Ang Maruming Tubig sa Panaginip

Ang tubig ay tumutukoy sa ating pangarap kaya naman kung ang anaginip mo ay may kinalaman sa tubig ito ay tumutukoy din sa katuparan ng iyong pangarap. Iyon nga lang, hindi porke nakapanaginip ka ng tubig ay nangangahulugan na matutupad na in ang iyong pangarap. Ito kasi ay depende sa klase ng tubig na iyong napanaginian.

Kung umiinom ka ng tubig sa baso, ibig sabihin ay may pangarap kang nais na abutin. Kung ayaw mo namang uminom ng tubig, nangangahulugang nag-aalinlangan ka rin na abutin ang pangarap mo. Masasabi ko namang naakasuwerte mo kung ang iyong naanaginian ay malinis ang tubig sa swimming pool o sa dagat dahil ibig sabihin nito ay magagawa mong matupad ang iyong pangarap.

Iyon nga lang kung ang napapanaginipan mo  ay maruming dagat o swimming pool ay nangangahulugan na kahit gustuhin mo ay hindi mo maaabot ang iyong pangarap. At kung may patay na isda sa dagat ay nangangahuluhan na may trahedya na mangyayari sa’yong buhay.

Kung masamang pangitain ang napanaginipan mo tungkol sa tubig, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung minsan naman kasi ang panaginip ang nagsasaad ng babala. Ang ibig sabihin nito, kapag ang pinairal mo ay ang takot at katamaran, talaga ngang hindi mo magagawang abutin ang iyong pangarap kahit na sabihing gustung-gusto mo. Kaya, huwag mong hayaan na hindi matupad ang pangarap mo. pilitin mong abutin at sa susunod na managinip ka ay makakapanaginip ka ng maganda at malawak na karagatan na nagsasabing napagtagumpayan mong makamit ang iyong pangarap.

O, anong napanaginipan mo tungkol sa tubig?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here