ANG MGA KAMIKAZE DOLPHINS NG BANSANG IRAN

Ravenson Biason

Sa mabuti naman o sa kasamaan ang motibo, malaon nang sinasanay ng tao ang mga dolphins bilang ‘soldiers of war’ sapol pa noong 1960’s, o magpahanggang sa ngayon. Sinasabing ang Russian government ay sangkot sa ganitong eksperimento na ginagamit ang nasabing hayop sa kanilang taktika sa karagatan.

Batid natin na ang mga dolphins ay maaamo at mabait na nilalang sa karagatan, na kaibigan ng tao. Subalit, papaano kung ang iba sa kanila ay mapanganib gaya ng tinatawag na ‘assassin o kamikaze dolphins’. Anong misteryo ang bumabalot tungkol sa kanila?

Batay sa rebelasyon ni submariner na nagtapos sa medical academy na si Boris Zhurid, siya ang shief trainer ng mga ‘kamikaze dolphins’. Aniya, ginagamit ng Russian navy ang mga ito bilang sandata sa kalaban. Dahil sa hindi na kayang sustentuhan ang pagkain, gamot at fish supplements ng mga dolphin, isang hakbang ang ginawa niya kaysa sa patuloy na magutom ang mga dolphin sa kani-kanilang aquarium.

If I were a sadist then I could have remained in Sevastopol,” saad ni Mr Zhurid sa Russian newspaper na Komsomolskaya Pravda.

Nitong nakalipas na 20 taon, ipinadala ng pabagsak nang Soviet Union ang grupo ng highly-trained aquatic assets sa ilalim ng pangangalaga ni Zhurid sa Iranian government na iniulat sa isang artikulo sa BBC na inilathala noong taong 2000.

Noong 1991, pagkatapos na mabuwag ang Soviet Union, ang mga dolphins na ito ay ipinadala sa Crimean Peninsula mula sa base sa Russian Pacific area. Na roon ay sinanay ang mga dolphin upang pumatay ng kalabang sundalo gamit ang harpoons na ikinabit sa kanilang likuran. Lumalangoy din sila patungo sa barko ng mga kaaway sa pamamagitan ng suicide attacks o kamikaze style; habang dala-dala ang explosive sea mines na nakakabit sa kanilang katawan.

 Kaya rin nilang tukuyin ang pagkakaiba ng Russian at American submarines sa pamamagitan ng kanilang tinig o propulsion systems sa ilalim ng tubig. Ang mga highly trained killer dolphins ay inilipat sa Black Sea mula sa Persian Gulf pagkatapos na mabili sila ng Iran— sa hindi malamang dahilan.

Ayon pa sa Russian newspaper Komsomolskaya Pravda, ang Zhurids work ay nagpatuloy sa Iran pagkatapos ng taong 2000 sa ilalim ng pamamahala ng mga military. Ang mga dolphin ay kayang mabuhay ng 50 taon, ibig sabihin, ilan sa mga ito na kabilang sa training ay buhay pa hanggang ngayon.

Hindi imposible na ang mga ito ay paroo’t parito lang sa karagatan ng U.S at naghihintay ng retalitatory strike o masidhing pag-atake. Gayunman, karamihan sa war dolphins ay hindi sinanay upang pumatay. Ngunit, sila ay matalino gaya ng inaasahan. May nagsabi nga, kaya ba malakas ang loob ng bansang Iran dahil sa kakaiba nilang sandatang ito? Ang tanong, ilan sa mga killer dolphins ang nasa pangangalaga ng nasabing nasyon at kung ano na ang nangyari sa kanila?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here