ANG KARIBAL SA DULONG-DUHAT

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Naniniwala po ba kayo sa mga iba pang mga nilalang? Totoo ba ang mga sabi-sabi at kuwento ng mga matatanda na may mga ibang nilalang— o sinasabi nilang mga engkanto? Totoo naman talaga dahil nakasaad ito sa Biblia. Noong panahon ni propeta Moises, itinagubilin ng Panginoong Diyos sa pamamagitan niya sa bayang Israel na huwag mang-eengkanto dahil mapapahamak lang ng mga gumagawa nito.

‘E kung sabihin ng iba, totoo ba ang mga kapre? ‘E tikbalang kaya? Hayaan nating ang kasaysayan ni Ginoong David M. Belmonte, isang secutiry guard ng The One Executive Building sa Delta sa Lungsod ng Quezon ang isa sa mga magpapatotoo.

Noong 18-anyos si David, naligaw siya noon sa kababayang taga- Alaminos sa Pangasinan na tatawagin na lang nating “Celie”, isang mayumi ngunit masayahing binibini. Madalas magtungo ang dalawa sa sapa kung saan ay nanngingisda si David upang manghuli ng tilapya, dalag, bangus, at hipon. Ito ay tinatawag nilang sa “Dulong-Duhat”.

Sa hindi kalayuan sa sapa, mayroong isang punong duhat na may taas na mahigit sa 20 talampakan na natatakpan ng matatas na talahib. Tuwing gabi, kapag napapadaan doon sina David at Celia, may nakikita silang isang marungis na tao na humihithit ng tabako. Di naman kalakihan ang tao. Payat daw ang nakita nilang nilalang na mahaba ang buhok. Batid ni David na kapre ang kanilang nakita. Hindi naman sila ginagalaw o sinaktan nito. Kaya lang, may bagay na kakatwa.

Kapag mangingisda na si David, nagugulat siya kung bakit ang labo ng tubig sa sapa. Kaya, nahihirapan siyang manghuli ng isda. Minsan, nakita niyang kinakawkaw at binubulabog ng kapre ang tubig sa sapa. At ang nakguglat na rebelasyon, inamin ni Celia na binibigyan siya ng bulaklak ng kapre dahil nanliligaw ito sa dalaga.

Natatandaan pa ni David na noong isang gabi ng Abril 1994, may nakita siyang isa pang kapre sa isang puno ng balete na mya di kalayuan sa puno ng duhat na malapit sa sapa. Gaya ng naunang kapre na ang kulay ng balat ay kulay putik, ang isang kapre ay kulay abuhin naman at ma mahaba ang hinihithit na tabako nito. Kapag nadadapian ng hangin tuwing magdadapit-hapon o gabi ang isang kapre, ang hangin ay nangangamoy dumi ng kalabaw o baka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here