ANG KAPANGYARIHANG TAGLAY NG IYONG PANGALAN (Part 1): ANG HIWAGA NG IYONG PANGALAN

0
888

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Minamalas ka ba sa buhay? Mailap ba sa iyo ang suwerte? Baka nasa pangalan mo ang problema!

         Lahat tayo ay may pangalang tinataglay. Bukod sa iyong proper identification, ang taglay mong pangalan ay may mahalagang kahulugan rin sa iyong pagkatao at kapalaran sa mundong ito.

         Ang taglay mong pangalan ay isang selyo ng iyong personal identity. Kung ihahalintulad sa isang produkto, ang iyong pangalan ay siya mong barcode na naglalaman ng lahat ng impormasyon patungkol sa iyo.

******

ANG HIWAGA NG IYONG PANGALAN

         Ang pangalang taglay mo ngayon ay hindi lamang aksidente. Bago ka pa man ipanganak sa mundong ito, ang iyong magiging pangalan ay pinag-isipang mabuti ng iyong mga magulang.

         Ngunit sa higit na mas malawak na perspektibo, ang pangalang taglay mo ay katumbas ng iyong spiritual body. Samakatuwid, bago ka pa man lumabas sa mundong ito, may pangalan ka na sa spiritual world. Ang pangalang ito ay magdidikta sa uri ng pagkataong tataglayin mo sa life time mo na ito; pati na rin sa uri ng kapalaran at tadhanang tataglayin.

         Sa susunod na isyu ay aking tatalakayin ang KAPANGYARIHAN ng mga pangalan.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here