Ang katotohanan tungkol sa panaginip, alamin!

8
952
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Gusto mo bang malaman ang kahulugan ng iyong mga panaginip? Sa pagkakataong ito, hindi mo lang malalaman ang kahulugan ng iyong mga panaginip,  ituturo ko pa sa’yo kung paano mag-interpret ng mga panaginip.

At sa sandaling natuklasan mo ang kahulugan ng iyong mga panaginip, ito ay magagamit mong gabay, hindi lamang sa pang-araw-araw mong pamumuhay, kundi magiging gabay mo rin ito upang makamit ang tinatawag na “inner self integration”, patungo sa isang mas matagumpay at mas maligayang pamumuhay.

Simulan na natin….

Si Sigmund Freud at ang Unconscious Self.

Sabi nga ng psychologist na si Sigmund Freud (1856-1939), “Dreams are the royal road to the unconscious.

Pero ano ba ang ibig sabihin ng katagang ito ni Freud, at ano ba ang ibig sabihin ng “unconscious”?

Sa pagkakataong ito tuturuan ko muna kayo ng bahagyang asignatura sa kursong psychology. At kilalanin muna nating mabuti ang psychologist na si Sigmund Freud.

Si Sigmund Freud ay isang Austrian psychologist na kinilala bilang founding father of psychoanalysis.

Ang psychoanalysis ay isang sangay o isang sa mga school of thoughts sa psychology. Ito ay isang uri o paraan ng pang-gagamot sa isang tao na may problema sa pag-iisip o mental illness.

Kapag pinag-usapan ang psychoanalysis, laging kaakibat nito ang salitang “unconscious self’.

Ang “unconscious self” ang kadalasang “gising” sa panahong ang isang tao ay natutulog. Kung kaya’t si “unconscious self” ang pinagbibintangang responsable sa mga bagay na napapanaginipan ng isang tao.

Sa pamamagitan ng pag-interpret sa mga panaginip ayon kay Freud matutuklasan mo ang laman ng iyong “unconscious self.”

Saan nangagaling ang mga panaginip?

Kadalasan ang laman ng “unconscious self” na humuhulagpos sa’yong diwa sa panahong ikaw ay tulog at nananaginip ay ang mga sumusunod:

  1. Unfulfilled conscious wish
  2. Repressed drives
  3. Repressed feelings
  4. Fears
  5. Guilt
  6. Anxieties and worries
  7. At iba pa

Ang lahat ng ito, sa sandaling hindi naibulalas ng isang tao sa panahon ng “walking life” o kapag siya ay gising, ika nga’y kinulob o kinimkim mo ito sa kaibuturan ng iyong pagkatao o ng iyong damdamin, ito ay lalabas sa iyong mga panaginip o dili kaya ito ay magdudulot sa iyo ng mental illness.

Subalit sa kabilang banda, sa sandali namang naibulalas o naihayag ito ng isang tao, sa tama at saktong outlet, ang kanyang “unfulfilled conscious wish, repressed drives, repressed feelings, fears, guilt, anxieties and worries,” mawawalang kusa ang iniindang hinanakit at sama ng loob ng isang tao. At kung sobrang nababagabag ang isang tao, o sabihin na nating nagkaroon ng mild mental illness, kapag naibulalas mo sa tamang outlet ang mga negatibong damdaming ito, kusang mawawala ang mga alalahanin sa kanyang buhay, hanggang muling makabalik sa normal, kaaya-aya at maligayang pamumuhay ang isang tao.

At para kay Freud, pinaniniwalaan niyang karamihan sa mga “unfulfilled conscious wish, repressed drives, repressed feelings, fears, guilt, anxieties and worries,” ito ay may kaugnayan sa “sex or sexual fantasies”.

Hindi maibulalas ang mga kalibugang ito sa panahong gising ang isang tao, kaya naman ang mga pantasyang ito ay kusang lumalabas sa panaginip na nagkukubli sa pamamagitan ng mga simboliko.

At ang mga simbolikong ito sa panaginip ang isa-isa nating iinterpret sa susunod na mga araw.

Ang Lingam at ang Yoni

Subalit, bilang patikim o halimbawa, ayon kay Sigmund Freud ang lahat ng bagay na korteng patulis sa panaginip tulad ng baston, lapis, bolpen, kutsilyo, talong at mataas na tore at tuktok ng mga building ay tinatawag na “phallic symbol” puwede ding tawaging “lingam o linga” – ibig sabihin ay ang mismong penis ng lalaki.

Habang ang lahat ng mga bagay na korteng bilog at may butas na mamasa-masa, tulad ng bumubukang bulaklak, malapad na pinggan, arinola, inodoro, kuweba at iba pang butas ay tinatawag na yoni – na ibig sabihin ay ang mismong vagina o kepyas ng isang babae.

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip at matutong mag-interpret ng sarili mong panaginip? Maaari din kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

Exclusive:

Dream Interpretation Online

Ang Sikreto ng iyong Panaginip

ni Maestro Honorio Ong

8 COMMENTS

  1. Magandang araw poh Maestro Honorio Ong..pwd nyo poh ako itago sa pngalang angel ng hongkong.
    May gusto LNG ako malaman tungkol sa aking mga panaginip..taong 2012 ng Simula ako maniginip ng malinaw n tubig nglalakbay ako my dala ako maleta madami kmi sakay kmi ng malaking bangka or prang barko habang nksakay ako sa malaking barko nkikita ko ang npkalinaw n tubig n prang Cristal..ng taong poh un nkaalis ako papuntang Singapore..madalas poh ako mkapanaginip ng malinaw n tubig ng huhuli ako ng isda ung mga isda mismo lumalapit sakin iba iba ang kulay ng mga isda at may malaki at maliit pero mashinuli ko poh ang pinaka malaki n isda..tapos nanaginip din ako ng nghuhuli ng hipon alimago sa malinaw n tubig tapos nangunguha ako ng shells tapos madami DW pero wala ako pg lagyan isinid kona LNG DW sa bulsa ko.. Umaasa poh ako n matugunan nyo ang aking mga panaginip..maraming salamat poh lubos n gumagalang angel ng hongkong

  2. Good day po maestro Honorio Ong.. Pwede niyo akong itago sa pangalang Mrs. Pisces ng Malabon may dalawang anak. At kasal kmi ng asawa ko.At ngaun po ay buntis ako at manganganak ngaung December. Isa rin po akong Placenta previa patient kya kinabahan din ako sa panaginip ko n may mga ahas at may baby.. Kasalukuyang may pinagdaraan din akong di maganda sa pamilya ko ngaun sa aming mag asawa.. na sa kamalasan naman kong kelan pa nasa risky akong sitwasyon ngaun pa kami nag aaway ng asawa ko at nagdesisyong maghiwalay nlng. Nsa barko sya ngaun. May komunikasyon nmn kami pero hindi tlga maganda palagi lng kming nagtatalo kya ang nakakausap nlng nya ay ang panaganay nming anak. Siguro kasi nkakaya ko ng tiisin sya dahil nasasanay narin akong ipagwalang bahala sya dahil sa naranasan kong matinding stress sa knya ngaun. Napagod na akong isipin kong paano nmin aayusin ang pamilya nmin. Lalo pa at buntis ako at di pa maayos ang sitwasyon ko. Sumagi rin sa isip ko ngaun at napagdesisyunan ko nrin n ayusin nlng ang buhay nmin ng mga anak ko pagkapanganak ko na subukan ko nlng syang kalimutan kesa nmn ang mamoblema pa ako sa knya. Ito po ang panaginip ko ngaun Maestro Honorio Ong…nanaginip po ako ngaung araw lng na to, pagkagcng ko ay napagdesisiyunan kong magtanong agad sa inyo dahil sa pag aalala ko. Ang laman po ng panaginip ko ay mga pangyayari n parang puro kamalasan. Ung unang nangyari sa akin ay di ko n matandaan pero wala nmng nsaktan at hindi nmn ako nsaktan. tapos ung pangalawa nmn nahulog daw ako sa sinasakyan kong jeep at ang nhulugan ko ay isang manhole daw sa gitna ng isang express way. Ung manhole n un hindi nmn burak o mabaho ang nabagsakan ko. Kya di nmn ako narumihan at nasaktan. Tapos ung sa pangatlong panaginip ko may isang bahay akong pinuntahan. Tapos pagdating k dun may nakita akong baby n nakahiga. Malapit sa baby may parang isang maliit n room di k malaman kung banyo ba un o ano pero parang banyo hindi k kc natingnan gaano dahil nagulat ako kc may nakita akong ahas sa loob nun n nagpapahinga nakaikot ng pabilog. Isa syang sawa n maliit. Kya sinarado ko ang pintuan ng banyo para di makalabas ang sawang maliit. Kulay pinaghalong Green brown at yellow ang kulay ng sawa n un. Nung maisara ko n ang pinto humingi n ako ng tulong sa labas. Iniwan ko muna saglit ang bata at tumakbo ako palabas. Kaso nung pabalik n ako nagulat ako kc ung ahas n kinulong ko gumagapang n palabas at makakasalubong ko kya natakot at nagulat ako lalo pat nadaanan niya yong beybing nakahiga. Hindi nman niya ito ginalaw at di rin nmn nanunugod ang ahas hindi rin sya nakakatakot kc hindi rin sya nangangagat. Nakapwesto lng sya sa isang tabi at dun nmn pumulupot sa labas. Kaso ang ikinagulat ko pa. Hindi lng pala un ang ahas n nandoon kundi marami sila at may mas malalaki pa dun. Ganun din ang mga kulay nila at pareho cla ng itsura at puro cla mga sawa. Nagkaiba lng ang mga laki nila. At ung mga sawa n un sa mga gilid lng nakapwesto. Ung baby hindi nmn napaano. Nung una natakot ako sa mga sawa n un pero nung huli hindi n kc di nmn nananakit sadyang andun lng tlga sila nakapulupot dun at nagpapahinga. Ung batang nakita ko ay di nmn din sinaktan ng mga ahas. Nakahiwalay din cla sa bata. Tatlong pangyayari sa isang panaginip. Maestro ano po kya ang ibig sabhin ng panaginip ko. Sana po ay masagot niyo. Maraming salamat po..God bless..

  3. Home Dreams
    Dreams
    Kahulugan ng ahas at higad
    By Maestro Honorio Ong – November 23, 20170266

    Maestro Honorio Ong
    Maestro Honorio Ong

    Dream Interpretation Isyu # 78

    Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Ashley tungkol sa higad at tinuklaw ng ahas.

    Dear Maestro,

    Itatanong ko lang po sana kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na tinuklaw ako ng ahas sa kamay, pero walang sugat, then, bigla akong nagising? Then next day, napanaginipan ko naman ang mga higad na nalaglag sa likod at sa ulo ko. Tapos sumisigaw ako kasi takot na takot ako sa higad, tapos bigla na akong nagising.

    KASAGUTAN:

    Ashley, ang panaginip mong “ahas at higad ay related o magkaugnay ang kahulugan.” Sa mas saktong salita, halos may iisang interpretasyon lamang.

    Pero bago ‘yan, pansining kung regular kang sumusubaybay sa ating mga artikulo maaaring nabasa mo ang kumpletong interpretasyon tungkol sa kahulugan ng panaginip na ahas. Nangyari, dahil sa ating mga nakaraang diskusyon, tulad ng kadalasan nating ginagawa, may “makaluma o tradisyunal na pakahulugan” at “may moderno o pang-psychology interpretasyon” sa iyong mga panaginip.

    At tulad ng ahas, kagaya ng nasabi na, maaari mong balikan ang ating artikulo upang detalyado mong mabasang muli ang kahulugan ng ahas sa panaginip. Pero kung tinatamad kang magbasa, pahapyaw na ipapaliwanag ko uli sa iyo ang tungkol sa panaginip na ahas, para matuwa ka naman.

    Ganito ‘yon. Dahil hindi ka naman nakagat, tulad ng nasabi na, ang ahas sa panaginip kung Makalumang Kahulugan o Pang-Tradisyunal ang pagbabatayan ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay: Kaaway o kaya’y kainggitan.

    Ibig sabihin, may mga lihim at lantarang naiinggit sa iyo kaya ang ahas ay nagpakita sa iyong panaginip. Mag-ingat ka dahil anumang sandali mula sa araw ng napanaginipan mo ang ahas, maaari kang tuklawin nito. Ibig sabihin lalo ka nilang sisiraan at wawasakin.

    Kung napatay mo naman ang ahas sa iyong panaginip at “dinurog mo ang ulo nito”. Ito ay nangangahulugang “yari” at “patay” din sa iyo ang iyong mga kaaway at ang mga taong lihim na naiinggit sa iyo. Kaya nga sa susunod na mga araw, walang duda, “ikaw din ang magwawagi at mapapasa iyo ang huling halakhak.”

    Dahil ang ahas ay siya ring tumukso kay Eba sa paraiso ng Eden, kung kaya’t ang tao ay nagkasala, posible ring ang ahas ay nagpapahiwatig ng “tukso” o “babala ng makamundong pagkakasala”. Nasa kaso mo Ashley dahil may “higad at ahas” maaaring ang relasyon ay kasalukuyan mo nang ikinaiirita.

    Dalawang bagay ang ibig sabihin ng “tukso” sa iyong panaginip. Una: maaaring ikaw ang matuksong gumawa ng kaimoralan o mga bagay na lihis sa kabutihang asal. At ang pangalawa: maaaring ang karelasyon mo ang“matukso ng ahas”. Sa madaling salita, “aahasin ka ng isang kaibigan, ng kasamahan mo o ng isang kakilala!”

    Kung Makaluma o Pang-tradisyunal na interpretasyon ng ahas ang pagbabatayan isa lang ang buod ng panaginip mo: “ingatan mo ang sarili mo sa pakikisalamuha mo sa mga taong kakilala mo at hindi mo kakilala at ‘wag kang masyadong magtitiwala at ganon din naman ingatan mo rin ang mga mahal mo sa buhay.”

    Samantala, tulad ng ahas, Ashley, halos ganon din ang kahulugan ng “higad o caterpillar” sa iyong panaginip. Kung saan, sa makalumang kahulugan o pang-tradisyunal na kahulugan, ang higad ay nagbabala na “isang lihim o isang lantarang kaaway ang sisira o hahadlang sa iyong mga plano.” At dahil marami ang “higad sa iyong panaginip, maaaring marami rin ang naiingit sa’yo!”

    Kumbaga, halimbawa ay nagta-trabaho ka sa isang opisina at may lihim o may lantarang naiingit sa iyo, siguradong sa susunod na mga araw, muli siyang kikilos upang siraan ka o bulilyasuhin ang iyong diskarte.

    Tulad ng nasabi na, ang higad sa panaginip “dahil ito ay makati at nakaiirita”, dapat na mag-ingat ka, dahil bukod sa may “aahas sa’yo sa susunod na mga araw, tiyak na may hihigad din sa iyo” na ibig sabihin pipilitin ka nilang pabagsakin at tuluyan masira ang maganda mo pa namang diskarte.

    Dagdag dito sa makalumang kahulugan o pang-trasiyunal, puwede ding ang “higad ay tanda na sa kasalukuyan, ito ay larawan ng isang relasyong gusto mong takasan, o iwasan, dahil parang asiwa at kating-kati na ang iyong pakiramdam, hindi mo lang magawa o malaman kung paano ka makakawala.”

    Samantala sa Modernong Interpretasyon, o sa pang-psychology kahulugan dahil “ang higad ay maraming paa” at ang pangahas lamang niya ay “gumapang o umandar ng umandar at maghapong kumakain ng mga dahon”, ito ay tanda na sa mga panahong nanaginip ka ng higad o caterpillar ito ay tanda na “sobrang active o sobrang hectic” ang buhay mo sa kasalukuyan.

    At dahil nga sa maraming kang mga proyekto at mga pinagkakaabalahang mga gawain o aktibidades na ginagawa sa ngayon hindi maiwasang may lihim o lantarang naiingit sa iyo na sisiraan ka nga o sisirain ka sa susunod na mga araw kaya tulad ng paulit-ulit na nasabi na mag-ingat ka.

    Subalit, ang hindi alam ng mga taong naiinggit at naninira sa iyo sa kasalukuyan, ang hamak at maliit na higad na gumagapang-gapang lamang at hindi gaanong pinapansin, sa sandaling nagkulong na uli sa kanyang pupa, mga ilang araw lang ang napakapangit na nilalang na inaapi, pinandidirihan at inaalipusta, walang anu-ano – magkakapakpak, biglang lilipad at magiging isang napakaganda, makulay at kaakit-akit na paruparo.

    Ganon din ang mangyayari sa iyong kapalaran Ashley. Tulad ng ipinapakita sa iyong panaginip: “Sisiraan ka at mamaliitin”, ngunit sa sandaling patuloy kang nagsisikap kahit gumagapang, tulad din ng higad, matapos ang mga tiisin at pagsasakripisyo mo sa buhay, bigla kang magkakapakpak at magiging isang napakagandang paruparo – nagpapahiwatig, na kahit anong tayog at taas ng iyong mga pangarap, maabot at makakamit mo ito na sa malapit na hinaharap, na sa bandang huli ay magdudulot iyo ng isang napakasarap at napakatamis na tagumpay – kagaya ng isang higad na naging isang ganap na paruparo!

    Share this:
    Click to share on Twitter (Opens in new window)Click to share on Facebook (Opens in new window)Click to share on Google+ (Opens in new window)
    Related
    Dapat alam n’yo ‘to guys… DAHILAN KAYA NANANAGINIP NG SANGGOL ANG BABAE, TUKLASIN
    October 7, 2017
    In “Dreams”
    Ang panaginip ni Andy tungkol sa sapatos
    November 30, 2017
    In “Dreams”
    PANAGINIP NA NAGPAPATUNAY NA MAY PROBLEMANG PINAGDARAANAN
    October 22, 2017
    In “Dreams”

    Previous article
    Final Answer: Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, hindi patatalsikin ni Pangulong Duterte
    Next article
    Kung noon talakan sa kalye, ngayon ay siraan sa social media

    Maestro Honorio Ong
    https://philippineone.com/ang-katotohanan-tungkol-sa-panaginip-alamin/
    Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

    RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR

    Ang kahulugan ng orasan sa panaginip

    Nanaginip ng aratiles at mansanas

    Kahulugan ng dagat at ebs na naging ahas

    1 COMMENT

    Vodka
    December 8, 2017 at 4:30 am
    Your comment is awaiting moderation
    Good evening po maestro,

    Itatanong ko lang po kung ano Ang ibig sabihin ng mga insekto sa panaginip na lagi akong hinahabol pero lagi ko rin cla naitataboy kapag lalapit na sa akin..iba ibang araw po ay panaginip ako ng uod,bubuyog,malaking langaw,linta,ahas, na hinahabol ako palagi at laging nasa gubat po ako hanggang makakarating ako sa ilog at aakyat sa toktok ng bukid.at kadalasan habang hinahabol ako ng mga insekto na yan lagi akong may nakakasalubong at nakikitang matandang babae na nakatingin lang at minsan tintulungan nia ako…ano po kaya ibig sabihin nun maestro? Salamat pp in advance sa pagtungon…..

  4. Master na naginip po ako Ng AHAS tatlong ahas Ang tumuklang saken sa lamay tapos Ang ibang ahas na paligid ko ano po Ang IBIG sabihin

    • Master na naginip po ako Ng AHAS tatlong ahas Ang tumuklang saken sa kamay tapos Ang ibang ahas na paligid ko ano po Ang IBIG sabihin

  5. katanungan lang po ako tungkol saking panaginip.

    nanaginip po kasi ako ng nakikipagtalik po ako sa aking kasintahan, tapos po parang pinapanood po kami nung pamangkin kong babae at nung kakilala kong lalaki ano po kayang ibigsabihin nun?

    sa ngayon po LDR po kami ng aking kasintahan ofw po sya

    salamat po!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here