ANG MGA TAO AY MULA SA ISANG ALIEN RACE, AT PAANO NAKARATING ANG DNA NATIN SA PLANET EARTH

619

Ayon sa ilang eksperto, ang human beings ay hindi orihinal na inhabitant ng planet Earth. Diumano, ang mga tao ay descendant ng isang alien race sa malayong planetary civilization na nakarating sa Milky Way Galaxy at sumaliksik sa planet Earth. 

        Para sa kaugnay na babasahin tungkol sa iba’t ibang alien o extraterrestrial race na bumisita sa planet Earth, i-click lamang ang link: https://philippineone.com/kapangyarihan-july-3-kilalanin-ang-tatlong-alien-species/       

        Ayon sa panibagong thesis na inilabas ng mga eksperto, ang human race o Earthlings (inhabitant ng planet Earth) ay isang hybridized form of life ng isang alien species na sinasabing nagmula sa  Star System Alpha Centauri. Ayon sa mga pag-aaral ng NASA, napakalaki ng pagkakahawig ng Alpha Centuari sa ating solar system na Milky Way. Ang probabilidad at posibilidad na milyong taon na ang nakalilipas, ang human race ay ginawa mula sa ibang solar system, ay hindi imposible.       

        Sa Al-Uhaymir, modern day Iraq, matatagpuan ang labi ng ancient Sumerian city—ang Kish. Ipinagpapalagay na ang Sumerian culture ang pinakamatandang human civilization, kasabayan ng Assyro-Babyloniasn. Natagpuan ng mga archeologists sa Kish ang pinakamatandang ancient ancient tablet   na nalikha noong 3500 BC. 

        Ayon sa talaang Sumerian King List, 5,500 taon na ang nakararaan, ang Kish ang kauna-unahang siyudad na pinamunuan ng isang Hari o Ruler. Si Jushur ang kauna-unahang naitalang hari ng Kish, na sinundan ng kaniyang successor na si Kullassina-bell. Sa old Akkadian language, ang pangalan ng siyudad ay literal na nangangahulugang “lahat siya ay Panginoon (all of them were lord”). Ayon sa mga dalubhasa sa kasaysayan, ito ay nakapagtataka sapagkat ang Kish ay dumaan din sa yugto o punto na walang ruler o pamumuno. Samaktuwid, sino ang nagbansag ng pangalang “Kish” sa siyudad, gayong noong una ay wala naman nga silang konsepto ng leadership? 

        Ang mga naglalakihang monumento, pyramids, at obelisk ay tanda ng isang napakaunlad na sibilisasyon. Ang malaking tanong—paano nagawa ng ating mga ninuno ang  mga nakamamanghang arkitektura gayong sila ay ipinagpapalagay na primitive? Ang mga pyramids, halimbawa, ay hindi imposibleng magawa nang walang tulong ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya. Ngunit, ngayon ay nananatili pa ring nakatindig ang mga pyramids sa kabila ng kanilang edad—at may sinusundan pang precise science, engineering, at technology. Ang tanong: totoo bang ang mga ancient Egyptians ang nagtayo ng mga pyramids? 

        Para sa kaugnay na babasahin, i-click lamang ang link: https://philippineone.com/kapangyarihan-may-6-ancient-aliens222/ 

        Ang mga modern-day scientist ay nagsasabi rin na ang human beings ay hindi nagsimula bilang isang primates, ayon sa Theory of Evolution ni Charles Darwin. Ayon kay Dr. Ellis Silver, napakaraming pahiwatig o tanda na ang mga tao ay hindi nag-evolve kasabay ng evolution ng iba pang lifeforms sa planet Earth.       

        Para sa kaugnay na babasahin, i-click lamang ang link: https://philippineone.com/scientific-explanation-ng-the-creation-sa-genesis/ 

        Ayon sa teorya ni Dr. Ellis Silver, ang human race ay dinala ng mga extraterrestrial ancestor mula sa ibang solar system. Ang human o tao ay ay highly developed creatures na bago pa man dalahin sa planet Earth. Sa kaniyang librong “Humans are not from Earth: A Scientific Evaluation of the Evidence”, ang pananakit ng ating mga likod ay isang palatandaan na ang ating mga extraterrestrial ancestor ay nagmula sa isang planeta na may mahina o mababang gravity o gravitational force. 

        Ayon naman sa isang pang siyentipiko na si Dr. Rober Sepher, alinsunod sa modern DNA sequencing, ipinapakita na ang humanity ay isang uri ng “race” o lipi na nagmula sa Africa, ngunit isang hybridized species. Ang Rh negative blood type ay sinasabing nag-evolved lamang mula sa isang imaginary African ancestors.  

        Ano ang opinyon ninyo sa ating topic? May iba ka pang palagay o nais idagdag? I-comment lamang ito. Magkaroon tayo ng isang open discussion tungkol dito.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

SHARE
Previous articleNUMEROLOGY #6
Next articleLutong Mula sa Puso: Sumpia
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here