Ang Lihim ng Matatandang Puno

Nang bata ako ay lagi kong nakikita ang isang matandang puno sa likod ng aming bahay. Isa raw iyong puno ng santol pero hindi na namumunga kaya lang hindi naman nalalagas ang kanyang mga dahon, kaya, sa pagtitig ko sa puno ay hindi ko mapigilan ang labis na mamangha at magtaka kung bakit kahit na matanda na ay hindi pa rin iyon pinapuputol. Hanggang sa malaman ko sa aking Ate Eta ang dahilan.

Ang puno ng santol na iyon ay hindi pinuputol dahil may naninirahan daw mga elemento roon na kapag nagtangka kang wasakin iyon ay ikaw din ang mapaahamak. Nakakatakot pero may katotohanan ang kuwento tungkol sa malalaki at matatandang puno na kahit hindi mo naman inaalagaan ay nanatiling maganda sa paningin ng marami.

Nang bata nga ako ay madalas akong magkasakit, hindi iilang beses din akong kinumbulsyon at dumating pa sa punto na nangitim na ako at lumawit pa ang aking dila ngunit nanatili pa rin ako sa mundong ito at buhay na buhay. Isang albularyo nga ang nagsabi sa akin na kaya raw hindi ako kinukuha ni kamatayan dahil ang mga nilalang na nasa matanda at malaking puno ay nakasubaybay sa akin at inaalagaan ako.

Maaari ngang sa pandinig ng marami ay isa lamang iyong kalokohan ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nababago ang tindig ng puno na iyon kahit na  lumipas na ang ilang dekada. Kaya, kung ikaw ay may makikitang matandang puno ay huwag na huwag kang magkakamali na saktan ito dahil baka may mga nilalang na naninirahan doon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here