Ang Maganda at Masamang Epekto ng Paglalagay ng Salamin sa may Hagdanan

288

Hindi mo mapipigilan ang makaramdam ng labis na pagkagulat kapag pag-akyat mo ng hagdanan ay makikita mo ang iyong mukha o kabuuan dahil mayroong salamin na nakatapat sa inakyatan mong hagdanan. Kung unang beses kang pumunta sa ganoong lugar, siguradong ikaw ay mapapasigaw sa sobrang pagkagulat. Ngunit, bakit nga ba may mga may-ari ng bahay na naglalagay ng salamin sa tapat ng hagdanan?

Marami ang nagsasabi na lahat ng bahay ay mayroong naninirahang kaluluwang ligaw o kaya naman ay may mga taong pinipiling maglagay ng salamin sa tapat ng hagdanan para kapag may nilalang na ‘kakaiba’ ay doon sa salamin na iyon tutuloy. Di hindi na pupunta a sa ibang bahagi ng bahay ninyo pupunta ang mga nilalang na ito.

Ang nakakatakot lamang sa pagkakaroon ng salamin sa may hagdanan ay kapag nagkamali kang tumingin doon ng disoras ng gabi, baka makakita ka ng nilalang na hindi mo gugustuhing makita. Ang dahilan noon kapag malalim na ang gabi at pumalo na ang ala-una hanggang alas-tres ng madaling araw, ang kapangyarihan ng mga kaluluwang ligaw o kaya naman ng mga nilalang na nasa ibang dimensyon ay lumalakas. Kaya nga para hindi mo makita ang kanilang presensiya ay kailangan mong matulog nang maaga kaysa sa kanilang paglitaw para hindi mo sila magambala at magpakita sa’yo.

Hindi rin dapat mabasag ang salamin na nasa tapat ng hagdanan dahil ang mga kaluluwa na pumasok doon ay lalabas lamang at baka sa bawat sulok ng bahay ninyo sila ay manatili at hindi na ninyo sila magawang mapaalis pa. O, mayroon ba kayong salamin sa tapat ng hagdanan? Kung mayroon, anong nararamdaman mo kapag naapatingin ka doon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here