Ang Mga Alkohol na Pwede Lang Inumin ng Isang Vegan

Maaari rin bang uminom ng alkohol ang isang vegan? Oo naman. Pero hindi nga lang lahat ng uri ng alkohol ay pwede nitong inumin. Ang sabi nila, madali lang naman daw malaman ang mga alak o alkohol na pang-vegan. Kung isa kang vegan ay kailangan mo lang magsagawa ng konting pagsasaliksik tungkol dito. Kapag sa mga labels tayo titingin, hindi natin mababasa rito ang ibang mga sangkap na inihahalo sa mga wine at beer. Kaya hindi natin agad malalaman na ito ay maaaring may mga sangkap din gaya ng isinglass, egg whites o gelatin.

Ang mga hard liquor gaya ng bourbon, whiskey, gin, vodka at rum ay pinapayagan na inumin ng isang vegan. Maliban lamang sa mga produkto na gumagamit ng honey at makikita ito mismo sa kanilang label. Kaya kung ikaw ay isang vegan dapat lang na alam mo ang mga pwede at hindi pwede para sa’yo upang hindi masira ang iyong pagiging vegan.

Vegan man o hindi, ang moderasyon sa pag-inom ang laging kailangan upang hindi mauwi sa anupamang kaguluhan o kapahamakan ang pagtalab sa’yo ng espiritu ng alak. Ayon sa mga pagsusuri sa ibang bansa, kung moderate lang ang pag-inom mo ng alcohol, ito ay makakatulong upang mapababa ang panganib na dulot ng cardiovascular disease. Itinataas nito ang levels ng high-density lipoprotein, HDL, o ang tinatawag na good cholesterol. Ang mataas na level ng HDL ay naiuugnay na mabisang panlaban o proteksyon laban sa sakit sa puso. Hindi lang tayo nakakaiwas sa sakit sa puso kundi pinoprotektahan din tayo nito laban sa mapanganib na stroke at diabetes. Pero uulitin ko, ito ay sa pamamagitan lamang ng moderasyon o moderate na pag-inom. Mga isa hanggang dalawang baso lamang kada isang araw ay sapat na. Alam naman natin na lahat ng sobra ay humahantong na sa hindi magandang epekto o nagkakaroon na ng hindi katanggap-tanggap na resulta.

Kaya kung ikaw man ay hindi vegan, maaari nating tularan ang isang vegan sa paraan niya ng pag-inom ng alkohol dahil ito ay makapagdudulot din ng kabutihan sa ating katawan at gayundin sa ating isipan. fffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here