ANG LAWA NG MGA KALANSAY

0
191
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Nakakita na ba kayo ng isang lawa na kung saan ay tambak ang mga bulto-bultong mga kalansay? Mayroon nito na matataguan sa Skeleton Lake sa Roopkund, India. Gayunman, hindi dapat ito ipagkamali sa ‘Skeleton Lake’ na nasa Ontario,Canada.

Noong taong 1942, isang British forest guard sa Roopkund, India ang nakagawa ng nakaka-alarmang pagkatuklas sa isang pook na may 16,000 feet above sea level. Ang kanyang natuklasang lawa ay nasa ilalim ng isang maliit na lambak. Ang naturang lawa ay ilado o nagyeyelo na puno ng mga kalansay. Kapag tag-araw at habang unti-unting natutunaw ang yelo sa naturang dako, inilalabas ng naturang lawa ang ilang mga kalansay na lumulutang sa tubig. Ang ilan ay napadpad na sa tabi

Ayon sa mga taga-roon, sinasabi nilang ang mga naturang natuklasang mga kalansay sa ‘Lake of Skeletons’ ay pawang mga labi ng mga sundalong Hapones, kung saan ay nasawi sa paglalakbay habang bumabagtas patungong India. Sinasabing noong mga panahong iyon,natatakot ang British government sa isinasagawang land invasion ng mga Hapones noong nasa ilalim ng kanilang kolonyalismo ang bansang India. Kung kaya, nagpadala ang gobyerno ng isang grupong magsisiyasat kung ito nga ay totoo.

Subalit, sa ilang isinagawang pananaliksik ng mga arkeyologo at paleyontologo, sinabi nilang ang mga kalansay hindi mga labi ng mga Japanese soldiers. Masyado na umanong luma o matanda ang gulang ng mga kalansay kumpara sa iginigiit ng ilan.Gayunpaman, ang kanilang laman, buhok, at maging ang mismong mga buto ay na-preserba ng malamig na hangin air at ng yelo. Kung kaya, naging ilado sila sa loob ng mahabang panahon o sa nakalipas na 1,200 taon bago ang pagkakatuklas.

Ngunit, walang makapagsabi kung taga-saan ang mga naging iladong kalansay noong sila’y nabubuhay pa. Wala rin silang ideya kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay ng 200 katao sa naturang maliit na lambak. Maraming teorya ang naglabasan tungkol dito na sinasabing ang mga tao na naging mga iladong mga kalansay sa lawa ay namatay sa epidemya, pagguho ng lupa, at ritual suicide. Subalit, sa loob ng maraming dekada, walang nakapagbigay linaw kung ano ang misteryong bumabalot sa misteryosong ‘Skeleton Lake’.

Gayunpaman,isang ekspedisyon ng mga siyentipiko uli sa komisyon ng National Geographic Channel noong taong 2004 ang isinagawa sa naturang pook. At sa wakas, inilahad nito ang misteryo ng tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga tao na naging mga kalansay sa lawa ng Roopkund.

Ang mga katawan o labi ng mga kalansay ay sinasabing naging ilado noong pang 850 A.D. Ilang DNA evidence ang nagsasabing binubuo ng magkaibang pangkat ng mga tao o kaya ng tribu. Ang mga natuklasang mga singsing, sibat, leather shoes, pana, ay nagbigay ng linaw sa mga eksperto na ang naturang pangkat ng tao na binubuo ng mga pilgrims na bumabagtas sa naturang lambak na malamang na tinutulungan ng mga katutubong taga-roon. Sinasabi rin ng ilang scientist na ang naturang lunan ay pinagdausan ng isang religious procession na tinatawag na Nanda Jaat Yatra.

Ang natuklasang mga bungo ay mayroong barag, at mga kalansay o buto mula sa balikat ay may gayun ding tama. Sinasabing namatay sila dahil sa mga tama sa kanilang ulo na sanhi ng bagay na bumagsak mula sa itaas. Sinasabi ring namatay sila sa isang malakas na hailstorm at tumilapon ang kanilang mga labi sa lawa nang sila’y mahulog mula sa burol, dahil sa tama ng mga hailstones sa kanilang mga ulo’t katawan. Ang sukat ng hailstones o graniso ay 23 sentimentro at may 9 pulgadang kapal.

Isang patunay na sa gayung insidente nga sila namatay ay ang isang tradisyunal na awitin ng mga Himalayan women. Na ang liriko nito ay nagsasabing isang diyosa ang nagpaulan ng graniso sa mga taong taga-labas sumisira sa kanyang tinatahanang bundok. Gayunman, hindi kumbinsido ang iba sa mga paliwanag. At ang kakatwa pa, kapag may napapadaan sa nasabing dako, nakikita nilang tila dumadami pa ang mga kalansay, na umaahon at inilalabas ng lawa.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here