ANG KINATATAKUTAN NG BAWAT ZODIAC SA ISANG RELASYON

0
920

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Kahit anupamang zodiac sign iyan, tiyak na lahat ay gustong maranasang ma-inlove at magmahal. Kaya lamang, tiyak na ang bawat zodiac ay may isang takot na nararamdaman patungkol sa pakikipagrelasyon na siyang nagiging hindrance upang siya ay pumalot sa buhay pag-ibig.

        Ikaw, ano ang biggest relationship fear mo? Alamin ito ayon sa iyong zodiac sign.

1.   Aries:  Magmahal at mahulog sa maling tao. Likas na matatalino at independent ang mga Arien, at ang ma-fall sa maling tao ay isang napakalaking sampal sa kaniyang ego.

2.   Taurus:     Mapagtaksilan. Likas na mabait at mabilis magtiwala ang mga Taurean. Handa nilang ibigay ang lahat sa taong kanilang iniibig. Kaya takot ang mga Taurean na hindi masuklian ang kanilang loyalty.

3.   Gemini:    Ang mapagsawaan siya ng taong mahal niya. Ang Gemini ay siyang pinaka-insecure sa 12 zodiac sign. Isang bangungot para sa Gemini na siya ay iwan at ipagpalit sa iba. Mag-iiwan ito ng katakut-takot na katanungan sa kaniyang isipan kung saan ba siya nagkulang at kung ano ba ang nagawa niyang mali.

4.   CANCER: Ang gamitin at iwan ng taong minamahal. Likas na magpabigay ang isang Cancerian. Handa niyang ibigay ang lahat sa taong mahal niya. At dahil alam ng Cancerian ang kaniyang ugali, natatakot siyang maabuso at pagkatapos ay iwan na lamang sa ere kapag wala na siyang maibigay pa.

5.   LEO: Baka hindi niya maibigay ang lahat. Ang mga Leo ay inborn leader. Kapag siya ay nagmahal, gusto niya ay maging kontento sa kaniya ang kaniyang partner. Isa sa kaniyang ikinatatakot ay baka may magawa siyang pagkukulang na maging dahilan upang iwan siya.

6.   VIRGO:    Ang ma-reject. Ang pinaka-perfectionist sa lahat ng signos, bangungot sa mga Virgoan na sila ay ma-reject ng taong gusto nila. Ito ang dahilan kaya takot ang mga Virgoan na gumawa ng first move sa pakikipagrelasyon.

7.   LIBRA:      Ang ipagpalit sa “ex”. Kapag nagmahal ang Libra, tinitiyak niya na magiging the best siya kumpara sa naging “ex” ng kaniyang partner. Kaya anong laking sampal sa isang Libran na hiwalayan siya ng kaniyang partner upang makipagbalikan sa ex nito.

8.   SCORPIO: Ang hindi masuklian ang kaniyang pagmamahal. Kapag bumuo ng pangarap ang Scorpion, tiyak na kasama roon ang kaniyang partner. Isa sa ikinatatakot ng mga Scorpion ay mabalewala ang  lahat ng mga pangarap na iyon.

9.   SAGITTARIUS:   Ang magmahal sa taong hindi niya ka-level. Kabuhayan man iyan, pag-uugali, pisikal na anyo, ang hanap ng mga Sagittarian ay isang lover na magma-match sa kaniyang standard. Kaya naman takot ang mga Sagittarian na kainin ang kanilang mga sinasabi.

10.               Capricorn:       Ang commitment, per se. Ang mga Capricornian ay sinasabing cold-blooded pagdating sa love. Takot silang makipag-commit sa isang relasyon dahil mas prioridad nila ang kanilang sariling pangarap.

11.               AQUARIUS:      Ang magmahal ng maling tao. Mataas ang standard ng mga Aquarian pagdating sa taong mamahalin. Ayaw nila ang mga toxic person. At gaya ng mga Capricornian, takot silang kainin ang kanilang mga sinasabi.

12.               PISCES:    Ang mapagsamantalahan. Hindi palakibo ang mga Piscean at malakas rin ang kutob. Alam nila ang tumatakbo sa isip ng kanilang partner. Takot sila na makain ng pag-ibig upang mabingi sa sigaw ng kaniyang intuition.

PhilippineOne YouTube

PhilippineOne Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here