ANG MGA MIYEMBRO NG SATAN’S EMPIRE SA MUSIC INDUSTRY

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Atin pong talakayin ang mga bituin o mga taong nasa larangan ng musika na tunay na sumikat at tiningala ng mga taga-hanga. Subalit, sila ay yumayakap sa dogma ng Illuminati na kung saan ay napasailalim sa puwersa ng kadiliman. Na sila ay yumakap sa kultura at disiplina ng demonyo kung kaya natamo nila ang tagumpay.

Inihahayag ng artikulong na ito ang katotohanan upang sa gayun ay matimbang ninyo ang mga musikerong inyong hahangaan. Hahangaan nyo ba sila gayung ahente sila ng puwersa ng kadiliman? Na sa inyong pagtangkilik sa kanila ay itinatakwil ninyo ang Panginoong Diyos at niyayakap ang dogma ng diyablo sa inyong mga puso.

Tingnan ninyo kung kasama sa listahan ang hinahangaan nyong mga mang-aawit na ahente ng diyablo sa paraang ihiwalay ang puso ng tao sa Panginoong Diyos.

Narito ang kani-kanilang mga pahayag na patunay na sila ay miyembro ng Illuminati: Satan’s Empire in Music Industry.

Hindi ko maipaliwanag ang iilang mga bagay sa pamamagitan ng musika. Nariyang nahi-hypnotized ang mga tao. At kapag nabitag mo ang mga tao sa kanilang kahinaan, natuturuan mo sila. Ginagawa nila ang mensahe ng mga awiting nilikha mo Jimi Hendrix

Ako’y inuutusan at minamanduhan ng ibang puwersa. Ang kapangyarihan ng kadiliman na karamihan ng tao’y hindi naniniwalang eksistido iyon… Ang kapangyarihan ng diyablo o ni Satanas,” Little Richard

Ako’y nandun nang sabihin ni DRE na ipinagbili niya ang kanyang kaluluwa sa diyablo kapalit ng milyong halaga. Isinusumpa ko, pag-aari na ng diyablo ang katawan niya,” Griffey, producer ni Dre

Una sa lahat, nagpapasalamat kami kay Satanas,” Red Hot Chili Peppers sa MTV Music Awards speech

Mahal ko si Satanas. Ang Kristiyanismo ay boring. Kung hindi ginawa ng Star wars and devil imprint, hindi sila makakabenta ng 2 tickets. Si Satanas ay nagbebenta ng ticket. Ang karakter ni Darth Maul ay likha ni Satanas,” Jack Black

Karagdagan pa, ako’y mas mayaman pa sa Diyos. Baka lumapit pa siya sa akin,“ — Natalie Maines ng Dixie Chicks ( lapastangan ang hunghang na ito kung kaya sa kangkungan pinulot).

Naniniwala ako sa diyablo ng higit kaysa diyos,” Peter Criss ng KISS (hunghang din ang kumag na to!)

Aking inihahabilin ang aking espiritu sa kanila ( mga demonyo) na talagang sinubukan kung gawin. Sa oras ng pagbaksak at kagipitan, mabilis tumulong ang mga demonyo,” David Lee Roth

Maka-demonyo… ganyan kami,” Mick Mars, Motley Crue

Kumuha ka ng bato (droga) at sambahin si Satanas,” Kurt Cobain (gunggong ang isang ito kung kaya sa kankungan din pinulot)

Ang bahay ni Elton John ay puno ng mga alahas at mga librong may kaugnayan sa Satanismo at pangkukulam,” Bernie Taupin, lyricist ni Elton John

Noong taong 1985, ang New Solidarity newspaper ay ipinasara ng federal government ay nagsagaw ng isang panayam kay Hezekiah Ben Aaron at sa third-ranking member ng miyembro ng Church of Satan. Inihayag ni Aaron na ang kanyang kinaanibang simbahan ang nagpasimula ng Heavy Metal na mga grupo, kabilang na nga rito ang Black Sabbath, The Blue Oyster Cult, The Who, Ozzy Osbourne, at iba pa.

Ako’y naglilingkod sa simbahan. Ilang miyembro nito ang mga middle man sa ilang mga bigating kompanya. Kabilang na nga rito ang Apple at Warner Brothers at ilang record companies,” pahayag ni Aaron.

Muna naman dekada 90 hanggang 2000 at 2010’s, sinasabing kabilang sa Illuminati ng music industry ang mga mang-aawit na sina Eminem, Jay-Z, Kesha, Rihanna, Katy Perry, Madonna, Beyonce at maging si Taylor Swift. Lahat sila ay nagtagumpay at nagningning sa kanilang larangan dahil sa tulong ng misteryosong samahan.

SHARE
Previous articleHinaing Ng Mga Ligaw Na Kaluluwa, Idinadaan sa Panaginip
Next articleOnline Horoscope by Maestro Honorio Ong January 27, 2020
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here