ANG MABUTI AT MASAMANG DULOT NG PAGSALI SA FRAT, ALAMIN!

30793

Ang fraternity ay galing sa salitang latin na Frater na nangangahulugang kapatiran o samahan. Ngunit bago ka maging miyembro ng kapatiran na ito ay kailangan mo na munang makapasa sa kanilang initiation o hazing.

Hazing, initiation ceremonies, refers to the practice of rituals, challenges, and other activities involving harassment, abuse or humiliation used as a way of initiating a person into a group including a new fraternity, sorority, team or club. (Wikipedia)

Ngunit sa kabila ng mga nabanggit ay hindi pa rin napipigilan ang mga kabataan na sumali sa mga fraternities.

Ang problema nga lamang ay hindi lang pang-aabuso, harassment at maging pagpapahiya ang maaaring kahantungan o maranasan mo sa oras na pumasok ka sa mundo ng fraternity—higit sa lahat ay maaari mo ring maranasan ang makatulog… ng panghabangbuhay.

Ngunit bakit nga ba sumasali ang kabataan sa mga ganitong uri ng kapatiran sa kabila ng katotohanang napaka-delikado nito?

Marami ang nagsasabi na isa sa mga kabutihang dulot ng pagsali sa mga ganitong grupo ay ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at ang pagkakaroon ng pagkakataon na maging “in” sa mata ng mga tao.

Para nga naman sa mga paaralan lalo na sa mga malalaki at sikat na unibersidad ay kakailanganin mo diumanong sumabay sa agos at makibagay. Hindi mo gugustuhin na kumain ng mag-isa o mag-aral ng mag-isa.

Nakakatulong diumano ang pagiging miyembro ng fraternity upang lumaki at lumawak ang iyong networking potential lalo pa kung ikaw ay maghahanap na ng trabaho.

Maaari ring ang maging rason ay upang magkaroon ng proteksyon sa sarili. Sa mga malalaking eskwelahan ay maraming mga organized groups o fraternities na pagpipilian ang mga estudyante. Kaya naman kung hindi ka miyembro ng kahit anong kapatiran at napag-trip-an ka ng isang miyembro ng frat ay talagang ikaw ang kawawa.

Ngunit, ang isa sa pinakamalaki at matinding dahilan na din siguro ay ang kagustuhang maging sikat o popular sa eskwelahan. Kapag nga naman miyembro ka ng isang kapatiran, ang iyong pangalan ay may dating agad sa pandinig ng ibang tao o estudyante ng paaralan.

Marami pang dahilan ang maaaring maging rason ng mga estudyante upang sumali sa fraternity ngunit hindi nito maaaring alisin ang katotohanan na marami sa mga kapatiran na ito ay ginagamit lamang na front ang kanilang “brotherhood” upang makapang-bully o di kaya ay maturuan ng leksyon ang mga taong hindi nila gusto.

Aminin man natin sa hindi, tulad ng kahit anong bagay sa mundong ito ay mayroong magandang dulot ang pagsali sa fraternities ngunit tila mas marami naman ang hindi magandang dulot at maging ang kahantungan sa pagsali dito.

Noon lamang taong 2014 ay isang Lasalista ang namatay dahil sa hazing.

Si Guillo Cesar Servando, edad 18, kasama ang tatlo niya pang mga kasamay ay mga estudyante na tadtad ng pasa ang mga likod at hita.

Isa ito sa mga palatandaan na ang isang tao ay nakaranas ng initiation o paddling. Dahil ang mga nabanggit na parte ng katawan ang madalas na nalalapatan ng paddle upang tiyakin na karapat-dapat kang maging miyembro ng kanilang kapatiran.

At noon nga lamang Setyembre 17, 2017 ay isa na namang panibagong biktima ng hazing ang naging laman ng mga balita.

Si Horacio Tomas Castillo III ay isang first year law student ng University of Santo Tomas o UST ay ni-recruit diumano ng Aegis Juris fraternity.

Diumano ay tinulungan at dinala ng good Samaritan na si Paul Silano sa Chinese General Hospital ang biktima nang makita sa bangketa ang lalaking nakabalot sa puting kumot sa may Tondo.

Sa kasamaang palad ay hindi na nakaabot pa ng buhay o ideneklarang Dead on Arrival ang biktima sa CGH sa tindi ng tinamong bugbog at sa rami ng pasa sa katawan.

Ayon naman sa ama ng biktima ay nagsabi diumano ang kanyang anak na ayaw niyang sumali sa fraternity ngunit napilitan na lang dahil sa pangungulit ng mga recruiter ng fraternity.

Ayon din sa ama ng biktima ay bloated na diumano ang katawan ng kanyang anak at mayroon pang mga paso ng sigarilyo at kandila.

“The fraternity extends its condolences to the bereaved family of Horacio at these very trying times. Rest assured that the fraternity will extend its utmost cooperation in the investigation of this unfortunate event.” Ito ang saad saad ng nasabing fraternity ukol sa kinasangkutan nitong gulo at eskandalo.

We condemn in no uncertain terms haing in any form or manner. Violence has no place in an academic institution, particularly in our university that values and promotes charity and compassion. We will leave no stones unturned to ensure that the perpetrators be meted the appropriate sanctions and brought to justice.Ito naman ang saad ng pamunuan ng UST.

Dagdag pa nila ay pasisimulan diumano agad nila ang imbestigasyon upang maihatid ang katotohanan at katarungan sa biktima at sa pamilya nito.

Dahil dito ay inilagay sa preventive suspensions ang lahat ng opisyal at miyembro ng fraternity na Aeris Juris. Ni hindi din diumano papayagan ang sinumang miyembro ng fraternity na pumasok sa loob ng campus o ang um-attend ng kanilang mga klase.

Kaugnay nito ay iniutos naman ni Manila Police Director o MPD, Chief Superintendent Joel Coronel ang masusing imbestigasyon para sa kaso ng binate.

Agad niyang pinakilos ang Homicide at District Police Intelligence Unit upang makakalap ng mga ebidensya.

Isa namang prayer at candle lighting activity ang isinagawa ng mga estudyante ng UST. Hindi lamang ito pagpapakita ng kanilang hinagpis at galit sa ginawa nila ngunit isa na din diumano itong protesta sa pagkamatay ng freshman law student.

Mariin namang kinondena ng Commission on Higher Education o CHED ang nangyari kay Castillo. Nagpaabot ang mga ito ng pakikiramay sa pamilya ng huli at nanawagan sa mga pinuno at academic community ng UST na ibigay ang buong pakikipagtulungan sa mga pulis para maibigay ang hustisya sa muli ay madugong kaso ng hazing.

Noong taong 2012 ay nagsalita ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ukol sa mga ganitong uri ng kaso. Hindi lamang daw sapat na amyendahan ang anti-hazing law o republic act of 8049. Nararapat diumano na gumawa ng bagong batas na magtitigil sa hazing at iba pang initiation rites na ginagawa ng mga fraternities at sororities.

Ngunit, tila hanggang ngayon ay wala pa ring bagong batas na maaaring makasugpo sa brutal na gawain ng mga kapatiran na ito.

Sana rin ay mas pag-igihin pa ng mga paaralan at unibersidad ang kampanya ng mga ito laban sa mga madugong hazing.

Paano pa magiging pag-asa ng bayan ng ating mga kabataan, lalo pa at sana ay future lawyer ang huling biktima, kung habang nag-aaral pa lamang sila ay kinukuha na ang kanilang mga buhay?

At sino pa kaya ang hinihintay na mamatay ng ating mga mambabatas upang sila ay kumilos na at gumawa ng mabigat na batas laban sa ganitong uri ng initiation rites?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here