Ang Katangian ng isang Scorpio

Kung ikaw ay ipinanganak sa pagitan ng October 24 hanggang November 21, nangangahulugan na ikaw ay isang Scorpio. Kung ganoon, alam mo ba ang  mga katangian na mayroon ka? Marahil ay hindi mo iyon pansin kaya naman naririto ako para ipalam sa’yo ang mga dapat mong malaman tungkol sa Ang Katangian ng isang Scorpio

Isang magaling na leader ang taong Scorpio kaya huwag ka na magtaka pa kung sila ay mayaman dahil sila ay mapamaraan. Kung ang iba, ang isang lumang bote ay itatapon na, ang mga Scorpio ay hindi gagawin iyon, sa halip,  gagawin pa niya iyong kapaki-pakinabang. Pwede niya iyong gawing lalagyan o lalagyan niya iyon ng palamuti para maging isang magandang deklarasyon.

Dahil ang mga Scorpio ay isang water sign ay masasabing siya ay ma-emosyonal na tao kaya naman kapag siya ay umibig ay wagas. Wala siyang pakialam kung may kumontra man sa taong kanyang mahal, magagawa niya itong ipaglaban hanggang sa huli. May katigasan kasi ang kanyang ulo kaya hindi ka nakikinig sa ibang tao kahit pa sa’yong pamilya. Gayunman, huwag na huwag niyang mararamdaman na may dapat siyang ipagdusa sa’yo dahil paimbestigahan ka niya hanggang sa malaman niya ang katotohanan.

At ang pinakamaganda sa taong Scorpio ay isa siyang napakabuting kaibigan. Anuman ang sikreto mo ay hinding-hindi niya iyon ipagkakalat dahil tapat siya sa inyong pagkakaibigan kahit na mag-away at magkatampuhan pa kayo.

O, Scorpio ka ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here