ANG KAPANGYARIHANG TAGLAY NG IYONG PANGALAN (Part 2)

0
565

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Ang ating mga pangalan ay nagtataglay ng kapangyarihan.

         Ang pagbibigay ng pangalan sa isang bagay ay karaniwang iniuugnay sa katangian/karakter na taglay nito.

Noong unang panahon, karaniwang ibinibigay na pangalan sa mga tao ay naaayon sa kaniyang personalidad.  Ang Maganda at Mayumi ay karaniwang pangalang ibinibigay sa mga kababaihan, dahil sa karaketer at katangiang associated sa mga babae—maganda at mayumi. Sa mga kalalakihan, karaniwang ibinibigay na pangalan ang Makisig at Malakas, sapagkat ang mga salitang iyon ay naglalarawan sa masculinity. Ang mga aso na kulay puti ay tinatawag na “Puti”, dahil nga sa kulay nito; at “Tagpi”, kung ito ay may mga spots sa katawan. Dahil pangalan, nagkakaroon na ng ideya o mental visualization ang mga nakaririnig sa karakter at persona ng tao o bagay, kahit hindi pa  nila  ito aktuwal na nakikita.

         Ang pangalan ng Diyos, halimbawa, ay itinuturing na banal, sagrado, at makapangyarihan. Dahil dito, ipinag-utos na huwag gagamitin ang Ngalan ng Diyos sa mga walang kabuluhang bagay. Ang mga ancient Jews ay iniiwasan o pinangingilagang bigkasin ang pangalan ng Diyos dahil sa takot at labis na paggalang. 

Ganito mailalarawan kung paano umiiral ang kapangyarihan ng pangalan. Lumilikha ito ng auto suggestion sa ating mga utak at subconscious. Ito ang dahilan kaya karaniwang naia-associate natin ang ating emosyon sa pangalan kapag ito ay ating narinig.  Hindi ba at kinikilig ka kapag naririnig mo ang pangalan ni crush? Para itong musika sa iyong pandinig.  Ano ang nararamdamam mo kapag naririnig mo ang pangalan ng taong kinasusuklaman mo? Hindi ba’t marinig mo pa lamang ang pangalan niya ay maaalala mo na kaagad ang mga kawalanghiyaang ginawa niya sa iyo? May gigil at inis kang nararamdaman. Ano naman ang epekto sa iyo kapag narinig mo ang pangalan ni boss?

Ang ating family name ay itinuturing din na source of power. Karamihan sa mga family names ay may motto. Ang mga mottos ay reminder ng kadakilaan ng taglay mong family name. Halimbawa, ang isang mag-anak ay may kani-kaniyang opinyon sa lahat ng bagay na minsan ay siyang dahilan ng mga hindi pagkakasunduan. Ngunit, kapag may isang outsider na umalipusta at umaglahi sa pangalan ng inyong angkan, lahat kayo sa pamilya ay magkakaisa upang ipagtanggol ang inyong pangalan at reputasyon.   Ang pangalan ng iyong pamilya ay dala-dala mo kahit saan. Ito ang dahilan kaya madalas nating marinig ang mga paalaalang ingatan ang pangalan ng ating pamilya, at bigyan ito ng karangalan.

Sa susunod na isyu ay ating tatalakayin ang kahulugan ng mga pangalan.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here