ANG MGA KALULUWANG LIGAW SA IOWA STATE CAMPUS

Sa loob ng maraming taon, sadyang naging reputasyon na ng Iowa State ang reputasyon sa pagiging isa most haunted campus sa Midwest ng Estados Unidos. Ilan sa karaniwang nararanasang paranormal sa nasabing unibersidad ay nangyayari sa dalawang gusali nito, ang Memorial Union na binuksan noong 1928 at ang farm House Museum na itinayo noong 1860.

Ang nasabing erya ng campus ay naging opisina ng mga deans, propesor at mga estudyanteng nangungupahan doon. Ang Farm House ay pinaniniwalaan na doon nagpapakita ang multo ni Edith Curtiss, anak ni Charles Curtiss na nagsilbi bilang Dean of Agriculture ng unibersidad noong 1902. Sinasabing ang multo ni Curtiss ang nagbubukas ng mga kurtina sa pasilyo tuwing gabi. Isa pa sa sinasabing nagpaparamdam doon ay ang multo ni Esther Wilson, esposa ni  James Wilson na dating president ng Iowa State na sinasabing ginagalaw ang mga kubyertos o mga silverware roon.

Ang Memorial Union naman ay sinasabing doon nagpaparamdam at nakikita ang multo ni Hortense Elizabeth Wind, isang World War I veteran at nutritionist na namatay dahil sa influenza. Sinasabing sigaw at palahaw na naririnig sa pasilyo ng gusali ay boses ng nasabing babae.

Some of our custodial staff claim to hear weird noises or feel breezes – course it’s a drafty old building,” pahayag ng program coordinator Laura Helmus.

Some of our staff would say they have had experiences that make them truly believe it’s haunted,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Helmus, sa loob ng 23 taong paninilbihan niya sa Memorial Union, wala siyang naranasang kakaiba o naramdamang multo. Kundi ang mga co-workers niya ang nagsasabi sa kanya ng mga nararanasang kakatwa.

Sa iba pang building ng nasabing pamantasan, inamin ng ilang estudyante roon na nakararanas sila ng ilang paranormal activity.

Ayon sa estudyanteng si Mali Bilstad, sophomore sa integrated arts, may mga nagpaparamdam aniyang mga kaluluwa sa nabanggit na gusali. Aniya, may nakikita silang anino at mga naglalakad na bagay o stuff sa labas ng mga pintuan ng mga silid. Gayundin ng nakaliligalig na mga boses na tila nag-uusap, tumatawa o umiiyak, pero wala namang tao.

Isa pa sa lugar sa nasabing paaralan na pinaglalagian ng kaluluwang ligaw ay ang Golden Star Hall, isang memorial area para sa Iowa State veterans, Friley, Freeman and Barton Hall, Fisher Theater at Stephens Auditorium.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here