ANG KINALAMAN NG AREA 51 SA MISYON NG APOLLO 11 PATUNGONG BUWAN

Atin pong itutuloy ang ilan pang mga lihim tungkol sa Area 51 na naging kontrobersiyal. Kung titingnan ang naturang pook, isa itong malawak na anyo ng disyerto sa Nevada. Ngunit, ang totoo, isa itong lupaing iniingatan ng gobyerno na may 95 milyang layo mula sa Las Vegas.

Sa loob ng bakuran ng naturang dako ay nandoroon ang mga lihim. Ayon sa manunulat na si Michael McConnell, may isang Air Force base rito malapit sa Groom Dry Lake na kung saan ay hindi pinag-uusapan at inihahayag ng US government.

Pinili ang naturang dako bilang testingan ng U-2 spyplane dahil sa mainam ang dako para pagliparan at lapagan ng mga aerial vehicles sapol pa noong 1955. Samakatuwid, isa itong testing ground. Dito rin isinasagawa ang testing ng mga secret aircraft at kalaunan’y nalantad na pinakamahabang aircraft runaway sa daigdig.

Noong dekada 60, isang top secret ang isinagawa sa naturang pook upang doon gawin ang sinasabing hidden agenda ng U.S na “The Big Step and Leap to the Mankind”. Ang naturang sikreto at plano ay tungkol sa pagtungo umano ng Apollo Mission sa buwan. Ito ay isang napakalaking pangarap ni US President noon na si John F. Kennedy.

Alam ng kinauukulan na imposibleng makapunta ang isang space aircraft sa buwan dahil sa mga salik. Una, kapag lumagpas na sa atmospera o bago pa nga lumagpas ang isang space shuttle ay sasabog ito dahil sa matinding init. May mga radiation din doon sa naturang layer ng mundo at napakainit na nakakatunaw ng alinmang solidong elemento.

Dahil sa paghahangad ng US na maitala sa kasaysayan na ang Amerika ang unang nasyon na makakapagdala ng tao sa buwan, idiniin niya sa kanyang talumpati noong taong 1961 sa kongreso na:

 “I believe that this nation should commit itself to achieving the goal, before this decade is out, of landing a man on the Moon and returning him safely to the Earth.”

Subalit, hindi kumbinsido ang ilang mga Kano sa proyektong iyon. At sa halip, binatikos pa ang gobyerno na gugugol lang umano ng bilyong dolyar sa isang proyektong suntok sa buwan. Batay sa pahayag ni David Icke, gumugol ng US$ 30 bilyong dolyar sa Apollo 11 Mission. Kung kaya, by hook or by crook, kinakailangang matupad ang layunin ng US na makarating ang Apollo space flight sa buwan kahit na imposible pa ito ayon sa mga astronomist.

Bilang bahagi ng pagsasagawa ng huwad na misyon, kinasabwat ng gobyerno ng US ang ilang crew sa NASA na nakabase sa Flrorida, Air Force, mga state leaders at ng 3 astronauts na si Neil Alden Armstrong, Edwin “Buzz” E.  Aldrin, at Michael Collins kasama pa ang 3 back-up crew sa Apollo 11 na sina James  A. Lowell Jr., William A. Andres, at Fred W Haise Jr.  . Noong buwan ng Hulyo 20, 1969, sa pamamahala noon ni US President Richard Nixon ay naisakatuparan ang minimithi ni Kennedy.

Nangyari ang plano ng US at pinaniwala ang buong mundo na nakarating nga ang Apollo 11 capsule sa buwan nang lumapag ito sa Sea of Tranquility na nasa surface umano ng buwan.. Pero, tikom ang bibig ng ilan dahil isa itong panlilinlang. Ang pook talaga kung saan lumapag ang Apollo 11 ay sa Area 51 mismo. Naka-set-up na ang isang bahagi ng naturang poook na pinalabas ng kinauukulan na moon’s surface.

Ano-ano po ang mga sinasabing katibayan ng mga ilang hindi kumbinsido sa naturang tagumpay ng misyon ng Apollo 11 sa paglapag sa buwan, iyan ang ating ilalahad sa susunod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here