Ang maling akala ni Catalina

0
122

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Akala ni Catalina ay happiness lamang ang mararamdaman niya kapag nagpakasal siya sa lalaking mahal na mahal niya pero nagkamali siya. Paano naman kasi siya magiging maligaya sa lalaking hindi naman marunong magbanat ng buto pero ang galing gumawa ng anak. Sa loob ng walong taong pagsasama nila ay nagkaroon na sila ng 6 na anak.  

O, ano, katsismosa, kaya mo ‘yon?  

Kaya naman itong si Catalina ay napilitang mangibang bansa para mabuhay ang kanyang pamilya. Ito kasing asawa niya ay kahit anong sabihin niya ay hindi nagtatrabaho. Basta nag-e-enjoy lang ito sa pagkakaroon ng maraming anak. Dahil daw kasi marami itong anak ay marami rin itong mauutusan.  

Kaysa naman awayin ni Catalina ang kanyang mister, pinili na lamang niyang pagdusahan ang kanyang pagkakamali kaya naman kahit na mahirap magtrabaho sa abroad na puno ng takot ay pag-aalala ay wala na siyang nagawa kundi magsisi. Kung nakinig lamang siya sa tiyahin niyang nagpapaaral sa kanya baka nagkaroon pa siya ng magandang buhay. Gayunpaman. Kailangan na lamang niyang tanggapin ang kapalaran niya.  

Kaya nga lang, kahit pala nasa ibang bansa siya ay hindi pa rin siya tatantanan ng problema na binibigay ng asawa niyang pasaway. Hindi lang kasi paglalasing ang pinagkakaabalahan nito habang wala siya, paggamit din ng ipinagbabawal na gamut. Ayun tuloy, napatid na ang katinuan nito, maging ang sarili nitong ina ay nagawa nitong i-hostage magkapera lang.  

Dahil nga nasa ibang bansa si Catalina ay wala siyang nagawa kundi ang mag-iiyak lamang habang pinapanood ang pangyayaring iyon. Sa dami kasi ng pulis na nag-aabang sa kanyang asawa, ay alam niyang hindi na ito mabubuhay pa.  

Kaya naman ang pangyayaring iyon sa buhay ni Catalina ay parang isang matinding bangungot ngunit nagawa pa rin niyang malampasan iyon dahil sa kanyang mga anak na alam niyang umaasa sa kanyang pagbabalik.  

Mahal na mahal man ni Catalina ang kanyang mister, wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang kapalaran nito. Alam naman kasi niya na hindi ito mabuting tao pero pinili pa rin niyang tanggapin at mahalin ito. Ganoon daw kasi talaga ang umiibig handang maghintay na magbabago ang kanyang mahal.  

Sa ngayon ay wala na siyang ginagawa kundi ang mahalin ang kanyang sarili at mga anak. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, walang ibang kawawa at masasaktan kundi siya kaya inihabilin muna niya sa kanyang mga magulang ang kanyang anak habang siya ay nagtatrabaho sa abroad. Bago niya ginawa iyon, siyempre humingi siya ng kapatawaran sa mga ito dahil alam niyang sobra niyang nasaktan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here