Ang Mabisang Palatandaan na ikaw ay Magkakapera

Sa panahon ngayon walang sinuman sa atin na hindi gugustuhing magkapera. Wala namang masama roon dahil talaga namang kailangan nating magkapera kung nais nating magkaroon ng pambili ng lahat ng pangangailangan at gusto natin. Kaya nga lang, may mga tao na kinakailangan ang gumawa ng masama para sila ay magkaroon ng pera gayung pwede namang magtrabaho na lang sila.

Ikaw ba, paano ka kumikita ng pera? Kung sasabihin mong nagpapakahirap ka sa pagtatrabaho para matugunan ang mga pangangailangan mo’y binabati kita. Kahit na sobrang hirap ng buhay, huwag na huwag mong iisiping gumawa ng masama. Dahil sa huli ay ikaw rin ang mamalasin.

Ngunit, alam mo bang may palantandaan kung kailan ka magkakaroon ng pera? Ang kailangan mo lang gawin ay makiramdam. Kung ikaw ay sinusundan pusa, ibig sabihin niyan ay magkakaroon ka ng pera. Kaya, huwag na huwag kang magiging  malupit sa hayop lalo na sa mga pusa dahil sila ang makakatulong kung paano ka magkakaroon ng maginhawang pamumuhay.

Ang mga pusa kasi ay may kakayahan na magtaboy ng masasamang espirito na maaaring magbigay sa’yo ng kamalasan. At kapag naitaboy na ang mga ito ay asahan mong magkakaroon ka ng sunud-sunod na suwerte sa’yong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here