ANG KAUGNAYAN NG MGA ASO SA MAGIC WORLD

2123

Itinuturing na man’s best friend ang mga aso. Ang mga aso ay bahagi na ng pang-araw araw nating pamumuhay, lalo na sa mga passionate dog lovers.

        Ang mga aso ay bahagi rin ng mga  mitolohiya, alamat at kuwentong bayan sa iba’t ibang kultura sa mundo.

        Popular na representasyon ng magic world ang mga pusa. Ngunit, hindi natin dapat kalimutan ang magical nature ng mga aso. 

Ang Aso Bilang Bantay ng Underworld 

        Sa sinaunang Ehipto, si Anubis ay isang jackal-headed guardian ng underworld. Si Anubis ay inilalarawan bilang kalahating-tao at kalahating-aso o jackal. Ang mga jackal ay nakaugnay sa kamatayan at pagluluksa sa Ehipto. Ang mga bangkay na hindi naililibing ng maayos ay karaniwang pinagpipiyestahan ng mga jackal. Ang balat ni Anubis ay purong itim na simbolo nang pagkabulok at pagkaagnas. Ang mga naembalsamong katawan ay nangingitim sa paglipas ng panahon, kaya naman ang kulay itim ay naging sagisag ng pagluluksa at kamatayan.  

Sa mga Griyego, ang underworld ay binabantayan naman ni Cerberus na isang three-headed dog. Ayon sa paniniwalang Griyego, si Cerberus ang siyang nagdedesisyon kung patatawirin niya o hindi sa Ilog ng Styx ang kaluluwa ng isang yumao.  

Ang Aso bilang si Grim 

        Sa mitolohiyang British Isles, si Grim ay isang nocturnal creature. Siya ay nasa anyo ng itim na aso na may mga nagliliyab na mata. Si Grim ay lumalabas sa gabi bilang babala ng kamatayan.  Ginamit ni Sir Arthur Conan Doyle ang konsepto ng Grim bilang plot devices sa kaniyang kuwentong The Hound of the Baskervilles. Si Grim din ang naging inspirasyon ng manunulat na si J.K Rowling sa karakter niyang Sirius Black sa Harry Potter.  

        Pinaniniwalaan sa iba’t ibang kultura na ang pag-alulong ng aso ay tanda ng kamatayan. Kung ang isang aso ay umalulong habang may isinisilang na sanggol, tanda ito na ang batang isinisilang ay daranas ng kahirapan at mga pagsubok sa kaniyang pagtanda.  

Ang Aso bilang Suwerte 

        Ayon sa paniniwala ng Native American tribes, masuwerteng makasalubong ng tatlong puting aso.

        Kung pinaniniwalaang malas ang pag-alulong ng aso kapag may ipinapanganak na sanggol, masuwerte naman kung dinilaan ng aso sa mukha ang bagong silang na sanggol. Sinasabing magiging malusog ang sanggol at kung magkakasugat man ay mabilis itong maghihilom. 

        Sa ilang bahagi ng southeastern United States, pinaniniwalaan na darating ang masaganang ulan para sa mga pananim sa sandaling makita ang isang aso na kumakain ng sariwang damo.  

        Ang ilang breed ng aso ay nakaugnay rin sa suwerte at magandang kapalaran. Ang mga Poodles and Dalmatians ay itinuturing na lucky dogs, lalo na kung makita silang kinakalmot ang sahig kapag ikaw ay aalis ng bahay.  

        Sa ibang mga bansa, ang kulay ng mga aso ay tanda ng magical properties na kanilang taglay. Ang malagintong balahibo ng aso ay katumbas ng kayamanan. Ang white pooch ay para sa romance. Ang itim na aso ay simbolo ng proteksiyon at masaganang tahanan. 

        Nagustuhan ba ninyo ang topic natin ngayon sa Kapangyarihan? Baka may gusto kayong idagdag; o kaya ay may katanungan tungkol sa ating paksa. I-comment lang ito. Kayo ay aking sasagutin sa abot ng aking makakaya.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto