Ang mga Maaaring Mangyari Kapag Huminto ka sa Pagkain ng Karne

Mahilig ka ba sa karne? Yung tipong hindi lilipas ang isang araw na hindi ka kumakain nito ng ilang beses? Dapat mong malaman ang mga posibleng mangyari at mga benepisyong maaari mong makuha kapag huminto ka sa pagkain ng karne. Sa Scientific-literature, ang meat-free diet ay maraming alok na benepisyo kung magagawa mo lamang ito ng tama. Ang paniniwala na ang pagkain ng karne na kinakailangan para sa mabuti nating kalusugan ay patuloy na lumalaganap sa bawat kultura kabilang na ang kulturang Pinoy. Subalit habang tumatagal, unti-unting naiintindihan ng mga tao na ang paniniwalang ito ay gawa-gawa lamang. Maging ang ating mga ninuno ay hindi lamang nagcoconcentrate sa pagkain ng karne, noon pa man ay marami na rin sa kanila ang mas binibigyang halaga ang pagkain ng mga gulay. Hindi ko naman sinasabi na ang pagkain ng karne ay hindi mabuti sa ating kalusugan kundi nais ko lamang na mabigyan din ng atensyon ang iba pang option gaya ng vegan at vegetarian diet na tiyak ang kabutihang dulot sa ating kalusugan.

Narito ang mga maaaring mangyari kung ikaw ay hihinto sa pagkain ng karne.

Makakatulong ka sa Kalikasan. Sa kasalukuyan ay patuloy na tumataas ang demand sa pangangailangan ng mga tao sa karne. Ang walang habas na pagpatay sa mga hayop na ito ay nababalewala dahil sa tindi ng pangangailangan dito. Sa paraan pa lamang ng pagpatay sa kanila ay magdadalawang isip ka na kung dapat nga ba silang kainin o hindi? Kung hindi mo magagawang ihinto ang pagkain nito at least ay mabawasan mo lamang ang iyong pagkonsumo dito. Habang patuloy tayo sa malakas na pagkonsumo sa mga hayop na ito ay patuloy din ang pagsira natin sa kalikasan. Sa mga factory farms ay lumalaganap ang pagkakasakit ng mga hayop sa sobrang dami nila at pagsisiksikan. Pero hindi pa rin ito sumasapat sa ating pangangailangan. Ang ganitong kalagayan ng mga hayop ay isang banta sa patuloy na pagkawasak ng kalikasan dahil sa pagkakalat nila ng mga sakit. Habang tayo ay abala sa pagpoproduce ng ating pagkain ,hindi natin namamalayan na inuubos natin ang mga maaari nating pagkunan nito. Subalit sa kabila ng pagkawasak ng environment dahil sa sobra nating pagkonsumo sa dapat ding nakikinabang nito, patuloy nating isinasagawa ang mga bagay na akala natin ay puro kabutihan lang ang dulot.

Maiiwasan mo ang pagkakaroon ng Diabetes. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng mga karneng dumaan sa kahit na pinakamasusing proseso ay naiuugnay sa pagkakaroon ng kanser. Nagagawa rin nitong pataasin ang panganib sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. Sa populasyon ng omnivore ang panganib sa pagkakaroon ng diabetes na dulot ng pagkain ng karne ay doble kumpara sa vegans.

Bababa ang iyong blood cholesterol. Ang high blood cholesterol ay isang malaking panganib para sa ating puso. Ang saturated fat na matatagpuan sa karne at sa iba pang produktong gawa mula rito ay nagiging dahilan upang tumaas ang level ng ating blood cholesterol. Ang pagtaas nito ay nagagawang pababain ng plant-based diet.

Makukuha mo ang tamang dami ng protina. Kung ang kakulangan sa protina ay masama sa ating katawan, ang sobrang protina ay hindi rin makabubuti. Ang sobrang protina  sa ating katawan ay nagiging fat at nagcocontributes ito sa sakit sa puso, diabetes, pamamaga ng kalamnan at kanser. Habang ang protina namang nakukuha mula sa mga halaman ang siyang lumalaban sa mga sakit na ito. Maraming pag-aaral na ang nagpatunay sa kaibahan ng protina mula sa hayop at mula sa halaman.

Komportableng pamumuhay. Sa pagbabawas mo sa pagkain ng karne at pagkonsumo nito sa ibang produktong yari dito ay natutulungan mo ang mga hayop na maisalba sila sa malupit na proseso ng kamatayan. Maari mo rin silang mapakinabangan kung sila ay mamamatay sa natural na paraan. Tandaan mo na ang pagkain ng anumang karne ng hayop ay nangangailangan ng seryosong pang-unawa, pagsisikap at pag-aalaga. Huwag tayong maging tamad at komportable na lang sa inihahain sa atin ng mga industriya ng pagkain na walang ibang iniisip kundi ang malaki nilang kita.

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health