Ang Katapatan ng Aries

Ikaw ay isang Aries kung ipinanganak ka ng March 21 – April 19, natitiyak kong may katangian ka na karapat-dapat talagang hangaan. Matapat kasi siya kaya hindi ka mangangamba na ikaw ay lolokohin niya. Iyon nga lang, sa sobrang katapatan niya ay nagagawa na niyang sabihin sa’yo ang mga bagay na ayaw mo sanang pakinggan. Kung minsan kasi ay talagang masakit ang katotohanan ngunit hindi naman sinasabi ng taong Aries ang mga salitang kanyang binitawan ara masaktan ka. Ang ibig lang niya ay itama ang iyong mga pagkakamali.

Kahit naman naglitanya sa’yo ng katakut-takot na salita ang isang Aries, wala pa rin naman siyang magagawa kung hindi siya susundin. Iyon nga lang, hindi mo pa ba gagawin ang tama kung may nagsabi na sa’yong mali ang iyong ginagawa? Marahil nga dahil iba naman ang takbo ng iyong isipan.

Ang isa pang kahanga-hanga sa mga Aries ay iyong may lakas sila ng loob na gawin ang gusto nila sa buhay. Alam kasi nilang mas walang mangyayari sa kanilang buhay kung hindi sila magkakaroon ng lakas ng loob. At ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila na may sigla at may tiwala sa kanilang sarili. Sa amamagitan nito ay alam nilang mas magiging maganda ang resulta ng kanilang trabaho.

Gayunpaman ay mayroon din naman silang kahinaan at itinatagong hindi magandang pag-uugali. Sa sobra kasi ng lakas ng loob nila ay nagagawa nilang maging abigla-bogla. May pagkakataon na hindi nila pinag-iisipan ng husto ang mga gusto nilang gawin. Nagiging maikli din ang kanilang pasensiya kaya naman madalas ay nakasinghal siya kung ang isang tao ay hindi agad nakukuha ang ipinaliliwanag nila.

Iba-iba rin ang kanilang mood. May pagkakataon na sobrang saya niya pero mamaya ay mainis o malulungkot. Nakakairita man ang ganitong pag-uugali nila, wala ka ng magagawa pa kundi ang mapailing. Paano ba naman kasi, maguguluhan ka na lang sa kanyang inaasal at para hindi na humaba pa ang usapan ay mas maigi pang manahimik ka na lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here