap na milagro kaugnay sa paggapi ng British Troops sa German Forces. May tumulong aniya sa mga ito sa nangyaring labanan.

Sa kasagsagan aniya ng sagupaan, may lumitaw na kakatwang hugis ng ulap sa St. George, kung nandoon umano ang angelic warriors na kabilang sa hukbong pangkalangitan. Kung kaya, natalo ang puwersa ng Germany sa labanan sa Mons dahil sa tulong ng mga anghel.

Kagaya rin ng nakasaad na ulat sa “Rape of Belgium”, kung saan ipinako sa krus ang mga sundalong Kristiyano, tumulong aniya ang Diyos upang iligtas ang mga mananampalataya. Ayon naman sa aklat ni Machen, na nailathala noong Mayo 1914, sinermunan umano ng mga anghel ang German allies— na mabilis kumalat sa Britanya at sa ibang panig ng mundo ang nasabing kuwento.

Kinalaunan, binawi ni Marchen ang pahayag. Na ang nakasaad sa aklat patungkol sa Mons ay hindi totoo. Sa muling pagkakalathala ng aklat ni Marchen noong Agosto 1914, iniba niya ang kuwento at ang kanyang unang pahayag. Iginiit niya na totoo ang nangyari sa Mons.

Dahil dito, naging bestseller ang aklat ni Marchen noong katapusan ng taong 1914 dahil sa patotoo niya tungkol sa mga anghel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here