Ang Mabuti At Hindi Mabuting Epekto Ng Asin Tax

Nakupu naman, lahat ng maaalat na pagkain ngayon e magkakatax na rin. Kapag nangyari ito, ang unang-unang maaapektuhan na naman of course ay tayong mahihirap. Gusto ng DOH na maisama ang asin sa bubuwisan sa ikalawang yugto ng sin tax sa ilalim ng TRAIN Law 2. Ibig sabihin lahat ng salted foods ay mabubuwisan. Ang dahilan ay dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng tao. At syempre pa ang pondo na makukuha mula rito.

Mabuting Epekto

Unahin na natin ang mabuting epekto ng Asin Tax kung sakali man na maaprubahan ito. Syempre pa ay maiiwasan natin ang pagkonsumo ng mga pagkaing nagtataglay ng mataas na sodium gaya ng noodles. Ang isa lamang pakete ng instant noodles ay nagtataglay ng sodium na sapat na para sa isang linggong pangangailangan ng katawan ng tao sa sodium. Naiisip mo ba kung makakain ka ng ilang pakete ng instant noodles sa loob ng isang linggo? Malamang ay mameligro ang iyong bato at makakuha ka rin ng iba’t-ibang sakit gaya ng diabetes,stroke, kanser at iba pa. Kaya kung makakasama ito sa bubuwisan at hindi mo na maaabot ang presyo ng mga pagkaing ginagamitan nito bilang preservatives ay makakaiwas ka sa madalas na pagkain nito at the same time ay maiiwasan mo rin ang mga sakit na maaaring idulot nito sa’yo. Isa pang mabuting epekto nito ay magsisilbi itong hamon sa mga opisyal ng gobyerno na umisip ng alternatibong paraan upang makabili ang mga mahihirap na mamamayan ng pagkaing mabuti sa kalusugan sa mababang halaga na kaya lamang ng kanilang bulsa.

Hindi mabuting epekto

Dahil nga sa sobrang tataas ng mga bilihin ay walang mapagpipilian ang mahihirap kundi bilhin kung ano lamang ang pagkaing pasok sa kanilang budget. Ito ay kinabibilangan ng noodles,itlog at tuyo na sad to say ay mahihirapan na silang bilhin pag nagkataon. Bagamat sinabi ni Ways and Means Commitee chair Joey Salceda na walang pag-asang mabuwisan ang pagkaing maaalat dahil lalo itong makakabigat sa mahihirap, tinitingnan pa rin ang posibilidad ng hindi mabuting epekto nito kung sakali na ito ay mangyari. Ang mga pagkaing ginagamitan ng asin gaya ng mga de lata, processed meat , junk foods at noodles ay tiyak na tataas  ang halaga at ang tanging option ng mahihirap ay tuluyan ng matutunaw gaya ng tunaw na asin. Hindi man sila mamatay sa mga sakit na dulot nito ay gutom naman ang kanilang magiging kamatayan kung hindi magagawan ng paraan ng gobyerno na makabili sila ng pagkain na kaya lamang nilang bilhin.

Dahil sa usaping ito na posibleng mangyari sa hinaharap, palagay ko’y panahon na para mag-isip mismo ang mga mamamayan ng sarili nilang option, umaksyon man o hindi ang gobyerno. Pwede tayong magtanim ng sarili nating mga gulay upang may maihain tayo sa ating pamilya na mura na ay masustansya pa. Huwag na nating hintayin na kumilos ang iba para sa atin kung may magagawa naman tayo para mapabuti ang sarili nating kalusugan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here