ANG KAPANGYARIHANG TAGLAY NG IYONG PANGALAN (Part 4): PAANO GAGAMITIN ANG IYONG PANGALAN UPANG IKAW AY SUWERTIHIN

0
451

Ang iyong pangalan ay source of power.

 Kung pakiramdam mo ay mailap sa iyo ang suwerte, tulad sa pakikipagtransaksyon, pakikipagkaibigan at iba pang aspeto sa buhay, maaari mong subukan na magpalit ng pangalan. Hindi naman ito nangangahulugan na kailangan mo pang mag-file ng Petition sa Korte para palitan ang pangalan mo. Ang simpleng pagpapalit mo ng iyong palayaw ay malaki na ang maitutulong. Halimbawa, kung ang tunay mong pangalan ay Alvin, at pakiramdam mo ay hindi ka swerte sa pangalan na ito, sabihan mo na ang iyong mga kakilala na tawagin ka sa pangalang maiisip mong ipalit dito.

         Maaaari ninyong basahin ang article ko sa Philippine One patungkol dito. I-click lamang ang link:  https://philippineone.com/kapangyarihan-april-4-tuklasin-ang-kahalagahan-ng-pangalan/

         Isa pa sa paraan upang ma-tap ang kapangyarihan ng pangalan ay gawin itong personal talisman.

         Ituturo ko kung paano ito gagawin.

         Kumuha lamang ng isang puting kandila at malinis na papel.

         Isulat sa papel ang mga katangian at kakayahang gusto  mong ma-associate sa iyong pangalan.

         Maaari mong subukan ang mga character tulad ng power o kapangyarihan, katatagan, katalinuhan, mapagmahal, matapat, masayahin, masuwerte, at iba pang katangiang gusto mong ma-associate sa taglay mong pangalan.

         Pagkatapos mong isulat ang lahat sa papel, i-rolyo mo ito at saka mo sindihan sa apoy ng kandila.

         Hayaang maubos ang papel.

*****

PAHULING SALITA

         Ganyan makapangyarihan ang pangalan. Ugaliing tawagin ang isang tao ayon sa kaniyang pangalan. Iwasan ang pagbibigay bansag sa tao. Kaya nga siya may pangalan.

https://philippineone.com/ang-kapangyarihang-taglay-ng-iyong-pangalan-part-1-ang-hiwaga-ng-iyong-pangalan/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here