Ang kapangyarihan ng China

359
Chinese Communist Party top leaders stand up while "the Internationale," the international communist anthem, is played during the closing ceremony of 18th Communist Party Congress held at the Great Hall of the People in Beijing, China, Wednesday, Nov. 14, 2012. The pivotal Communist Party congress at which China installs its next generation of leaders has been a well-oiled machine in which all groups perform closely prescribed roles in a well choreographed process that embodies the collectivist spirit espoused by the party. (AP Photo/Ng Han Guan)

Napaka ingay ng bansang China ngayong taon na to, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Hindi maiiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang balak o plano ng China kung bakit sunod-sunod ang pag iingay nito. Dapat ba tayong magsawalang bahala o matakot?

Noon, nababalitaan lang natin ang China sa mga Pekeng produktong dinadala nila sa iba’t ibang bansa, mga kakaiba nilang mga teknolohiya, ang napakalaki nilang populasyon at ang mga kakaiba nilang pista katulad ng “Lychee and Dog Meat Festival” kung saan sa legal kumatay, pumatay at kumain ng aso sa buong pista. Mga ganitong klaseng balita lamang ang naririnig sa China noon, at isa lang ang sigaw ng tao sa gobyerno ng China noon kundi “tigilan niyo na yan!”

Maingay ang bansang China noon sa mga hindi maka taong Gawain at pangyayari. Hindi makakaligtas ang bansang Pilipinas sa mga bagay na yon, sapagkat noon pa man ay marami ng naninirahang mga Tsino sa Pilipinas. Matatandaang dito nahuli at pinatay ang Chinese drug lord na si Lim Seng, ang kaso ng melamine sa mga gatas at ang pinaka latest ay ang pag aagawan sa teritoryo sa West Philippine Sea/ South China Sea. Dapat malaman ng mga Pilipino na kaya malakas ang loob ng China na wag sumunod sa United nations (UN) kahit na tayo ay panalo na, sapagkat alam nilang makapangyarihan ang kanilang bansa ngayon. Makikita namang hindi pa handa ang bansang Pilipinas sa isang malaking gyera na kayang ibigay ng China. Maraming kakulangan sa kagamitang pandigma at hindi handa ang mga tao. Ultimo ang gobyerno ay walang magagawa sapagkat baon sa utang ang Pilipinas sa China. May tinatawag na Sistema ng pagpapa-utang ang China at maraming nagsasabing isa itong “Debt trap” sapagkat ayon sa kasunduan pauutanging nila ang isang bansa at kapag hindi naka bayad sa takdang panahon gagamitin nila ito para makuha nila ang kanilang gusto sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit hindi magawan ng paraan ni Presidente Duterte ang agawan ng teritoryo.

Hindi matatapos ang digma’ng ito hangga’t hindi nakukuntento ang bansang China sa kapangyarihan. Dahil mukhang pina-plano nilang alisin sa pwesto ang Western Country o Amerika bilang pinaka makapangyarihan at maimpluwensiya sa buong mundo. Maraming lihim na motibo ang China at hindi natin maiiwasan kung ano man ang maging plano, ang importante ay maging ligtas ang bawat mamamayang Pilipino at walang dumanak na dugo ng dahil lang sa kasakiman sa kapangyarihan at teritoryo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here