ANG KAPANGYARIHANG TAGLAY NG IYONG PANGALAN (Part 3): ANG KAHULUGAN NG MGA PANGALAN

0
396

Bawat isang pangalan ay may origin o pinagmulan. Ito ay maaaring pangalan ng isang lugar, pangyayari, o kaya ay bagay na naiugnay sa isang tao sa paglipas ng panahon.

         Dahil ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya at Amerika sa mahabang panahon, karaniwang naging kolonyal na rin ang ating mga pangalan.

         Ang mga Germanic names tulad ng Albert, Robert, Gilbert, ay katumbas ng mga warlike attributes tulad ng “katapangan”, “katalinuhan”, at “katanyagan”.  Ang mga pangalang may “bert” sa hulihan ay karaniwang elemento ng mga Germanic names, na nangangahulugang “matalino”.

         Ang mga French names ay karaniwang variation ng Germanic names. Halimbawa nito ay Robert, Chales, Henry, William, Albert. Karaniwan sa French name na gumamit ng dalawang pangalan, tulad ng Jeanne Marie, Jean Claude. Traditionally, ang mga French name ay isinunod sa Roman Calendar of Saints. Halimbawa, ang Marie ay isinunod sa pangalan ni Mary; at Bernard, na katumbas ni St. Bernard of Clair Vaux.

         Ang mga Slavic names ay nagtataglay ng katangian ng pagkamahinahon at mapagmahal sa kapayapaan. Ang root meaning ng mga Slavic names ay nangangahulugn ng “kapayapaan”, “papuri sa Diyos”, at “Pagbibigay/pagbibigayan.”  Ang mga pangalang may “slava” ay Slavic names, na nangangahulugan ng “Gloria”.

         Ang mga Celtic names tulad ng Alan, Brian, Bridget, Brigid ay mga anglicized version ng Celtic. Karaniwang nakasunod sa pangalan ng mga santo ang a Celtic names, pati na rin ng ilang Celtic methodical creatures tulad ng Lance, Brian, Bryan, Ryan.  Ang karaniwang female Celtic names ay Lynn, Sharon, Eileen, Irene.

         Ang mga Greek at Latin names ay nagmula naman sa Greco-Roman Gods na bahagi ng early Christian traditions. Halimbawa nito ay ang Alexander, Andrew, Nicholas, Margaret, Chloe, Zoe.

         Ang origin ng mga Biblical names ay Hebrew o Aramaic names na nagmula sa Luma at Bagong Tipan. Karaniwan ito sa mga Kristiyano. Ayon sa paniniwala, ang pagsusunod sa pangalan ng anak sa isang prominent biblical figure ay tanda ng pagpupugay sa Diyos. Ilan sa mga biblical names ay Emmanuel, Isaiah, Ruth, Rey, David, Mary, Jesus, Jose, Christian, at iba pa. Karaniwan na mauugat sa bibliya ang ilang Filipino names.

         Ang mga nature names ay nagmula naman sa mga elemento ng kalikasan. Ito ay binubuo ng mga pangalan ng bulaklak, ibon, kulay ng gemstones o batong hiyas, at iba pang bagay na makikita sa kapaligiran at bahagi ng ecosystem. Ang mga pangalan tulad ng Violet, Rose, Jasmine o Jasmin, Daisy, Dawn, Crystal, at Ruby ay ilan lamang sa mga halimbawa nito.

         Ang mga trait names ay karaniwang naka-associate sa Christian virtues and principles. Karaniwang ito ay feminine names tulad ng Faith, Hope, Charity, Caridad, Socorro. Ayon sa paniniwala, ang sinumang babaeng nagtataglay ng particular na trait name ay magtataglay rin ng kahalintulad ng Christian virtues at principle. Halimbawa, ang pangalang Socorro ay nangangahulugan na “maawain”. Samakatuwid, ang taong may pangalang Socorro ay karaniwang may malambot na puso sa mga nangangailangan.

         Nabanggit ba ang pangalan mo sa mga ibinigay kong halimbawa?

         Makatutulong ang pagri-research sa internet at ilang websites upang malaman mo ang kahulugan ng iyong pangalan. Hindi ko na maiisa-isa ang kahulugan ng pangalan dahil sa napakarami nito. Isa sa pinaka-popular na site na maaaring subukan at bisitahin upang malaman ang kahulugan ng pangalan ay ang Meaning-of-Names.com.

         Sa susunod na isyu ay aking ituturo kung paano gagamitin ang iyong pangalan upang ikaw ay suweritihin sa buhay.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here