Ang katotohanan tungkol sa Bangsamoro Basic Law

0
13397

Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sisiguraduhin niya na magkakaroon ng katuparan ang matagal ng pinagdidiskusyunan at nakabinbin na BBL o Bangsamoro Basic Law. Ito ay naglalayon na mapalawak o magkaroon ng expansion ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM. (rappler.com) 

Ngunit, para saan nga ba ang Bangsamoro na ito at bakit kailangan na magkaroon nito?  

Noong November 27, 2017, sa kauna-unahang Bangsamoro Assembly ay ipinaliwanag nang maayos ni Pangulong Duterte upang maunawaan na rin ng ating mga kababayan lalo pa ng mga millenials ang kahalagahan ng Bangsamoro Basic Law. 

Mga Muslim diumano talaga ang mga nauna sa Mindanao dahil ang ating mga ninuno ay mga Malay. Ngunit ,dahil daw sa imperyalismo at pananakop sa atin hindi lamang ng mga Kastila at mga Amerikano ay nagkaroon ng historical injustice. 

“…Nauna rito ang Islam. Talagang Muslim na ang Mindanao. But with the coming of imperialism, I said pumasok dito at marami ng relihiyon. It’s all about God. It’s all about Allah. Nothing strange there. But the fight for the territory began. And the dream of the Moro people was just to retake what they were or they had at that time. Violence after violence after violence… Now, if we do not solve this problem. The fundamental issue of historical injustice hindi ito matatapos, saad pa ng Pangulo. Gusto niya ng areglo lalo pa at may mga kapamilya siya na mga Kristiyano at Maranao. 

Sinabi rin ng Pangulo na napakaraming suhestiyon at drafts para sa BBL ang kanyang natatanggap mula kina Nur Misuari, Kagi Murad at maging sa mga iskolar. 

Ngunit, iisa lamang ang kanyang kondisyon para rito:  It must be inclusive. 

“Walang maiiwan dito sa peace talks na ito. The MILF (Moro Islamic Liberation Front), the MNLF (Moro National Liberation Front) lahat na, lumad, kailangan kasali.” 

“..Let us work  on the historical issues. Land, the social injustices that were committed since then. Well, apparently the Christian governments has had an edge all along because they were in power holding the national structure.” Dagdag pa ng Pangulo na tila may kaunting pasaring pa sa Simbahan. 

“But I will only work with one thing in mind: There must be one nation for all and one republic for all. A Republic of the Philippines for all of us, Moro and Christians alike.” (https://pcoo.gov.ph/presidential_speech/speech-president-rodrigo-roa-duterte-1st-bangsamoro-assembly/) 

Isang magandang pagkakataon ito na maiintindihan ng mga Pilipino sa ngayon kung bakit nga ba tila may pinaghuhugutan ang mga kapatid nating MILF at MNLF. Marami kasi, lalo na sa mga kabataan sa ngayon, ang hindi naiintindihan ito dahil na rin sa katotohanan na ni hindi man lang nila alam ang buong kwento at katotohanan sa likod ng pakikipaglaban at pakikibaka ng ating mga kababayan at mga kapatid upang makamit lamang ang tunay na sa kanila. 

Nawa ay maging mahusay at smooth ang takbo ng mga pangyayari at makamit na rin ng ating mga kapatid na Muslim ang kapanatagan at katiwasayan ng loob sa pamamagitan ng BBL at magawa ito sa panahon ng administrasyong Duterte.

 

The opinions of the writer do not necessarily reflect the opinions of PhilippineOne management and its editors.

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here