ANG KAPANGYARIHANG TAGLAY NG MGA KULAY

1711

Ang paggamit ng healing power ng mga kulay ay nakapaloob sa prinsipyo ng color therapy o chronotherapy. Ang pitong kulay ng rainbow ay nakapagpapabuti at nakapagbabalanse ng kalagayan ng kaisipan at katawan. Ang uri ng therapy na ito ay kadalasang sinasamahan ng hydrotherapy (water) at aromatherapy (scent) upang ma-enhance ang healing effect.

Ang mga kulay ay may impact sa tolerability level ng isang tao sa isang partikular na lugar  na kaniyang kinaroroonan. Ang kulay ng mga pader at fabrics ng isang lugar ay nakakaapekto sa magiging saloobin ng isang taong naroroon.

 

Napatunayan sa color therapy na ang bawat kulay ay may healing capability.

  1. Red—Nakapagpapataas ng blood temperature at nakapagi-stimulate ng blood circulation. Karaniwang ginagamit ang kulay red sa mga taong dumaranas ng anemia, fatigue, paralysis, at exhaustion.
  2. Blue—nakapagpapakalma ng inflammatory conditions, burns, at bruises. Nakatutulong rin ito sa mga taong may eczema, psoriasis, rashes, at sores. Maliban sa mga nabanggit, ang kulay asul ay nakapagpapababa ng tension and stress level, at nakapagpapalakas ng immune system. Pinaniniwalaan ring nakagagamot ng insomnia, anxiety, high blood pressure, migraines at skin irritations ang kulay asul.
  3. Yellow—Ito ay ginagamit bilang digestive booster at sa mainam na pag-andar ng atay o liver. Ang kulay dilaw ay may decongestant at antibacterial properties na nakapaglilinis ng katawan. Sinasabing ito ay nakapagpapahupa rin ng sakit na dulot ng rayuma at arthritis.
  4. Green—Ginagawa nitong balanse ang body system. Mainam ang kulay green sa mga may problema sa puso at dugo. Ang kulay na ito ay may kakayahang impluwensiyahan ang human cell structures at muscles.
  5. Orange—Nagbibigay ito ng vitality sa katawan. Mainam ito sa kidneys, urinary tract, at reproductive organs.
  6. Purple—Nakaugnay ito sa eyes, ears, nose, and mouth health. Nakaaalis rin ito ng head congestion at sinuses dahil pinapakalma nito ang nervous system.

Napatunayan na may magandang epekto sa kalusugan ang color therapy. Ipinapayo na huwag mananatili ng matagal sa isang lugar na makulay o sobrang dami ng kulay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here