Ang katotohanan tungkol sa panaginip, alamin!

25
14629
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Gusto mo bang malaman ang kahulugan ng iyong mga panaginip? Sa pagkakataong ito, hindi mo lang malalaman ang kahulugan ng iyong mga panaginip,  ituturo ko pa sa’yo kung paano mag-interpret ng mga panaginip.

At sa sandaling natuklasan mo ang kahulugan ng iyong mga panaginip, ito ay magagamit mong gabay, hindi lamang sa pang-araw-araw mong pamumuhay, kundi magiging gabay mo rin ito upang makamit ang tinatawag na “inner self integration”, patungo sa isang mas matagumpay at mas maligayang pamumuhay.

Simulan na natin….

Si Sigmund Freud at ang Unconscious Self.

Sabi nga ng psychologist na si Sigmund Freud (1856-1939), “Dreams are the royal road to the unconscious.

Pero ano ba ang ibig sabihin ng katagang ito ni Freud, at ano ba ang ibig sabihin ng “unconscious”?

Sa pagkakataong ito tuturuan ko muna kayo ng bahagyang asignatura sa kursong psychology. At kilalanin muna nating mabuti ang psychologist na si Sigmund Freud.

Si Sigmund Freud ay isang Austrian psychologist na kinilala bilang founding father of psychoanalysis.

Ang psychoanalysis ay isang sangay o isang sa mga school of thoughts sa psychology. Ito ay isang uri o paraan ng pang-gagamot sa isang tao na may problema sa pag-iisip o mental illness.

Kapag pinag-usapan ang psychoanalysis, laging kaakibat nito ang salitang “unconscious self’.

Ang “unconscious self” ang kadalasang “gising” sa panahong ang isang tao ay natutulog. Kung kaya’t si “unconscious self” ang pinagbibintangang responsable sa mga bagay na napapanaginipan ng isang tao.

Sa pamamagitan ng pag-interpret sa mga panaginip ayon kay Freud matutuklasan mo ang laman ng iyong “unconscious self.”

Saan nangagaling ang mga panaginip?

Kadalasan ang laman ng “unconscious self” na humuhulagpos sa’yong diwa sa panahong ikaw ay tulog at nananaginip ay ang mga sumusunod:

  1. Unfulfilled conscious wish
  2. Repressed drives
  3. Repressed feelings
  4. Fears
  5. Guilt
  6. Anxieties and worries
  7. At iba pa

Ang lahat ng ito, sa sandaling hindi naibulalas ng isang tao sa panahon ng “walking life” o kapag siya ay gising, ika nga’y kinulob o kinimkim mo ito sa kaibuturan ng iyong pagkatao o ng iyong damdamin, ito ay lalabas sa iyong mga panaginip o dili kaya ito ay magdudulot sa iyo ng mental illness.

Subalit sa kabilang banda, sa sandali namang naibulalas o naihayag ito ng isang tao, sa tama at saktong outlet, ang kanyang “unfulfilled conscious wish, repressed drives, repressed feelings, fears, guilt, anxieties and worries,” mawawalang kusa ang iniindang hinanakit at sama ng loob ng isang tao. At kung sobrang nababagabag ang isang tao, o sabihin na nating nagkaroon ng mild mental illness, kapag naibulalas mo sa tamang outlet ang mga negatibong damdaming ito, kusang mawawala ang mga alalahanin sa kanyang buhay, hanggang muling makabalik sa normal, kaaya-aya at maligayang pamumuhay ang isang tao.

At para kay Freud, pinaniniwalaan niyang karamihan sa mga “unfulfilled conscious wish, repressed drives, repressed feelings, fears, guilt, anxieties and worries,” ito ay may kaugnayan sa “sex or sexual fantasies”.

Hindi maibulalas ang mga kalibugang ito sa panahong gising ang isang tao, kaya naman ang mga pantasyang ito ay kusang lumalabas sa panaginip na nagkukubli sa pamamagitan ng mga simboliko.

At ang mga simbolikong ito sa panaginip ang isa-isa nating iinterpret sa susunod na mga araw.

Ang Lingam at ang Yoni

Subalit, bilang patikim o halimbawa, ayon kay Sigmund Freud ang lahat ng bagay na korteng patulis sa panaginip tulad ng baston, lapis, bolpen, kutsilyo, talong at mataas na tore at tuktok ng mga building ay tinatawag na “phallic symbol” puwede ding tawaging “lingam o linga” – ibig sabihin ay ang mismong penis ng lalaki.

Habang ang lahat ng mga bagay na korteng bilog at may butas na mamasa-masa, tulad ng bumubukang bulaklak, malapad na pinggan, arinola, inodoro, kuweba at iba pang butas ay tinatawag na yoni – na ibig sabihin ay ang mismong vagina o kepyas ng isang babae.

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip at matutong mag-interpret ng sarili mong panaginip? Maaari din kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

Exclusive:

Dream Interpretation Online

Ang Sikreto ng iyong Panaginip

ni Maestro Honorio Ong

25 COMMENTS

  1. Magandang araw poh Maestro Honorio Ong..pwd nyo poh ako itago sa pngalang angel ng hongkong.
    May gusto LNG ako malaman tungkol sa aking mga panaginip..taong 2012 ng Simula ako maniginip ng malinaw n tubig nglalakbay ako my dala ako maleta madami kmi sakay kmi ng malaking bangka or prang barko habang nksakay ako sa malaking barko nkikita ko ang npkalinaw n tubig n prang Cristal..ng taong poh un nkaalis ako papuntang Singapore..madalas poh ako mkapanaginip ng malinaw n tubig ng huhuli ako ng isda ung mga isda mismo lumalapit sakin iba iba ang kulay ng mga isda at may malaki at maliit pero mashinuli ko poh ang pinaka malaki n isda..tapos nanaginip din ako ng nghuhuli ng hipon alimago sa malinaw n tubig tapos nangunguha ako ng shells tapos madami DW pero wala ako pg lagyan isinid kona LNG DW sa bulsa ko.. Umaasa poh ako n matugunan nyo ang aking mga panaginip..maraming salamat poh lubos n gumagalang angel ng hongkong

  2. Good day po maestro Honorio Ong.. Pwede niyo akong itago sa pangalang Mrs. Pisces ng Malabon may dalawang anak. At kasal kmi ng asawa ko.At ngaun po ay buntis ako at manganganak ngaung December. Isa rin po akong Placenta previa patient kya kinabahan din ako sa panaginip ko n may mga ahas at may baby.. Kasalukuyang may pinagdaraan din akong di maganda sa pamilya ko ngaun sa aming mag asawa.. na sa kamalasan naman kong kelan pa nasa risky akong sitwasyon ngaun pa kami nag aaway ng asawa ko at nagdesisyong maghiwalay nlng. Nsa barko sya ngaun. May komunikasyon nmn kami pero hindi tlga maganda palagi lng kming nagtatalo kya ang nakakausap nlng nya ay ang panaganay nming anak. Siguro kasi nkakaya ko ng tiisin sya dahil nasasanay narin akong ipagwalang bahala sya dahil sa naranasan kong matinding stress sa knya ngaun. Napagod na akong isipin kong paano nmin aayusin ang pamilya nmin. Lalo pa at buntis ako at di pa maayos ang sitwasyon ko. Sumagi rin sa isip ko ngaun at napagdesisyunan ko nrin n ayusin nlng ang buhay nmin ng mga anak ko pagkapanganak ko na subukan ko nlng syang kalimutan kesa nmn ang mamoblema pa ako sa knya. Ito po ang panaginip ko ngaun Maestro Honorio Ong…nanaginip po ako ngaung araw lng na to, pagkagcng ko ay napagdesisiyunan kong magtanong agad sa inyo dahil sa pag aalala ko. Ang laman po ng panaginip ko ay mga pangyayari n parang puro kamalasan. Ung unang nangyari sa akin ay di ko n matandaan pero wala nmng nsaktan at hindi nmn ako nsaktan. tapos ung pangalawa nmn nahulog daw ako sa sinasakyan kong jeep at ang nhulugan ko ay isang manhole daw sa gitna ng isang express way. Ung manhole n un hindi nmn burak o mabaho ang nabagsakan ko. Kya di nmn ako narumihan at nasaktan. Tapos ung sa pangatlong panaginip ko may isang bahay akong pinuntahan. Tapos pagdating k dun may nakita akong baby n nakahiga. Malapit sa baby may parang isang maliit n room di k malaman kung banyo ba un o ano pero parang banyo hindi k kc natingnan gaano dahil nagulat ako kc may nakita akong ahas sa loob nun n nagpapahinga nakaikot ng pabilog. Isa syang sawa n maliit. Kya sinarado ko ang pintuan ng banyo para di makalabas ang sawang maliit. Kulay pinaghalong Green brown at yellow ang kulay ng sawa n un. Nung maisara ko n ang pinto humingi n ako ng tulong sa labas. Iniwan ko muna saglit ang bata at tumakbo ako palabas. Kaso nung pabalik n ako nagulat ako kc ung ahas n kinulong ko gumagapang n palabas at makakasalubong ko kya natakot at nagulat ako lalo pat nadaanan niya yong beybing nakahiga. Hindi nman niya ito ginalaw at di rin nmn nanunugod ang ahas hindi rin sya nakakatakot kc hindi rin sya nangangagat. Nakapwesto lng sya sa isang tabi at dun nmn pumulupot sa labas. Kaso ang ikinagulat ko pa. Hindi lng pala un ang ahas n nandoon kundi marami sila at may mas malalaki pa dun. Ganun din ang mga kulay nila at pareho cla ng itsura at puro cla mga sawa. Nagkaiba lng ang mga laki nila. At ung mga sawa n un sa mga gilid lng nakapwesto. Ung baby hindi nmn napaano. Nung una natakot ako sa mga sawa n un pero nung huli hindi n kc di nmn nananakit sadyang andun lng tlga sila nakapulupot dun at nagpapahinga. Ung batang nakita ko ay di nmn din sinaktan ng mga ahas. Nakahiwalay din cla sa bata. Tatlong pangyayari sa isang panaginip. Maestro ano po kya ang ibig sabhin ng panaginip ko. Sana po ay masagot niyo. Maraming salamat po..God bless..

  3. Home Dreams
    Dreams
    Kahulugan ng ahas at higad
    By Maestro Honorio Ong – November 23, 20170266

    Maestro Honorio Ong
    Maestro Honorio Ong

    Dream Interpretation Isyu # 78

    Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Ashley tungkol sa higad at tinuklaw ng ahas.

    Dear Maestro,

    Itatanong ko lang po sana kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na tinuklaw ako ng ahas sa kamay, pero walang sugat, then, bigla akong nagising? Then next day, napanaginipan ko naman ang mga higad na nalaglag sa likod at sa ulo ko. Tapos sumisigaw ako kasi takot na takot ako sa higad, tapos bigla na akong nagising.

    KASAGUTAN:

    Ashley, ang panaginip mong “ahas at higad ay related o magkaugnay ang kahulugan.” Sa mas saktong salita, halos may iisang interpretasyon lamang.

    Pero bago ‘yan, pansining kung regular kang sumusubaybay sa ating mga artikulo maaaring nabasa mo ang kumpletong interpretasyon tungkol sa kahulugan ng panaginip na ahas. Nangyari, dahil sa ating mga nakaraang diskusyon, tulad ng kadalasan nating ginagawa, may “makaluma o tradisyunal na pakahulugan” at “may moderno o pang-psychology interpretasyon” sa iyong mga panaginip.

    At tulad ng ahas, kagaya ng nasabi na, maaari mong balikan ang ating artikulo upang detalyado mong mabasang muli ang kahulugan ng ahas sa panaginip. Pero kung tinatamad kang magbasa, pahapyaw na ipapaliwanag ko uli sa iyo ang tungkol sa panaginip na ahas, para matuwa ka naman.

    Ganito ‘yon. Dahil hindi ka naman nakagat, tulad ng nasabi na, ang ahas sa panaginip kung Makalumang Kahulugan o Pang-Tradisyunal ang pagbabatayan ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay: Kaaway o kaya’y kainggitan.

    Ibig sabihin, may mga lihim at lantarang naiinggit sa iyo kaya ang ahas ay nagpakita sa iyong panaginip. Mag-ingat ka dahil anumang sandali mula sa araw ng napanaginipan mo ang ahas, maaari kang tuklawin nito. Ibig sabihin lalo ka nilang sisiraan at wawasakin.

    Kung napatay mo naman ang ahas sa iyong panaginip at “dinurog mo ang ulo nito”. Ito ay nangangahulugang “yari” at “patay” din sa iyo ang iyong mga kaaway at ang mga taong lihim na naiinggit sa iyo. Kaya nga sa susunod na mga araw, walang duda, “ikaw din ang magwawagi at mapapasa iyo ang huling halakhak.”

    Dahil ang ahas ay siya ring tumukso kay Eba sa paraiso ng Eden, kung kaya’t ang tao ay nagkasala, posible ring ang ahas ay nagpapahiwatig ng “tukso” o “babala ng makamundong pagkakasala”. Nasa kaso mo Ashley dahil may “higad at ahas” maaaring ang relasyon ay kasalukuyan mo nang ikinaiirita.

    Dalawang bagay ang ibig sabihin ng “tukso” sa iyong panaginip. Una: maaaring ikaw ang matuksong gumawa ng kaimoralan o mga bagay na lihis sa kabutihang asal. At ang pangalawa: maaaring ang karelasyon mo ang“matukso ng ahas”. Sa madaling salita, “aahasin ka ng isang kaibigan, ng kasamahan mo o ng isang kakilala!”

    Kung Makaluma o Pang-tradisyunal na interpretasyon ng ahas ang pagbabatayan isa lang ang buod ng panaginip mo: “ingatan mo ang sarili mo sa pakikisalamuha mo sa mga taong kakilala mo at hindi mo kakilala at ‘wag kang masyadong magtitiwala at ganon din naman ingatan mo rin ang mga mahal mo sa buhay.”

    Samantala, tulad ng ahas, Ashley, halos ganon din ang kahulugan ng “higad o caterpillar” sa iyong panaginip. Kung saan, sa makalumang kahulugan o pang-tradisyunal na kahulugan, ang higad ay nagbabala na “isang lihim o isang lantarang kaaway ang sisira o hahadlang sa iyong mga plano.” At dahil marami ang “higad sa iyong panaginip, maaaring marami rin ang naiingit sa’yo!”

    Kumbaga, halimbawa ay nagta-trabaho ka sa isang opisina at may lihim o may lantarang naiingit sa iyo, siguradong sa susunod na mga araw, muli siyang kikilos upang siraan ka o bulilyasuhin ang iyong diskarte.

    Tulad ng nasabi na, ang higad sa panaginip “dahil ito ay makati at nakaiirita”, dapat na mag-ingat ka, dahil bukod sa may “aahas sa’yo sa susunod na mga araw, tiyak na may hihigad din sa iyo” na ibig sabihin pipilitin ka nilang pabagsakin at tuluyan masira ang maganda mo pa namang diskarte.

    Dagdag dito sa makalumang kahulugan o pang-trasiyunal, puwede ding ang “higad ay tanda na sa kasalukuyan, ito ay larawan ng isang relasyong gusto mong takasan, o iwasan, dahil parang asiwa at kating-kati na ang iyong pakiramdam, hindi mo lang magawa o malaman kung paano ka makakawala.”

    Samantala sa Modernong Interpretasyon, o sa pang-psychology kahulugan dahil “ang higad ay maraming paa” at ang pangahas lamang niya ay “gumapang o umandar ng umandar at maghapong kumakain ng mga dahon”, ito ay tanda na sa mga panahong nanaginip ka ng higad o caterpillar ito ay tanda na “sobrang active o sobrang hectic” ang buhay mo sa kasalukuyan.

    At dahil nga sa maraming kang mga proyekto at mga pinagkakaabalahang mga gawain o aktibidades na ginagawa sa ngayon hindi maiwasang may lihim o lantarang naiingit sa iyo na sisiraan ka nga o sisirain ka sa susunod na mga araw kaya tulad ng paulit-ulit na nasabi na mag-ingat ka.

    Subalit, ang hindi alam ng mga taong naiinggit at naninira sa iyo sa kasalukuyan, ang hamak at maliit na higad na gumagapang-gapang lamang at hindi gaanong pinapansin, sa sandaling nagkulong na uli sa kanyang pupa, mga ilang araw lang ang napakapangit na nilalang na inaapi, pinandidirihan at inaalipusta, walang anu-ano – magkakapakpak, biglang lilipad at magiging isang napakaganda, makulay at kaakit-akit na paruparo.

    Ganon din ang mangyayari sa iyong kapalaran Ashley. Tulad ng ipinapakita sa iyong panaginip: “Sisiraan ka at mamaliitin”, ngunit sa sandaling patuloy kang nagsisikap kahit gumagapang, tulad din ng higad, matapos ang mga tiisin at pagsasakripisyo mo sa buhay, bigla kang magkakapakpak at magiging isang napakagandang paruparo – nagpapahiwatig, na kahit anong tayog at taas ng iyong mga pangarap, maabot at makakamit mo ito na sa malapit na hinaharap, na sa bandang huli ay magdudulot iyo ng isang napakasarap at napakatamis na tagumpay – kagaya ng isang higad na naging isang ganap na paruparo!

    Share this:
    Click to share on Twitter (Opens in new window)Click to share on Facebook (Opens in new window)Click to share on Google+ (Opens in new window)
    Related
    Dapat alam n’yo ‘to guys… DAHILAN KAYA NANANAGINIP NG SANGGOL ANG BABAE, TUKLASIN
    October 7, 2017
    In “Dreams”
    Ang panaginip ni Andy tungkol sa sapatos
    November 30, 2017
    In “Dreams”
    PANAGINIP NA NAGPAPATUNAY NA MAY PROBLEMANG PINAGDARAANAN
    October 22, 2017
    In “Dreams”

    Previous article
    Final Answer: Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, hindi patatalsikin ni Pangulong Duterte
    Next article
    Kung noon talakan sa kalye, ngayon ay siraan sa social media

    Maestro Honorio Ong
    https://philippineone.com/ang-katotohanan-tungkol-sa-panaginip-alamin/
    Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

    RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR

    Ang kahulugan ng orasan sa panaginip

    Nanaginip ng aratiles at mansanas

    Kahulugan ng dagat at ebs na naging ahas

    1 COMMENT

    Vodka
    December 8, 2017 at 4:30 am
    Your comment is awaiting moderation
    Good evening po maestro,

    Itatanong ko lang po kung ano Ang ibig sabihin ng mga insekto sa panaginip na lagi akong hinahabol pero lagi ko rin cla naitataboy kapag lalapit na sa akin..iba ibang araw po ay panaginip ako ng uod,bubuyog,malaking langaw,linta,ahas, na hinahabol ako palagi at laging nasa gubat po ako hanggang makakarating ako sa ilog at aakyat sa toktok ng bukid.at kadalasan habang hinahabol ako ng mga insekto na yan lagi akong may nakakasalubong at nakikitang matandang babae na nakatingin lang at minsan tintulungan nia ako…ano po kaya ibig sabihin nun maestro? Salamat pp in advance sa pagtungon…..

  4. Master na naginip po ako Ng AHAS tatlong ahas Ang tumuklang saken sa lamay tapos Ang ibang ahas na paligid ko ano po Ang IBIG sabihin

    • Master na naginip po ako Ng AHAS tatlong ahas Ang tumuklang saken sa kamay tapos Ang ibang ahas na paligid ko ano po Ang IBIG sabihin

  5. katanungan lang po ako tungkol saking panaginip.

    nanaginip po kasi ako ng nakikipagtalik po ako sa aking kasintahan, tapos po parang pinapanood po kami nung pamangkin kong babae at nung kakilala kong lalaki ano po kayang ibigsabihin nun?

    sa ngayon po LDR po kami ng aking kasintahan ofw po sya

    salamat po!

  6. Hello po Maestro. Napanaginipan po ako may isang matanda namamahagi ng mga natagpuan nyang ginto. Marami syang dala-dala klase ng gold at itinapon nya portion ng mga ito sa harapan ko at may sumisigaw sa akin na kunin o piliin ko raw ang hugis na medalyon. Ano po ibig sabihin nito?

  7. Magandang araw po.. Nais ko lamang po itanong ang tungkol sa aking panaginip.. nanaginip po ako na napapaligiran ako ng napakaraming malalaking ahas sa ilalim ng tubig ang kakaiba po dun bukod sa malalaki sila ibat iba ang kanilang kulay as in colorful po.. hindi po ako nalulunod pero nakakahinga po ako sa ilalim ng tubig.. at ng umahon ako may isang matandang lalaki na pinapatay nya ang ibang ahas at inilalagay sa bandang unahan ng magsilbing harang sa ibang parte ng tubig.. nang tinanong ko sya bakit nya ginagawa iyon ang sabi nya upang manatiling luminis ang tubig sa bandang parte namin .. habang ginagawa nya iyon lumubog ulit kami sa tubig at pinakita nya sakin na malinis ang parte ng tubig namin at sa kabilang parte nman ay malabo.. ang sabi nya sakin nakikita mo ba gaano karumi dun kaya ko pinapatay ang ibang ahas ay nagsisilbing tagalinis sila ng tubig dito.. Ano po kaya ang ibig savhin nito??

  8. Magandang araw po ,maestro. Unang beses ko pong magtatanong tungkol sa kahulugan ng panaginip. Masyado pong weird ang panaginip ko. Napanaginipan kong dumumi ako at di naman marami, pero karugtong po ng dumi ko ay may kasamang mahabang baging ng dahon na aking hinila at ito po ay mahaba na lumabas sa puwitan. Ano po kaya ang ibig sabihin nun? First time po ako nanaginip ng ganun. Sana po ay matulungan nyo akong masagot at mabigyan kahulugan ang aking panaginip. Maraming salamat po. – ms A.

  9. Hello po. Nanaginip po ako kagabi ng ahas at daga Ang ahas po ay nka steady lng at nakapulupot katawan nya at ang daga nmn nka steady lng din n medyo magkalapit lng sila n nakatitig s akin at ako nmn nkatingin s knila. Ano ho kaya ibg sbhn ang panaginp n to? Maraming salamat God bless

  10. Mtgal na po ito…madalas ako managinip ng na tulaw po ako ng ahas…pero parang wlang epekto sakin yong kagat ng ahas…o wla ngyri sakin ng masma…

    Tpos gabi nanaginip po ako nagkalkad kami sa province nmin 2 kki ng pinsan ko..
    My mga mangingisda nag lalambat..na trap nila uong mga isda at pag ahon nila ng lambat ang dami nilang huli..

  11. nanaginip po ako na pumunta ko ng binyagan pagkatapos ng binyagan my wedding ceremony yong dati kong katrabaho same place din sa binyagan kasi pamangkin nya yong bininyagan noong nagsisimula na yong wedding nasasaktan daw ako hindi ko alam na kasal ko pala yon ikinasal kami subrang daming tao at masaya sila..surprise wedding pala nya sakin..pero sa totoong buhay hindi ko naman sya gusto at matagal na ding walang balita sa dati kung katrabaho..ano po bang ibig sabihin bakit napanaginipan ko sya bigla..

  12. Hi po. Magandang araw! Ask ko Lang po. Anu po ibig sabihin ng panaginip ko natulog po kasi ako ng 2:00pm. Then I was dream na parang nakakatakot .na like nilalapitan po ako ng aswang tapoe nag pray po ako ng our father. Tapos napapatay ko namn po ang aswang. Tapos Yong heart po naglalakaf papunta sa akin at still I’m praying our father po tapos inapak apakan ko po. Namatay din po. I am always dreaming that po. Na natatandaa. Kolang po is I am pray the our father and den nawawala po ang nakakatakot na Yan. Until I wake up po. Sana po mabasa niyo. Salamat po more power!.

  13. magandang gabi po…. hindi ko po masabi dito yung gusto kong tanungin… natatakot po ako…bigla po kasi q kinabahan ngaun habang nag tatype….nilalabanan ko lng po ung takot… pede po ba q magtanung kung may kakayahan kaung malaman kung bukas third eye q?pasensya napo sa tanung ko may kinalaman po kasi ito sa panaginip q at sa mga nararamdaman ko.. salamat po…

  14. Magandang umaga po..maaari po bang magtanong sa inyo maestro.Nanaginip sa akin ang boyfriend ko na may hawak dw ako ng dalawang relo tapos ibinenta ko raw iyong isang relo ko tapos bumalik iyong bumili ng relo sa akin dahil tumigil dw or huminto ang pg ikot ng relo,binuksan ko raw iyong relo ko tapos doon dw nagalit ang boyfriend ko sa akin,ano po bang ibig sabihin ng panaginip ng boyfriend ko maestro?

  15. Gud pm po maestro. Gusto ko po sana malaman un sa panaginip ko madalas po kc ako managinip na umiiyak at nagsasalita ako kaharap un mga tao na involve sa sinasabing nagpakulam sa amin mag asawa.. pero patay na po asawa ko sabe nung tumingin sa akin na manggagamot may kinalaman daw po un mga kaitbahay nmin na mag asawa na kaibigan nmin at un kuya kuyahan po namin dun.. pero po pagka sa sobrang iyak at galit ko nawawala po un boses ko.. at madalas ko sila mapanaginipan kahit mag 7 yrs na po sa sept 30 na wala na po un x husband ko po..ano ibig sabihin nun maestro? At sa work po madalas ako makainggitan at kahit sa pamilya namin diko po maintindihan? Pede nyo po ba ako matulongan? Minsan po kc nagbabago ang itsura ko?

  16. Magandang araw po gusto ko po sanang malaman ano kahulugan ng malaking ahas na napanaginipan ko makulay na ahas po..sa kasalakuyan po ay nagkakaproblema po kami ng asawa ko,ako po ay DH dto sa lebanon sna po matugunan niyo ang aking katanungan
    Salamat po Mr.ong

  17. Hi Po Maestro Magandang araw tawagin nyo na lamang po ako sa name na Mik-Mik 28 years old single,
    Gusto ko lamang po malaman bkt po sa mga panaginp ko prang konektado po sa nangyayari sa buhay ko ngayon meron po akong nakilala na lalaki last month May 7 2019 binata kasalukuyang nsa abroad po sya nag tratrabaho sa tingin ko namn po ay seryoso po sya sakin bago ko po sya nakilala mga 1 week before po nka panaginip po ako ng parang lugar na paraiso na maraming mga bilog na prutas i think mansanas po na ma pupula sinearch ko po un sa page nyo kinilabutan po ako kasi konektado po sya sa nangyayari sa lovelife ko ngayon and nung isang araw naman po nanaginip ako na nsa plaza daw po ako sa province namin na nag lalakad daw po ako sa kabilang side ko po tinitignan ko po ung araw and sa kabilang side ko po is na pka laking buwan at may bundok na halos ang buwan ay malapit na malapit skn na mejo madilm ang lugar and ung nakilala ko pong lalaki at kami na po ngayon sa kasalukuyan at tinutulungan nya po ako sa mga problema ko like financially and very supported po sya skn ngaun and balak po nya na pakasalan ako sa pag dating nya gusto ko lamang po malaman kung anu po ba nag ibig sbhn ng mga panaginip ko at kung anu po pwede nyo i advice skn…

    Respectfully Your’s
    Mik-Mik

  18. Hi Po Maestro Magandang araw tawagin nyo na lamang po ako sa name na Mik-Mik 28 years old single,
    Gusto ko lamang po malaman bkt po sa mga panaginp ko prang konektado po sa nangyayari sa buhay ko ngayon meron po akong nakilala na lalaki last month May 7 2019 binata kasalukuyang nsa abroad po sya nag tratrabaho sa tingin ko namn po ay seryoso po sya sakin bago ko po sya nakilala mga 1 week before po nka panaginip po ako ng parang lugar na paraiso na maraming mga bilog na prutas i think mansanas po na ma pupula sinearch ko po un sa page nyo kinilabutan po ako kasi konektado po sya sa nangyayari sa lovelife ko ngayon and nung isang araw naman po nanaginip ako na nsa plaza daw po ako sa province namin na nag lalakad daw po ako sa kabilang side ko po tinitignan ko po ung araw and sa kabilang side ko po is na pka laking buwan at may bundok na halos ang buwan ay malapit na malapit skn na mejo madilm ang lugar and ung nakilala ko pong lalaki at kami na po ngayon sa kasalukuyan at tinutulungan nya po ako sa mga problema ko like financially and very supported po sya skn ngaun and balak po nya na pakasalan ako sa pag dating nya gusto ko lamang po malaman kung anu po ba nag ibig sbhn ng mga panaginip ko at kung anu po pwede nyo i advice skn…

    Respectfully Your’s
    Mik-Mik

  19. hello! Maestro, nitong mga nakaraang buwan ang madalas akong nakakapanaginip ng weird thing. UNA: lagi kong napapanaginipan yung naging crush ko nung high school ako kasama ko sya lagi sa panaginip ko pero never nmn kaming naguusap. Pangalawa: nanaginip ako ng napakaraming langgam na pula sa bintana mismo ng bahay namin pero hindi ako kinakagat kahit na napadikit ako sakanila pilit kung pinapatay kasi baka makagat ang mga anak pero yung papael na gagamitin ko para makakuha ng apoy basa, nung nakakita ako ng karton yung posporo nmn nasa taas ng bahay namin bago ako makapunta madadaanan ko muna ung sobrang daming langgam. .pati daw ung kalan na pwedeng maging source ng apoy nasira din. pangatlo nanaginip ako ng ahas na dilaw sinusundan daw ako pati ang anak na buhat buhat ko noon pero ang amo amo nya sakin hindi nya ako ginagalaw sobrang lambing nya parang napaka- friendly nya sakin kasi parang kinikiliti pa nya ung gilid ko. tapos nung pabalik na po ako yung panganay na anak ko nmn po ang sinusundan nya pero hindi rin nmn po nya ginagalaw sinusundan lang din po nya. .
    MARAMING salamat po sa SAGOT may 3anak na po pala ako at may kinakasama na 4 almost 9years at balak ng magpakasal sa Dec.

  20. Maestro nanaginip po ako kagabi ng maraming ahas na mga maliliit pa lamang sa ilalim ng higaan namin kulay mga itim na parang inaalagaan talaga pero hindi ako kinagat.Pagkatapos nun ay napanaginipan ko rin ang asawa ko na iniwan daw ako at labis ko daw yong kinalungkot hanggang sa may lalaki daw na tumulong sa akin para kalimutan ang asawa ko .. napansin ko rin na may mga sugat2 ako sa dalawang binti ko, hindi sa tinuklaw aq ng ahas kasi ang sugat is napakalaking hiwa talaga from paa until sa binti ko.. napakataas ng hiwa, parang hiniwa ng kutsilyo na pataas pero walang dugo.. hanggang nagising ako at nagpi pray talaga agad..

  21. Bakit ko laging napapanaginipan ang dati naming tirahan sa bicol? Ito ay gawa sa kawayan. Minsan nasa lababo ako naghuhugas ng pinggan. Yung isa Kong panaginip NASA papag ako. Yung isa ko namang panaginip sinasara ko yung pintuan na tali ang pang lock minsan naman binuksan ko yung pinto naming kawayan at lumabas ako nakita ko yung sapa at mga tanim na mga puno nakita ko rin yung mga dinadaanan naming pilapil at tulay na puno ng niyog. Hindi ko maintindihan kung bakit ko napapanaginipan ang mga ito bakit palagi ito pinapakita sa akin sa pamamagitan ng panaginip. Pakipaliwanag nga po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here